| CHAPTER 7 - LUXCIAN's P.O.V.
Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o talagang nagkataon lang. Sa dami-daming tao ba na naman ng maaari kong makatabi ay siya pa. Nagpakalayo-layo nga ako upang makapag-isip nang ayos, 'tapos ganito ang magiging unang tagpo ko sa labas?
"It's been a while, kumusta nagdaang linggo sa'yo?" Tila ba parang matagal na kaming magkakilala kung makipag talastasan siya sa akin. Subalit dahil sa mga kaisipang bumabagabag sa akin, at sa mga maling pag-akto ko sa mga nangyari ay mas pinili kong magpanggap na walang naririnig. "Kakaunti lang ng naging trabaho ko, ikaw ba? Have you been overly busy lately?"
"Nailalabas mo ba si mucho?"
I didn't bother taking a glance at her after what happened.
Too rude, yet I couldn't think of anything to do. Weighing my personal emotion and her condition. Hindi naman sa pagmamalabis, it just... I don't want to put her in trouble again. Furthermore, I was still thinking about what happened yesterday.
So bothered and consumed by Calleb's declaration about their real score. Yet, I'm certain that he is mad at me and he's just holding back. I know that it's terrible that even though it's an arranged marriage—that he's already engaged to her—I still desire his future spouse.
Hindi naman ako kahapon lang pinanganak. Kaya naman naisip ko na ang mga bagay na 'yan, I know that potential havoc may arise from my prying into their lives and engagement.
Subalit hindi ko rin kayang sikmurain ang kaisipan na hindi niya naman mahal si Aecella, at pinaghihigpitan pa niya.
Kaya nakasisiguro ako, kailangan kong pag-isipan ito nang maayos at nang mabuti. Kung makikisawsaw ako sa kasalan, kaya ko namang ibigay ang hihingin nila, ngunit malaki itong kasiraan para sa ugnayan at usapan ng dalawang pamilya. Subalit kung hahayaan ko lang din naman silang dalawa, hindi naman malabong matutunan nilang mahalin ang isa't isa.
Pero hindi ko kayang matiis ang kaisipang 'yan. Hindi kaya ng kalooban kong magbulagbulagan lang.
At higit sa lahat, ayokong dumating ako sa punto, sa hinaharap, na nagsisisi at nagtatanong kung ano kaya ang kinalabasan ng mga pangyayari kung may ginawa ako.
Mabigat ang paghinga ay napasandal na lamang ang ulo ko sa may gilid ng upuan. "Only guest of this flight should be on board. May we request all guests to please stowed your hand luggage properly under the seat infront of you or in the storage bins above you." The man in front said as he instructed what to do.
"If you feel you are unable to carry out the instructions during emergency or concern about injuries please notify your cabin crew—"
He said a lot but I didn't mind at all.
It was not my first time riding on a plane anyway. Madalas nga lang na sa pribado kong pagmamay-aring eroplano dahil ayoko talaga sa maraming nakapalibot sa akin. Lalo na at puro mga papeles ang kaantabay ko, kailangan ko talaga ng walang istorbo.
BINABASA MO ANG
DSERIES 1: Fathomless Desire [COMPLETED]
RomanceLuxcian Cy was gazing at the sombre and starless skies that November night and was unaware that the troops he had were already standing behind him there. And at the same place and time, he didn't know that night would also be the night he would meet...