| Chapter 10

499 16 20
                                    

Para bang walang nangyari nang sumapit na ang umaga. Para bang hindi ko nakita kung paano siya nawala sa sariling ulirat. Ganyan ang tagpo na bumungad sa akin. 


Hindi ko inaasahan, ngunit sa mga nagdaang araw ay palagi ng mas maaga siyang nagigising sa akin. Sobrang aga na ng alas-kuwatro na gising ko, ngunit kapag nalilingat na ako at nahahamig ay matatanto kong mas nauna siyang nagigising. 


Natutuwa ako sa kaalamang sumusubok siyang matuto ng mga bago sa kaniya. Kagaya na lamang ng paghuhugas ng pinggan, pagpiprito, at ngayon naman ay pagpupunas ng aparador. Ngunit alam kong nililibang lang niya ang sarili upang makalimot sa nagbabalik niyang alala mula sa kahapon.


"Ang aga naman ata niyang paglilinis mo?" Tanong ko ng makabangon bago naghikab. Sa totoo lang ay inaantok pa ako, ngunit nakakahiya maghihilata sa salas gayong hindi pa tumitilaok ang manok ay naglilinis na siya. "Hindi ka ba makatulog?" 


Hindi ko alam kung natutulog pa talaga siya, bago kasi ako matulog ay nakahiga na siya sa kama ngunit pakiramdam ko ay hindi. 


"N-natulog ako." Lie. 


Sa labing siyam na araw na magkasama kami, alam ko na ang tono ng pananalita niya kapag masaya, malungkot, nagtatampo, o may galit siya. At kabilang na roon kapag nagpapanggap siya. 


"Aecella Krusher." Walang anu-ano'y dagli ko sa mababang tono ngunit nandoon ang diin nito. 


Kitang-kita ko ang pagkatutop ng kaniyang labi bago yumuko. Minsan, kahit pa ano'ng gawin ko, kahit ano'ng pilit ko, lumalambot ako. Hindi dapat ako maglalambing dahil gusto ko siyang pagalitan dahil sa pagsisinungaling sa akin ngunit sa huli ay natagpuan ko na naman ang sarili ko na nakayakap sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang buhok.


I kept on monitoring her pills, but it seems like it's not working anymore. Hindi na puwedeng magtaas ng dosage dahil mataas na ang tini-take niya, hindi na kakayanin ng katawan ni Aecell, ngunit dahil malimit ang naging pagkunsumo niya ay nasanay na ang kaniyang katawan sa dosage na meron ito. 


"Sinubukan ko naman..." She softly whispered as I felt her inaudible sobs. 


I know... I know.


Nanghihina ay iginawi ko siya pabalik ng kama at doon inalalayan siyang humiga. Nang ma-ideposito ay saka ko siya sinimulang suklayan. At hindi ako tumigil hanggang sa lumalim ang kaniyang paghinga—indikasyon na tuluyan na siyang nakatulog. 


At ganoon lamang ang naging tagpo namin sa isang araw matapos ang pagbabago ng ihip ng hangin. 


After that night of incident, she never wanted to go outside anymore. There are a lot of activities that we can do in Siargao but she doesn't want to leave our suite. Now, I'm sure that she really doesn't like this set up. She just came here because Calleb said so.


I envy Calleb. Aecella was too faithful to him, too obedient and that he was so lucky to have her.


Kahit pa nga alam niya sa sarili niyang may phobia na siya sa dagat, pumunta pa rin siya dahil iyon ang sabi ni Calleb.

DSERIES 1: Fathomless Desire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon