chapter 7

189 4 2
                                    

Keanu Pov:

Hindi ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko nung makita ko siya sa social media. Isa lang ang alam ko,masayang-masaya ako dahil sa hinaba-haba ng panahon nakita ko ulit siya,kahit sa facebook lang

I missed her, I missed all about her. Sana hindi nalang siya nagka-amnesia. Bakit kailangan niya pang makaranas ng ganun?

Masaya ako sa ilang buwan naming pag uusap ay alam kong naging comfortable na rin sya sa akin, na kahit hindi na nya ako naaalala gumawa pa rin ang tadhana para paglapitin kaming dalawa, na kahit hanggang friends lang ang tingin nya sa akin ay ayos lang yun sa akin

Dumaan ang minuto,araw at buwan hindi pa rin natigil ang komunikasyon naming dalawa, kahit mahirap sa sitwasyon ko na hanggang social media ko lang sya makikita ay titiisin ko, kahit sobrang sakit sa part ko sa tuwing ikukwento niya ang tungkol sa bagong kaklase nya ay pinipilit ko parin ang sarili kong hindi naaapektuhan kasi sa totoo lang, ako naman ang lagi nyang kausap pero iba ang laging bukambibig nya

Siguro may mga bagay talaga na sa una ka lang maging masaya. Yung tipong hindi mo alam kung saan mapaglagyan ang kasiyahan mo sa sobrang saya mo. May mga bagay na hadlang sa kasiyahan mo. Ewan ko,wala naman àkong ginawang masama ni tadhana para paglaruan niya ako ng ganito. Ewan ko, gusto ko lang naman sya pero sobrang nasasaktan ako sa tuwing pinag uusapan namin yung lalaking kaklase nya

***
Isa akong sikat na vocalist dito sa school namin. Màrunong din akong mag-gitara at magpiano. Kaya expected na maraming babaeng umaaligid saakin. Tinagurian din nila akong campus crush dito sa school namin. Hindi dahil sikat akong vocalist kundi dàhil may hitsura naman ako kahit papano. Kumalat nga dito sa school namin na may gf na ako. Pero nanatiling anonymous parin sa kanila ang sinabi nilang gf ko. Sana nga, girlfriend ko nalang si xlyph. Sana nga totoo nalang yung sabi-sabi na girlfriend ko sya kahit ang totoo naman ay girl friend ko si xlyph simula bata pa kami

May tumawag sakin yung babaeng obssess na obssess saakin. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang ako sa music room. Pampalipas ng oras,gusto kong kumanta. Namimiss ko na si xylph,hindi kami nakapagchat kagabi kasi may exam sila kinabukasan kaya kailangan niyang mag-aral

"Kean,wait for me" sigaw nanaman ni princess sa likuran ko. Hindi ko parin siya pinansin at binilisan ko pa ang paglakad ko. Pero may mga bagay talaga na kahit anong gawing takas mo,mahuhuli ka talaga nito

"Kean" sigaw niya ulit. Hindi na ako nakakapagtimpi pa at huminto ako para harapin siya. Huminto ako sa harap ng pinto ng music room

"Look princess, i'm bu-----" hindi ko na natàpos ang sasabihin ko nung tinulak niya ako at hinalikan. It was my first kiss,she stole my first kiss. Nakakatawa lang dahil instead ang lakaki ang kumuha ng first kiss sa babae,pero heto si princess ngayon, kinuha ang first kiss ko na inilaan sana para kay xylph. Nadala ako sa emotion ko lalo na nung magsimula na niyang igalaw ang labi niya. Napapikit ako sa tensyong nararamdaman ko. Lalaki lang din ako,nadadala rin. Umayos ako ng tayo at kinorner siya. Para akong nababaliw sa bawat halik niya

*click*

*click*

*click*

Napatigil nalang ako nung may sunod-sunod na pagclick ng camera. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko,parang any moment lalabas na ang puso ko. Tiningnan ko ang paligid at ang daming taong nakapaligid saamin at pinicturan kami.

Wow nice. The famous vocalist is kissing with campus princess

Doon ko palang napagtanto ang kamalian ko,tumakbo ako ng tumakbo sa sobrang hiya na ginawa ko. Hindi na ako magugulat pag kinabukasan kami ang usap-usapan ng lahat

Dumaan ang dalawang oras na nasa taas lang ako ng puno. Hindi ako pumasok sa dalawang subject ko dahil natatakot ako. Ayssss ke lalaki kong tao natatakot ako tsk

Bumaba na ako at napagdesisyunang tumuloy sa music room. Walang tao dito kaya pumunta ako sa may stage at nagsimulang kumanta. Pumikit ako at sinimulang damdamin bawat liriko ng kanta

'I found a love for me,
Darling, just dive right in and follow my lead
Well, i found a girl beautiful and sweet
Oh, i never knew you were the someone waiting for me
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling,just kiss me slow
Your heart is all i own
And in your eyes you're holding mine'

Bata palang ako pero minahal ko na siya. Hindi ko alam kung kailan at saan,pero feeling ko nagsimula ito nung nabangga niya ako. She looks so innoncent that time. Bata palang kami pero alam kong pagmamahal na ang nararamdaman ko para sakanya. Kaya noong nalaman kung nahulog ang kotse nila sa bangin, sarili ko ang sinisisi ko, kung hindi dahil sa malayong lugar ako nagbibirthday edi sana hindi nahulog ang kotse nila sa bangin, edi sana naalala niya pa ang nakaraan niya, edi sana naalala niya pa ang mga taong nagmamahal sa kanya, edi sana naaalala niya parin ako :{

*pop*

May nagpop up sa messenger ko kaya napatigil ako sa pagkanta. Tiningnan ko naman kung sino yun at ang babaeng mahal ko pala. Excited na excited akong buksan ang message niya pero yung pagkaexcite na namumutawi sa puso ko ay napalitan ng kaba at takot

May sinend siya saaking picture. At mas lalo akong nagulat sa nakita kung picture. It was me together with princess habang naghahalikan. Ang bilis kumalat ng mga rumors. Nakakainis, ang gago ko. Bakit din ba ako nagpadala sa halik ni princess? At sino ba ang tanginang nagpost sa picture namin? Nakakatangina. Nakita ko siyang OL pero may tinype siya kasi may

Xylph is typing • • •

Pagkatapos nun nagpop up nanaman ang messenger ko. At may message na siya saakin.

Xylph:  hoy! Ba't di mo sinabing may jowa ka na? HAHAHHAHA sanaol, anyways stay strong kayo kaibigan. Nandito lang ako lagi para sayo, sabihin mo sakin kung sinaktan ka ng babaeng yan, susugurin ko yan para sayo. Naging parte kana kasi ng buhay ko, Keanu kaya ayaw kong masaktan ka dahil lang sa girlfriend mo. Basta ha?, Stay strong kayo, hindi mo man lang sinabi sa akin na may girlfriend ka na HAHAHHA

So, kaibigan lang pala talaga ang tingin nya sakin. Putangina ang sakit, hindi parin sya nagbabago hanggang ngayon, yung tingin nya para sakin isang kaibigan lang

Nagpaalam na saakin si Xylph dahil may gagawin pa daw sya

Sa loob ng siyam na taon na iyon, hindi man lang nagbago ang pagmamahal ko sa kanya, niisang babae wala akong ineentertain kasi naghihintay ako ng pagkakataon na makita syang muli at ipaaalala na magkakilala pa kami simula bata pa

Pinapangako ko xylph, hindi ako susuko sayo kahit kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Hindi kita susukuan kahit iba na ang mahal mo, ipaparamdam ko sayo na mahal kita hanggang sa marealize mo na mahal mo na din pala ako

Ipinapangako ko yan. Magiging akin ka

***
#december 17 2017

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon