| Chapter 11

489 15 21
                                    

| CHAPTER 11 - AECELLA's P.O.V.



"I do love her..." That kept on playing in my mind. I didn't hear everything he said, but that was the only thing that took my entire notice. I ran immediately down the stairs instead of using the lift. And I sat down on a step as my tears kept coming out from my eyes. I don't love Calleb, but to hear him say those things seems to squeeze my heart. 


Clenching with rage. 


Minahal niya ako dati. Pero bakit niya ako pinagmalabisan nang sobra-sobra? Naglalagablab ang kalooban ko sa narinig. Kung totoo man 'yon, nakakamatay pala siya magmahal. 


I used to say that if he just didn't like my sister I might have fallen for him and now I know the truth. I feel like what he did—all the good times with him never really happened because it was for me—he just saw the person he truly desired in me. 


Lahat ng kalabisan niya, iyon lang ang para sa akin. At 'yong pagiging magaan niya at mukhang nag-aalala, hindi iyon para sa akin. But it's okay... totally fine for me. Knowing now that someone already owns my heart. 


Hindi dahil diniktahan akong siya ang piliin. Hindi dahil nakatakda akong ipagkasundo sa kaniya. Kun'di dahil natural ang lahat-lahat sa aming dalawa. Mula noong marinig ko ang nanlalamig niyang tono ng pananalita, maging ang mga mata niyang berde na nag-uumapaw at sumasalamin sa akin ang dalisay na pagsinta, kun'di maging sa mga tila edukadong pananalita at pagkilos na laging nasa lugar. 


Walang boses na parang manlalamon sa akin nang buhay.


Walang kamay na bakal na puro karahasan at tila impiyerno kapag sa iyo'y lumalapat. 


Nangako ako kay Calleb na uuwi ako sa kaniya dahil una pa lang sa kaniya ako pero habang lumilipas ang araw na kasama ko si Lux, nahulog ako... sobra-sobra na hindi ko na kayang umahon. Matagal ko mang nakasama si Calleb, nasisiguro kong hindi naman siya ang nagmamay-ari ng puso ko. 


And the more I thought about everything that happened between Lux and I, the more I was enlightened that he was the one I really loved. 


Masyado lamang akong nasanay sa presensiya ni Calleb at sa kaalaman na siya ang nagmamay-ari sa akin ngunit ang nararamdaman ko para kay Lux ang siyang mas nangingibabaw. 


I felt a presence behind me before he sat at my side. Yet, I merely kept quiet and ignored him sitting up before sighing.


"How have you been?" He asked in a gentle tone. Ibang-iba sa Calleb na nakasama ko matapos mamatay ni Akhazel. "How was your one month with Lux? Did you have a great time?".


Swallowing the lump in my throat, "I-I'm doing well. Ayos lang kami... nanligaw siya sa akin at pumayag ako." Sagot ko at tanging tango ang kaniyang naging tugon. 


Kahit naman galit ako sa kaniya ay hindi naman ako sinungaling. Nasasaktan ako, naiinis at nagagalit pero alam kong mawawala rin 'to, siguro nga ay nagulat lang ako sa mga nalaman ko. Dahil hindi ko matanggap 'yong mga pagdurusa na natamo ko 'tapos ganiyan ang maririnig ko. "Do you like him?" He asked again while playing with my fingers. 

DSERIES 1: Fathomless Desire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon