I gave Lux my stainless steel bracelet that I bought from Russia after my international flight a few months ago because I'm too ashamed that I come and since I'm the only one who does not have a gift for him who went there. Calleb brought a gift for him and so did the entire troops, literally, ako lang wala.
Kaya nga I thought of giving my unisex bracelet. It's still new and hasn't been used much because I just wore it yesterday and tonight.
It was personally designed by a well-popular Russian jeweler, Ilya Klyuev.
Kuya GK bought something in his jewelry boutique and luckily Kuya invited me with him. That's why I was able to ask for a personal design bracelet with fifty percent off. Power and connection is really incredible.
Hindi ko rin alam kung bakit ko naisipang ibigay sa kaniya 'yon, gayong iyon ang kauna-unahang bagay na nabili ko sa sarili ko gamit ang sarili kong pera. At hindi man lang ako nakaramdam ng pagsisisi na inialok ko sa kaniya iyon bilang regalo.
Good thing, Luxcian is not a picky person, he accepted my gift while smiling ears-to-ears. Nakakatuwa lang, kahit na ilang buwan ko rin na pinag-ipunan 'yong pulseras na nabili ko ay hindi nakakahinayang na iba na ang mangangalaga. Sana nga lang ay ingatan niya iyon nang matagal.
Ang bait rin no'ng aso niya. Hindi mahirap maging kasundo, panay lapit nga sa akin habang kumakawag ang buntot at hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang hinahaplos ito. Hindi ko tuloy napigilan ang kagustuhan ko. Kapag talaga nakabili na ako ng sarili kong bahay ay bibili ako ng aso.
Bibilhin ko ang mga bagay na sa ngayon ay wala ako.
"CELLA!" napakislot ako dahil sa dagundong ng boses ni Calleb na parang nagwawalang kulog dahil may paparating na bagyo.
Mabilis akong napatayo mula sa sahig, katabi ng aso at agad lumapit kay Calleb na madilim ang mukha habang nakatitig sa akin, "You're so stubborn!" He hissed before he gripped my wrist at impit akong napadaing.
Ikinulong niya ako sa kaniyang dibdib habang ang kamay niya ay walang habas na pinipiga pa rin ang braso ko sa gilid ng aming kawatan na magkadikit kaya impit lang ang hagulgol na lumalabas sa aking bibig nang magsimulang kumawala ang mga ito sa akin dahil sa diin at rahas niya sa 'kin.
Nag-uumapaw ang kaniyang galit pero wala man akong ginagawang masama... hindi ba?
Tumabok din paalis si Mucho dahil siguro sa takot. Nasa may pool area kami ng penthouse ni Lux at nasa loob ang lahat ng kaibigan nila ni Calleb, kaya naman kaming dalawa lang ang nag-ka-karinigan gayong malakas din ang tugtugan mula sa looban.
At sa kalagayan na 'to, nagawa ko pang lihim na magpasalamat. Magpasalamat na kami lang ang nasa labas, dahil hindi ko kakayaning magpanggap pa sa harapan nila na hindi nasasaktan sa kabila ng mga ginagawa niya sa akin.
Ubos na ubos na ako sa araw na 'to. Hindi ba puwedeng sa ibang araw naman?
Gusto ko ng sumigaw, gusto ko ng umalma.
Subalit sa huli, natutop lang ulit ako.
BINABASA MO ANG
DSERIES 1: Fathomless Desire [COMPLETED]
RomanceLuxcian Cy was gazing at the sombre and starless skies that November night and was unaware that the troops he had were already standing behind him there. And at the same place and time, he didn't know that night would also be the night he would meet...