| Chapter 6

539 17 24
                                    

It's been a week, and I've only had a little thing on my plate. I don't have many international flights. At kung meron man,  It's only domestic. I haven't even had more than ten flights, including my flight to Paris. 


Break. It's our break that's why I'm here at the crew station, just sitting quietly while playing with my fingers. I have just finished my flight, and it is said to be my last. Hindi ko alam kung masaya ba ako o malungkot. And I don't know why, but the management just said that Calleb would talk to me. 


Marahil ay malapit na ang pagsapit ng pasko kaya hanggang ngayon na lang ang pasok ko.



I shifted my gaze up when a pair of feet wearing pointed black high-heels stopped in front of me. Just so I can look at its owner but my face almost turned to the left side when her heavy hand slapped my face. Ganoon kalakas, dahil halos pumihit na ang mukha ko patalikod.



My tears immediately formed in the corners of my eyes from the pain but I didn't say a word.


Pilit lang nangungulabo ang aking paningin dahil sa sakit. I didn't know the woman in front of me, but I couldn't do anything to fight for myself. I can't do anything about it, 'cause I'm certain that if I do so, it will just flare up the heat between us. 


But I also don't want to show her that I'm weak, so I hold back my tears to lead to the impending fall.


"Hayop ka! Kung hindi ka lang sana dumating kami na ni Calleb ngayon! Napaka walang kwenta mong tao, mang-aagaw!" Nahihiya ako sa mga sinasabi niya, alam kong maraming flight attendant ang nakatingin sa amin since break namin kaya nandito ang karamihan sa crew station.


Wala naman akong inagaw. 


Hindi pa siya nadala at sinampal ulit ang kabilang pisngi ko, "Alam mo? Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw pa piniling maging fiancée ni Calleb e bobo ka naman, napaka-mangmang mong nilalang! Wala kang saysay, ni hindi mo nga magawang lumaban. Ano? Paawa ka? Napakabobo mo, walang binatbat at tatanga-tanga—"


Patuloy lang ako sa pakikinig sa mga masasakit na salitang binibitawan niya sa akin. 


Gusto kong bumoses, gusto kong lumaban, pero bakit parang nalunok ko na naman ang dila ko at ang lahat ng salita rito'y dali-daling nagsibara paalis.


Sa iisiping bobo nga ako ay napayuko na lang ako habang nasa kabilang gilid pa rin nakabaling matapos niyang sampalin. Hindi ko rin magawang tingnan siya dahil alam kong babagsak lang ang mga luhang pinipigil kong magmalabis sa aking mga mata. Kaya hindi ko na lang din tinuunan ng pansin ang mga itinuturan niya at mas nagtuon kung paano pipigilan ang pagtalihis ng mga likido mula sa mga mata ko. 


Ngunit hindi naman alintana sa akin ang tao sa paligid.


May narinig pa akong mabibigat na yabag ngunit hindi pa rin ako gumalaw ni kaunti man lang sa aking puwesto. Subalit hindi nakaligtas sa gilid ng mga mata ko ang marahas nitong paghablot sa panga ng babae kung kayat napayuko ako sa takot.


Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang may pumigil sa kaniyang panga. "Who the fuck are you to land your filthy hand on her?!"

DSERIES 1: Fathomless Desire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon