chapter 24

39 0 1
                                    

Xylph Pov:

Walang umimik saming tatlo habang isinisigawa yung chapter 2 and 3 namin

Nag unat ako at humikab dahil inaantok ako at nangangalay na din yung kamay ko dahil kanina pa ako nagsusulat

Ako ang nagsulat sa Chapter 2 namin, samantalang si Kean ang nagsulat sa Chapter 3 at si Raze naman ang nag encode sa chapter 2 at 3

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong sakin ni Kean kaya ramdam kong nahinto sa pag eencode at napatingin din sakin si Raze

"Okay lang naman" ngiti ko kahit ang totoo ay para na akong nahihilo

"Are you sure?" Tumango lang ako at isinandal naman ni Kean ang ulo ko sa balikat nya, pagtingin ko kay Raze ang sama ng tingin nya sakin kaya kahit nahihilo at nangangalay ang kamay ko ay tiniis kong magsulat ulit, kaso yung mga letra naghihiwalay di ko makita ng maayos

"Sure ka ba Xylph? Namumutla ka oh" nginitian ko ulit sya pero bago pa ako makasagot sa kanya ay nandilim ang paligid

***
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang puting kisame pagkatapos nun ay iginala ko ang paningin ko sa kabuohan ng kwartong to

Nagulat ako nung may bigla-biglang lumapit sa kamang hinihigaan ko

"Okay ka lang ba? Masama pa ba ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba? May masakit pa ba sayo?" Paglingon ko parang tinunaw ang puso ko nung napagtanto na si Raze ang sunod-sunod na nagtatanong sakin

What's with his eyes? Nag aaalala ba sya? Concern na ba sya sakin?

Ang sarap nyang tingnan habang nakatingin sa kin na may nag aalalang mga mata, dahil dun biglang tumibok ang puso ko dahil sa inakto nya

"O-okay lang, asan ako?" Nagpalinga-linga ako pero di ko makita si Kean, nasan na yun?

Tiningnan ko ulit si Raze at bumagsak ang balikat nya, bumalik din yung tingin nya na walang reaksyon, bakit? Anong nangyari sa kanya?

"Kung hinahanap mo sya, wala sya dito lumabas may binili" sabi nya at bumalik sa pagka upo dun sa couch malapit sa pinto

"A-anong nangyari? Di ko maaalala"

"You passed out, overstressed" akala ko tuluyan na ako nilayuan ng pagka pass out ko dahil sa stress, bumalik nanaman hays kaya ayaw kong masstress eh kasi alam kong ganito ang mangyayari at paggising ko wala akong maaalala

"Salamat pala sa pag aalala" ngiti ko sa kanya pero inirapan lang ako ng anak sa yawa amp

"I'm not worried" sabi nya at nag cellphone, di na sya umimik kaya nanatili na rin akong tahimik

Maya't maya ay dumating si Kean dala-dala ang isang gallon ng mocha ice cream. Agad namang nagningning ang mga mata ko dahil sa nakita kaya tumawa sya ng mahina, pinasadahan ko rin ng tingin ang anak sa yawa pero kagaya kanina ay inirapan nanaman nya ako

"How did you know na paborito ko to?" Nagningning ang mata ko habang nakatingin sa ice cream, sobrang paborito ko talaga ang mocha ice cream

"Sekreto para bibo" di ko nalang sya pinansin at agad binuksan ang gallon kaso naaalala kong wala palang kutsara

"Here" biglang sulpot naman ni Raze na may dalang tatlong kutsara

Eh? Makikikain din sya?

Agad kong nilantakan yung mismong nasa gallon, wala akong pakialam kung mandiri sila basta ako masayang masaya dahil nakakain ulit ako ng mocha ice cream

"Naghanap pa talaga ako ng mocha ice cream kasi halos lahat out if stocks" biglang sabi ni Kean pero di ko pinansin kasi busy akong kumain ng ice cream

Napatingin ako kay Raze pero mukhang nahihiya syang kumuha at parang na oout of place kaya bigla nalang syang lumabas

Nagkatinginan kami ni Kean at nagkibit balikat nalang habang sinasaluhan tung mocha ice cream

Raze Pov:

Shit.shit.shit di ko dapat maramdaman yun fuck

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at napasabunot sa buhok ko, bakit ganun ako kumilos kanina? Wala akong paki sa kanya at kailanman ay hindi ako nag aalala sa kanya

Fuck! Si Zani dapat ang inaaalala ko kung kailan sya babalik

Oo tama, si Zani lang kay Zani lang ako masaya

Yung nararamdaman ko kanina ay dahil lang yun sa awa baka na trigger yung memories nya kaya sya nag passed out kanina

Di ko dapat maramdaman yun kasi nga wala akong paki sa kanya, hindi selos yung nararamdaman ko kanina nung nagsalo sila sa ice cream na yun

Sus, bakit naman ako magseselos? Eh anong pakialam ko sa kanya?

Tiningnan ko ang repleksyon ko mula sa salamin , pulang pula ang buong mukha ko at nagsalubong ang dalawang kilay ko

Wtf! Bakit kasi sa pamamahay ko pa sila naglandian?  Nakakainis ni hindi man lang nila nirespeto ang bahay ko at dito pa talaga naglandian

Di ako nakapagpigil at pinuntahan ko sila sa guest room kung saan doon ko nilagay si Xylph nung nahimatay sya

Pagbukas ko ng pinto di ko alam kung ano ang mararamdaman ko, hindi ko na kilala ang sarili ko dahil hindi naman ako ganito dati, wala akong pakialam kahit na binabakuran sya ni Kean dati pa pero ngayon bakit nasasaktan ako nung nakita ko silang nagkatitigan sa mata nang isa't isa habang pinunasan ni Kean yung dumi sa labi ni Xylph

Bakit ganito ang nararamdaman ko, bakit parang may nabasag mula sa dibdib ko?

Gulat silang napalingon sa kin at sinamaan ko sya ng tingin. Nakakainis ang inosenting mukha nya, nakakainis sya

Umalis ulit ako at papasok na sana ako sa kwarto ko nung naabutan ako ni mommy. Tiningnan nya ako at bakas ang pag aalala sa mukha nya

"What's wrong honey? Why are you crying? Did you miss her?" Nag aalalang tanong saakin ni mom, kinapa ko naman ang mukha ko at may luha ngang tumulo dun na hindi ko namamalayan

Dinala ako ni mom sa loob ng kwarto ko at inakay ako para umupo sa kama ko, pagkaupo namin agad nya kong niyakap at hinaplos ng dahan-dahan

Nakakainis sabing hindi ko dapat maramdaman yun pero bakit lumuluha ako?

"Kung may magagawa lang kami ng Daddy mo para pabalikin sya, matagal na namin yun ginawa" tukoy ni mom kay Zani, mas mabuti ngang iisipin nya na si Zani ang rason kung bakit ako lumuluha

Nakakainis! Kalalaki kong tao pero umiiyak ako

Di nalang ako umimik at hinayaan ko syang haplosin ang likod ko habang nakayakap sakin, ang sarap lang din sa pakiramdam na nandito si mommy para ipadama saakin na hindi ako nag iisa

***
Dec 31, 2021


Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon