chapter 5

215 8 1
                                    

Raze Pov:

Naghahallucinate lang ba ako? O sadyang nakita ko talaga ang nakakabata ko? Hindi ko masabing childhood friend ko siya kasi hindi naman kami naging magkakaibigan. Psh,ano naman ngayon saakin?. Ano naman ngayon kung nakita ko na siya?

Pagkatapos ng buong hapon umuwi na ako sa bahay,nadatnan ko doon si mom and dad na naglalambingan habang yung mga kapatid ko naman nasa sahig at nag-aaway, ayssttt

"Hayss, mom? Dad? Alalahanin niyo naman ang mga kapatid ko? Kayo naglalambingan dyan? Samantalang sina Purple at blue nagsasabunutan,si rahm tutok na tutok sa mga pinagagawa niyo, at si fatima naman kinakain na yung lipstick, Mom? Dad? Mamaya na kayo maglambingan please?,aysss nasan ba yung mga yaya nila?" Inis na inis kung tanong sa mga magulang ko na ngayon ay pinaghihiwalay sina purple at blue. Ayssttt grabe

"Huwag ka ngang bitter anak, 'wag kang mag-alala mahahanap mo rin yung babaeng para sayo" sabi ni mom habang tumatawa-tawa pa at sinabayan din ni dad kaya napuno ng tawanan nilang dalawa ang buong sala ,hayyss grabe naman. Having a parents like them? Grrr napakachildish nilang mag-isip pareho

"Psh" tanging nasabi ko lang at umakyat na sa taas. Pero nasa gitna palang ako ng hagdanan nung magsalita nanaman si mom ang siyang dahilan kung bakit ako napahinto

"Makakalimutan mo din siya, alam kong nagkaganyan ka dahil sa kanya,pero wag mong isipin na nagiisa ka raze,nandito parin kaming mga magulang mo. Childish man kami sa paningin mo,pero kami parin ang maasahan mo pag nangangailangan ka ng masasandalan at matatakbuhan" sabi ni mom, tiningan ko naman siya at inawat nanaman nila si purple at blue na ngayon ay nagsasabunutan nanaman

Hayyss,magiging ganito pa din ba ako? Pag hindi niya ako iniwan? Magiging ganito pa din ba ang takbo ng buhay ko nung umalis siya ng walang paalam? Magiging masaya nga ba ako? Pag nandito ulit siya? Magiging madali ba? Pag nalaman kung isang araw bumalik siya at handa ng itama ang pagkakamali niya? Hayyss i don't know what to do

Pumasok ako sa cr at ninamnam ang tubig na nagmula sa shower, saka ko naalala na may itatanong pa pala ako ni mom. Dali-dali akong naligo pagkatapos ay nagbihis atsaka bumaba. Nadatnan ko nanaman na sinusuntok ni purple sa likod ang kuya rham niya. Samantalang si blue naman ay pinagsisipa si fatima sa likod. Pilit naman silang inilayo ni mommy at daddy

"Nasan ba kasi sina yaya mom?" Tanong ko kay mommy, tiga isa kasi sila ng yaya kasi hindi naman kayang matutokan nila mommy at daddy kasi busy sila pareho sa company na pinamana nila Lola kela mommy at daddy

"Yaya, kunin niyo yung mga bata dito" sigaw ni dad at agad namang lumapit ang yaya nila purple at blue para kunin sila at paliguan

d-,-b

"Yes? Raze? Need something?" Tanong ni mom saakin nang makitang parang may sasabihin ako sa kanya

Kinuha na din ng mga yaya nila rham at air silang dalawa para paliguan

Ngayon ko lang napagtanto na ang dami pala naming magkakapatid

Rham Jheilford is only 6 years old
Fatima Air is only 5 years old
Purple Fate and Blue Destiny is just 3 years old for  christ sake.  How much more? Kung hindi pa namatay ang dalawang kapatid ko? Si ate angela at yung isa ko pang kapatid na namatay sa sinapupunan ni mom dati nung nadisgrasya sila? Edi 7 na kaming anak nila? Wow! Ang sipag ni dad

Iniiling ko yung ulo ko at pinagtuunan ng pansin si mom na ngayon ay yapos na yapos parin ni dad,hayyss

"Mom? Alam niyo na ba na nandito sina tita bessy?" Tanong ko sakanila kaya napahiwalay agad si mom sa mga bisig ni dad! Nice, kailangan pa palang gulatin para maghiwalay din sa nakakasurang posisyon nila

"Nandito sina jane? At si ryle?" Gulat na gulat na tanong saakin ni mom. Bahagya niya pang niyugyog ang balikat ko. Yung tipong hinding-hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko

"Tsk,beybi naman eh, bakit ba si ryle parin? Nandito naman ako eh" nakapout na sabi ni dad kaya nakatanggap siya ng hampas kay mom atsaka muling bumaling saakin si mom

"Tinatanong ko lang naman eh, tsk" sabi ko kaya agad naman niya akong pinanlisikan ng mata. Nakaramdam naman agad ako ng takot. I admit,takot ako kay mom. Para kasing in any minute bubugbogin niya ako eh

"Hehehe sorry mom,eto naman hindi na mabiro. Nakita ko lang kasi si xylph kanina. At sa di inaasahang pagkakataon, classmate pa kami" sabi ko sakanya at bigla namang nagliwananag ang mga mata niya

"Talaga? Nakita mo si xylph? Siyam na taon na pala ang nakalipas nung naaksidenti sila" malungkot na sabi ni mom at halatang hindi pa makalabas sa nakaraan niya

"Oo,kaya nga classmate kami diba?"sabi ko sakanya kaya tinapunan nanaman niya ako ng masamang tingin. Nag peace sign lang ako at agad umakyat sa kwarto ko

***
#december 9, 2017

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon