| Chapter 9

501 17 15
                                    

"Ahhh!" Napakamot na lamang ako sa aking tungki ng aking ilong nang makita kung paano makipagdigmaan si Aecell sa mantika. Ang sabi niya sa akin ay gusto raw niya naranasan mag prito ng itlog, pero parang kanina pa siya nakikipagdigmaan at sigaw nang sigaw.


Ayokong makialam, kanina kasi noong sinubukan ko ay muntik pa niya akong hindi kausapin. Mabilis pala siyang magkatopak.


Women. 


'Di joke lang, baka ma-bash ako. 


"This is Awesomeeee!" Screaming the hell outta her. "You freaking oil! I got your shits!" Para bang natigilan ang pag-inog ng mundo nang marinig ko 'yon sa kaniya at matanto niya ang mga lumalabas sa kaniyang bibig.


I mean, wala namang kaso sa akin kung marunong siyang magmura. Nahihiwagaan lang ako, alam pala niya paano magmura? Hindi ko inaasahan ang tagpong 'to. 


"Ah, sorry... Narinig ko lang 'yan, ngayon ko lang nasabi." Depensa niya bago ngumiwi sa akin. "Masaya pala?"


Napailing na lamang ako bago ginulo ang kaniyang buhok. Napaka inosente naman talaga. "That's actually not nice to say. But yeah, kung saan ka masaya."


"Naririnig ko 'yan kay kuya Caevantes kapag magkakasama sila, ngayon ko lang nagaya. Nakakapanibago, kahit medyo hindi maganda, nakakagaan ng loob." Mahina niyang paliwanag sa akin. Hindi na ako magtataka at magdududa na kay Caevantes niya naririnig. 


Wala naman akong ibang problema roon kaya ngumiti na lang ako sa kaniya bago tumango. 


Sa huli, nang matapos na siya magluto ay daig pa ng sumabak sa giyera ang itsura ng itlog. Sunog na sunog at hindi mo mawari kung nakalalason. Ayaw pa nga niyang pumayag na kainin ko, pero dahil luto niya, kinain ko pa rin. Hindi naman ako tinawag ng kalikasan, kaya nasasabi kong safe kahit sunog.


Ipinagluto ko pala siya ng makakain niya, ayoko kasing nangangayayat ang mahal ko. 


"Naririnig ko na 'tong tanong na 'to sa iba, kaya gusto ko rin marinig opinyon mo." Tumango ako sa kaniya bago nagpatuloy sa paglalagay ng cream sa mga paso niya. Grabe, isang itlog lang, pero ang dami niyang talsik ng mantika at paso.


Ginawa nito sa kalan?


"Kapag naging bulate ako, mamahalin mo ba ako?" Parang bumaliktad sikmura ko sa tanong niya. Anong tanong ba 'to? "Sagutin mo, dali na. Gusto ko marinig opinyon mo." Pamimilit pa niya kaya naman hindi ko naiwasang magpakawala ng mabigat na paghinga. "Kahit anong sagot, wala namang mali. Basta parinig lang ng opinyon mo. Sige na, sige na, sige na."


May itinatago pa lang kulit 'to.


Pero okay lang naman, ang kaso mo, ang tricky ng question. Baka tatlong araw ako nitong hindi kausapin. 


Naramdaman ko ang pagkulbit niya sa akin, wala na talaga akong takas. "Oo naman—"


DSERIES 1: Fathomless Desire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon