UNDER THEIR INFLUENCE 8: SLEEPY

67 10 0
                                    

"Hanggang anong oras ba ang klase mo ngayon?" tanong ko habang nagaabang kami ni Moi ng masasakyang jeep.

Paano kasi inaantok naman.

"Hanggang 2 lang pero sabay tayo uuwi. Ayaw ko mauna. Hindi na nga tayo sabay kahapon." tugon nito habang pumipikit-pikit sa pagod.

"Sure ka? Hanggang 4 pa ako."

"Oo nga. Sure na sure."

"Okay, sige. Sabi mo eh. Nagaalala lang naman ako kasi tignan mo oh. Kulang ka sa tulog. Anong oras na kasi kayo nakauwi yata kagabi."

"Dami lang ginawa sa simbahan." siniksik nito ang mukha niya sa braso na para bang unan ito.

"Naku, delikado iyan. Tumutuwid na daan ka na ba? Don't tell me gusto mo sumunod sa yapak ni Tito at mag pari?"

"Gago!" tugon nito na may pag irap. Hala siya. Nagalit?

"Joke lang! Ito naman." saad ko at ginulu-gulo ang buhok niya.

Pagdating namin ng school ay hindi pa rin mawala ang pagaalala ko kay Moi. Kung bakit naman kasi Law pa ang kinuha niyang course eh balita ko terror ang mga Prof nila sa course na iyon unlike sa Med na medyo ma bait pa kahit papaano.

Pagdating ko ng classroom eh laking pagtataka ko ng walang Ryan na sumalubong sa akin. Bagkus ang nakangiting si Rona. Mukhang ang saya niya ah? Bagay naman sa kanya. Para siyang anghel kapag ngumiti.

"G-Good morning." bati ko.

"Hello, Lexel! Ano? Nakapagpaalam ka na ba?"

"H-Hindi pa eh. Try ko mamaya. Nakalimutan ko magpaalam kahapon. May mga ginawa pa kasi ako pag uwi."

"Okay basta ah, pupunta ka."

At lumabas na siya ng classroom kasama ang mga kaibigan niya. Lumakad ako papunta sa pwesto ko at nakita kong nanduon na si Bel at abala sa pagta-type niya. Malamang para ito duon sa sasalihan naming contest. Bigla ko na naman din tuloy naalala 'yung kahapon. Agad akong umiling-iling.

"Good morning." bati ko.

"What's good in the morning?" masungit na tugon nito. Hala, may period ba siya today? Ang taray ah.

"Nagkausap kami ni Rona just now." tugon ko. Tignan ko nga kung maiinis siya para malaman ko kung may gusto siya sa akin.

"Good for you. Anyway, may naisip na akong genre ng kwentong isusulat ko. Kapag nagawa ko na 'yung kalahati ng kwento, ipapabasa ko sa iyo para magkaruon ka na ng idea na magandang gawing cover para sa story, okay?"

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Kitams? Hindi ako type nito? Walang bahid.

"S'ya nga pala, pinsan mo si Moses Gomez duon sa Law building, 'di ba?"

Automatic akong napalingon sa tanong niya.

"Oo, bakit?"

"Wala sa tuwing nakikita ko kasi siya parang lagi siyang pagod. May sakit ba iyon?"

"Sakit?" wala naman akong maalala na sinasabi niyang iniinda niya sa akin, "Wala ah. Pagod lang talaga iyon. Sa dami ba naman ng ginagawa nila sa course niya eh."

Tumango lang siya at magsasalita pa sana ako kaso dumating na 'yung Prof namin.

As usual after ng klase sabay kaming umuwi ni Moi ng bahay. Dumiretso ako agad sa kwarto ko para mag aral. May parating kasi kami na long quiz sa susunod na araw at kailangan kong ma-maintain ang good grades ko kung gusto kong hindi ma evict sa bahay.

"Aba, nag aaral ka pa bata? Bakit? Matalino ka naman eh! Magpahinga ka na. Huwag mong masyadong dibdibin ang pag aaral. Hindi naman lahat iyan magagamit mo kapag nagtrabaho ka." sabi ni Rome na komportableng nakahiga sa kama ko.

"Hay naku, huwag kang makikinig sa kanya, Lexel. Mag aral ka lang d'yan. Kailangan mo iyan para hindi ka bumagsak, okay?" saad naman ni Gabi na nakaupo sa tabi ni Rome.

Saglit akong tumingin sa kanila. Himala. Bihira ko silang nakikitang magkatabi ng hindi nagsusungitan sa isa't-isa. Aware kaya sila sa sitwasyon nila ngayon?

"Hay, KJ mo naman anghel ko. Sigurado kung naguming mortal ka, ikaw 'yung tipo ng kaklase na masyadong lulong sa pagaaral. Talo pa 'yung adik sa pula ng mata kakabasa ng libro." nakangising sabi nito.

"Alam mo demonyo ko, hindi bale ng kagaya ng sa adik ang mata ko kesa hawig sa itlog o palakol ang makukuha kong grado sa bawat gawain sa school."

"Pero alam mo. ."

"Ano?"

"Hindi lang sa grado pwedeng makakita ng itlog."

Sabay kaming nag kunot nuo ni Gabi.

"Eh saan pa ba? Sa palengke?" inosenteng sagot ni Gabi sa kanya.

"Hindi," ngisi nito sabay turo sa ibabang parte ng katawan niya na agad kinapula ng pisngi ni Gabi samantalang ako napatampal nalang sa nuo ko.

"Napaka mo talaga!" inis na sabi ni Gabi sabay hagis ng unan sa mukha ni Rome bago nag walkout palabas ng kwarto ko.

Ilang oras din ang lumipas bago ko namalayan na masyado ng malalim ang gabi at kailangan ko na matulog kaya naman ng saka ko palang naramdaman ang antok ay agad na akong nagligpit ng gamit ko.

Nakahiga na ako at iniisip ang maaaring maging katanungan sa magiging long quiz namin ng gaya sa nakaraang gabi ay nakarinig ako muli ng malakas na kung ano galing sa labas ng kwarto ko. Ano iyon?

Lalabas ba ako?

At wala pang limang minuto ang nakalipas ay lumabas na ako ng kwarto ko at sumipat sa hallway kung nasaan ang mga kanya-kanya naming mga kwarto. Nothing unusual.

Napabuntung-hininga ako.

Wala naman sigurong multo 'di ba? I mean, nakikita ko sina Gabi at Rome na siyang anghel at demonyo ko at kung nakikita ko sila di ba dapat nakikita ko rin yung mga multo?

Napalunok ako at nilakasan ang luob ko. Wala naman sigurong biglang hahatak sa akin sa kung saan kapag bumaba ako ng second floor di ba?

At iyon nga ang ginawa ko. Marahan akong bumaba. Dinig ko pa ang bawat lakad ko pababa ng hagdan. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong nakitang kakaiba kaya pinatay ko na ang ilaw at muling umakyat sa kwarto ko ng may marinig akong muling malaglag na gamit mula sa ibaba. Sa takot ko ay kumaripas ako ng pasok sa kwarto ko, not minding na malakas ang pagkakasara ko sa pinto. Shit.

May multo nga yata kami dito sa bahay! Kailangan ma confirm ko ito kina Rome at Gabi.

------------------------------------------------------------

Date Posted: January 02, 2022

Tadaa! Time check, it's 12:00 AM. Kamusta ang new year? New life, who this na ba? So far, I hope you're liking this new story. Anyway, 'til next update.

Stay lunatic! Stay weird!

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon