UNDER THEIR INFLUENCE 15: PROTECTORS

50 8 0
                                    

To say that I'm scared is an understatement lalo pa at nasa harap kami ngayon ng Dean. Kaming anim lang ang nandito sa luob ng malawak na office pero pakiramdam ko maliit at masikip ang lugar at para akong hindi makahinga at nanduon din 'yung feeling sa akin na parang wala akong suot dahil lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin.

Tama sina Rome at Gabi. Dapat sinunod ko nalang sila at hindi na pumasok eh.

"Ano? Walang magsasalita sa inyo kung bakit kayo nagsimula ng gulo sa labas kanina? Dito ninyo ngayon ilabas ang tapang ninyo, sige!" galit na sabi ng Dean na hinampas pa ang kanyang table.

Napa igik naman ako sa lakas nu'n.

"Ang tatanda ninyo na, wala na kayo sa elementary o highschool at mas lalong wala kayo sa public school para umasta kayo na parang mga basagulero sa labas. Ano? Sabihin ninyo sa akin kung bakit kayo gumawa ng eksena duon ng maintindihan ko at hindi ko maisip na ipatawag ang mga magulang ninyo."

Tinignan muna ako ni Moi bago nagsalita. 'Yung tingin na parang humihingi ng tawad. Bakit? Teka, bakit biglang parang iba ang pakiramdam ko sa balak niyang gawin? Bago ko pa siya mapigilan ay nagsalita na siya.

"Because he," sabay turo kay Ryan, "assaulted my cousin and she," sunod niyang turo kay Rona, "helped him para maisakatuparan nitong lalaking ito ang plano niya sa pinsan ko! Mga gago kayo!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at nakaramdam ng hiya.

"M-Moi! Anong sinasabi mo?" paano niya nalaman? Wala naman akong sinabi sa kanya o kahit kay Bel kaya paano?

"Lex, insan, stop denying because that will only help them para pagtakpan ang ginawa nila sa iyo. I may be gay and only your cousin at wala ako dapat pakialam sa sarili mong buhay o sa nangyayari sa iyo but what they did is beyond reasonable. You almost got raped! Tingin mo ba hindi ko napansin iyon o palalagpasin ko lang iyon na halos mag breakdown ka sa ginawa sa iyo ng mga hayop na ito? No! No, Lex!" sigaw sa galit ni Moi at para akong tuta na nakayuko lamang sa harap niya, nilang lahat at pinipigilan ang sarili ko na maramdaman ang pamilyar na pandidiri, takot at panliliit na naramdaman ko ng mga sandaling nangyari ang bagay na iyon sa akin.

"I-Is that true?" hindi makapaniwalang tanong ng Dean kina Ryan at Rona.

"N-No, Sir!" pagtatanggi ni Rona, "Why would I do something absurd like what this gay is saying? Wala ka namang pruweba sa mga sinasabi mo! Stop making false accusations!"

"Stop lying, Rona." sabat ni Bel, "Lying to Lex telling it was your birthday yesterday and that you have a party sa bahay ninyo na siya lang ang ininvite mo knowing how popular you are na alam nating makakaalam at pupunta is already a strong evidence and the fact na inuupdate ako ni Lex before yesterday at ng makarating siya sa bahay ninyo is already enough. Si Lex lang ang nanduon sa sinabi mong birthday party mo."

Napahawak ang Dean sa sentido nito dahil sa mga narinig niya mula sa tatlo samantalang ako at si Ryan ay hindi makaimik sa mga pwesto namin.

"This is really a huge accusation you have here so I might have to call your parents." saad nito na kinabigla naming lahat. We begged to the Dean not to do it however, it was no use.

Napayuko nalang ako sa kinauupuan ko. I know na nagaalala at nagmamalasakit lang sina Bel at Moi sa nangyari sa akin pero hindi na sana nila pinalala ng ganito. Ano nalang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila ang tungkol dito? Paano kapag nalaman nila Lola't Lolo ag ni Uncle? Shit.

"Lex, wag ka na magalit. Ako ng bahala sumalo ng galit nila sa iyo. Wala kang kasalanan sa nangyari. Kung meron man dapat makaramdam ng nararamdaman mong takot at hiya ngayon, hindi ikaw iyon kundi sina Rona at Ryan." saad ni Moi sa akin habang marahang hinahaplos ang likod ko para pakalmahin ako pero hindi ko magawa.

UNDER THEIR INFLUENCE (BL•LUNA SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon