"I praise you, for I am fearfully and wonderfully made. Wonderful are your works; my soul knows it very well. Psalm 139:14." pagbasa ng matandang babae sa bibliyang kanyang hawak, habang nakatayo sa harapan ng mga mananampalataya.
Araw ng linggo. Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng simbahan. Maraming tao ang nasa luob ngunit karamihan ay hindi para magpasalamat sa biyayang natanggap sa buong linggo kundi ang humiling ng kung anu-ano na kanilang gustong makuha para sa kanilang sarili, mga nanduon upang masabing sila ay may takot sa diyos at relihiyoso, at syempre mawawala ba naman ang gusto lang ipakita sa kanilang mga kasabayan sa pagsisimba na may mga bagay silang wala ang iba tulad ng bagong damit, pera, o hindi naman kaya ay naghahanap ng magandang mukha na maaaring gawing dahilan upang tuwing linggo ay makapunta sila sa misa.
Matapos magbasa ng nasa harapan ay nagsitayo ang lahat upang magbigay pugay sa magsesermon na pari sa harapan ng altar.
Ang dalawa sa apat na sakristan na nasa gilid ng altar ay lumapit sa pari upang alalayan ito sa pagpunta sa mahaba nitong lamesa kung saan naghihintay maipatong ang hawak nitong sagradong bibliya. Nagkatinginan ang dalawang sakristan at bahagyang yumuko sa isa't-isa bago tuluyang makarating sa kanilang destinasyon. Ang isa ay napatingin sa nakaupo sa harapan na hilera ng mga matatandang lalaking nakasuot ng puti. Napalunok ito ng mapansin na nakatingin sa kanya ang isa sa mga iyon.
Matapos ang halos isang oras na misa ay sa wakas makakauwi na rin ang dalawang sakristan na nagkatinginan kanina. Dali-dali silang nag asikaso at lumabas sa likod ng simbahan dala ang kanilang mga gamit at ang isa ay agad na naglakad patungo sa mga nakahilerang street foods.
"Moi! Anong ginagawa mo? Halika ka na, mamaya may makakita pa sa atin dito isumbong pa tayo kila Lolo. Mayari pa tayo pag uwi." inis na sabi ng isa sa dalawa.
"Kalma ka lang, Lex. Take out na nga lang ito oh. Masyado ka namang kabado. Pwede namang sabihin na nagutom tayo kaya kumain muna tayo." tugon ng isa habanb tumutusok ng fishball at nilalagay sa hawak nitong plastic cup.
"Eh alam mo naman 'yung mga iyon. Sasabihin nila sa atin na kagagaling lang natin sa simbahan tapos imbis na iuwi natin sa bahay ang grasyang natanggap natin, dito sa kanto na ito dumidiretso."
"Aish, sige na nga. Ito na, ito na. Manong, ito po bayad ko." pagka abot nito ng bayad ay lumakad na ito sa direksyon ng kasama niya at inalok ng binili niya, "Bakit naman kasi ang OA ng mga matatandang palasimba 'no? Akala mo talaga sa langit diretsyo nila eh ang judgmental naman sa karamihan."
"Loko! Tumigil ka nga. Mamaya may makarinig sa iyo. Saka hoy, akala mo hindi kita napansin kanina ah."
"Huh?"
"Anong huh? Tigilan mo ako sa ganyan mo. Halata kita kanina 'no. Tinitignan mo 'yung pogi duon malapit sa may nagku-choir. Umayos ka ah, mamaya may makabisto sa iyo bukod sa akin. Ay naku, sinasabi ko sa iyo. Yari kang bata ka. Araw-araw ka talaga sa bible study sinasabi ko sa iyo."
"Gaga! As if namang mapapa diretso ng bible at sermon nila 'yung pagiging baliko ko." natatawang sabi ng isa.
"Pssh, bibig mo." inis na sita ng kasama nito.
"Ay sorry po, nasa prisensya pala ako ng napabuting nilalang at ako 'yung hindi."
"Alam mo, ang sa akin lang naman, mag iingat ka na walang ibang makaalam ng sikreto mo. Ayaw kong itakwil ka nila dahil lang sa ganyan ka. Ewan ko nga rin ba kung bakit napakalaking kasalanan na magkagusto ka sa kapwa mo kasarian kesa sa pakiki apid na halos tinatanggap nalang ng karamihan."
"Wala eh. Nasa mundo tayo ng mapanghusga, kung saan ang siyang mga nagpapakalat ng salita ng diyos ang siya pang nangunguna. Tao nga naman, hindi perpekto pero ang diyos oo kahit na ang ilan sa mga nagawa niyang desisyon eh hindi rin naman karapat-dapat na sambahin."
Habang naghihintay ng masasakyan ang dalawa pauwi ay biglang umihip ang isang napakalakas na hangin. Maaraw ngunit hindi nakakasilaw.
Sa hindi kalayuan ay isang matangkad at guwapong lalaki ang nakasandal sa matandang puno malapit sa simbahan. Nakangisi ito. Hindi siya alintana ng mga nagdadaang tao sa paligid dahil hindi siya dapat makita ng mga mortal gaya nalamang ng isa pang gaya niya na nakatayo sa harapan niya na nagliliwanag at may dalang libro. Hindi tulad niya na nakasuot ng itim na suit at may itim na pagpak at pulang halo, ang isa ay puti na mala dress robe ang kasuotan na may gintong halo at puting pakpak.
"Anghel ko, mukhang ako ang mananalo dito sa bata natin." nakangising sigaw nito.
"Masyado pang maaga para mang husga, demonyo ko." isang pilit na sabi ng isa sabay irap at tingin sa batang kanyang dapat bantayan.
Isang malakas na busina ang narinig sa paligid at ang dalawang sakristan ay sumakay na sa nakahintong jeep. Ngunit bago ito tuluyang umandar paalis ay napatingin ang isa sa dalawang sakristan sa labas kung saan nakita niya ang anghel at demonyo na nakatingin sa kanya.
Napakusot siya ng kanyang mga mata sa pagaakalang namamalik-mata siya.
"Shit." bulong nito ng hindi pa rin ito nawala sa kanyang paningin at dinadaanan lang sila ng kapwa niya tao at hindi napapansin ang hindi maitatangging pang out of this world nilang hitsura at awra na tanging siya lang ang nakakakita.
"Huy, anong nangyayari sa iyo?" tanong ng kasama niya ng mapansin nitong parang may nakikita ito na kakaiba.
"Nakikita mo ba iyon?" sabay turo sa anghel at demonyo na ngayon ay nagbabangayan na sa kani-kanilang mga pwesto.
"Ang alin?" kunut-nuong tanong ng kanyang kasama.
"A-Angel! Saka Devil!" natatarantang sabi niya kaya ang ilan sa mga nakasakay sa jeep ay naweirduhan sa kanya at napatingin din sa tinuturo niya.
"Sira ulo!" hinampas ng lalaki ang kasama niya ng wala siyang makita na gaya ng sinasabi ng kasama niya, "Simba pa more! Tsk, tsk."
"Hindi, meron--!" magsasalita pa sana siya kaso sa isang kisap mata ay nasa mismong harapan niya na ang kaninang tinitignan niya sa hindi kalayuan.
"Sshh, quiet ka lang, boy. Sige ka kapag pinilit mo na nakikita mo kami, isipin nila baliw ka." nakangising sabi ng demonyo na prenteng nakaupo sa hagdan nf jeep, "Tama ako, 'di ba, Anghel ko?"
"Gusto ko sanang sabihing hindi pero mali ang magsinungaling kaya oo, tama siya, Lex. Huwag kang matakot sa amin este sa akin. Ako ang guardian angel mo. Ang pangalan ko ay si---!"
"Rome, pare." nakalahad kamay na sabi ng demonyo samantalang nakatitig ng masama sa kanya ang angel na napabuntung-hininga na lamang at inayos ang upo sa harapan ng nakakakita sa kanila.
"Ang pangalan ko ay si Gabriel pero Gabi for short. Nice to meet you, Lexel." masayang sabi ng anghel at sa saya niya at agad niyang niyakap ang nasabing lalaki.
"Woah, grabe! Bakit biglang lumamig?!" tanong ng kasama niya habang kinukuskos ang mga palad sa kanyang braso.
Natulala naman ang nasabing lalaki at parang nabigla sa mga pangyayari kaya hindi na nakakagulat na mawalan ito ng malay.
"Uy, Lex! Lexel!" natatarantang sabi ng kasama habang niyuyugyog ang kasama kaya pati ang ibang nakasakay ay nakisawsaw na rin sa biglaang pagkahimatay ng binata.
"Tsk, tsk. Hala ka, anghel ko. Tinakot mo! Sa sobrang liwanag mo akala white lady ka!" mamatay-matay sa katatawang sabi ng demonyo.
"Umalis ka sa harapan ko baka ano pang magawa ko sa iyo! Kanina ka pa naiinis na ako! Hay! Mga demonyo nga naman!" naiinis na sabi nito at muling umirap. Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nito na siyang lalong nagpatawa sa demonyo.
------------------------------------------------------------
A/N:
Date Published: December 25, 2021 at 12:00 AM
Hello, night readers! Nagbabalik ang inyong weirdong manunulat para sa panibagong fantasy/supernatural bxb story. Yehey! May aabangan na ulit sila gabi-gabi, char!
So, ayun. Gusto ko lang sabihin na December special ito. Kung bakit? Malalaman ninyo kapag nakarating na tayo sa ending ng kwento. Biglaan ko lang ito naisip habang nakasakay ako sa mrt at papasok sa trabaho habang may pinapakinggang kanta.
Anyway, stay lunatic and weird!
BINABASA MO ANG
UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)
RomanceWhat will you do if you can see your Guardian Angel and Demon and could communicate with them? Will you be happy to know that they are real? Will you let one or both of them influence your ways of living here on Earth? #UTI #ANGEL #DEMON Date Creat...