chapter 22

266 4 7
                                    

Xylph Pov:

Ang bilis ng panahon, kakatransfer lang ni Kean nung Monday tas ngayon Friday na grabe talaga

Di parin ako pinapansin ni Raze pero wala akong pakialam kasi nandito naman si Kean na lagi akong pinapatawa

Di pa rin kami gumawa sa Chapter 2 at 3 namin, bahala na si Raze dun kung bakit ba kasi inaway nya ako nung Monday

Nandito kami sa room, katabi ko si Raze na laging nakatanaw sa bintana at si Kean na pinaglaruan nanaman ang kamay ko

Medyo nasanay na ako dito kay Kean na laging nilalaro ang kamay ko at kung minsan nga ay ini-intertwine nya ang mga daliri namin at mahagip ng tingin ko si Raze na nakatingin sa kamay namin pero nag patay malisya nalang ako kasi wala namang malisya yun

Di ko na alam kung ilang buwan na ba kami naging magkaibigan ni Kean, sobrang close na nga namin sa isa't isa eh tapos kasama na namin sya lagi ng mga kaibigan ko

Ang bilis nya lang na close yung mga kaibigan ko kasi palangiti si Kean at approachable di katulad ng isa dyan, wala man lang friends sa buhay pwe boring ng buhay mo tol

"Bukas sa bahay" natigil sa paglalaro ng kamay ko si Kean nung magsalita si Raze na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa labas, tumingin naman ako kay Kean at nagkibit balikat nalang kami, baka kasi hindi kami yung kausap nya at nag hallucinate lang sya

"I said, bukas sa bahay I'll pick you up sa simpliciTEA shop" and this time tumingin sya sakin na may seryosong tingin

"Panu si Kean? Sabay nalang kaming pupunta sa bahay nyo, alam ko naman na kung nasan ang bahay nyo" sabi ko at umirap lang sya amp ang sungit nya talaga

Simula nung narinig nya akong sinabihan sya na ang cute nya nung umirap sya, lagi nalang nya akong iniirapan parang tanga lang

Di ko nalang sya pinansin at tiningnan ang kamay namin ni Kean na hanggang ngayong nilalaro nya, ang liit pala nang kamay ko kumpara sa kanya

Tumingin ako sa gawi ng mga kaibigan ko at yung mga tingin nila nanunukso nanaman parang tanga talaga, lagi nalang ganun ang tingin nila pag nahuli nilang nilalaro ni Kean ang mga kamay ko

"Kean? What if nakita at nakasama mo na yung kababata mo? Anong mararamdaman mo? I mean, paano mo sya iaapproach? Hindi mo na ba ako papansinin pag nakasama mo na yung kababata mo?" Tanong ko sa kanya tumingin sya sa akin at inintertwine nya ang mga kamay namin saka sya ngumigit

"Kung paano tika trinato ngayon, ganun ko din sya tatratohin pag nakaalala na sya. Siguro liligawan ko rin sya, diba sinabi ko na sayo na simula bata pa lang kami hanggang ngayon ay sya pa rin ang gusto ko?" Agad naman akong nalungkot dahil sa sinabi nya, bakit ganun? Kapag ba bumalik sya balewala na ako?

Masyado na rin akong nasanay sa mga trato sa akin ni Kean, masyado na akong na attach sa presence nya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pag bumalik ang ala-ala ng kababata nya

"Tss" singhal ng isa kong katabi

Nakikinig ba sya? Ang chismoso nya naman

***
Ngayon ang usapan namin na pupunta sa bahay nila Raze para gawin yung chapter 2 at 3 namin para sa lunes ay ipapasa na namin

I'm wearing plain white shirt sa loob kasi naka hoodie ako ngayon ng pink tsaka maong short at naka pink na sneakers

Nasa sala ako ngayon naghihintay kay Kean, sabi niya kasi dadaanan nya lang ako dito samin while waiting Kean nanonood lang ako ng TikTok kasi tulog pa rin ngayon si Liam, di ko nalang sya ginising baka ma bad mood eh

Habang nanonood ako ng TikTok, nagulat ako nung dumungaw si Kean mula sa likuran ko at nakinood rin. Pagtingin ko sa gawi nya shit lang, muntik ko na syang mahalikan kasi ang lapit ng mukha nya sa akin, buti nalang talaga di sya tumingin sa akin kasi pag nagkataon owemji mahahalikan ko sya

Di ko kasi namalayang nandito na sya kasi naaliw ako kakapanood ng TikTok

Umalis sya sa pagkadungaw sa akin kaya tumayo na ako at binitbit ang bag ko na may laman na laptop, but Kean is Kean kinuha nya yung bag ko at sya ang nagdala

He's wearing hoodie din na blue at pinaresan ng short tsaka white na Nike shoes. Ang cool nyang tingnan

Ewan ko ba, naattract talaga ako sa mga lalaking naka shorts at naka shoes kahit anong pang itaas basta naka shorts at shoes

Pinatayo din nya yung buhok nya kaya mas lalo syang gumwapo sa paningin ko

"Naks, gwapo natin ngayon ah" puri ko sa kanya at nag pogi sign naman ang loko

"Ay ako pa ba? Kailan ba akong pumangit sa paningin mo" mahanging sabi ng kugmo

Kapal.

"Actually ngayon ka palang gumwapo sa paningin ko" sabi ko at umakto naman syang nasasaktan HAHAHAH loko talaga

"Tara na nga para kang buang" sabi ko at hinila ko sya palabas

Pagdating namin sa kotse nya pinagbuksan nya pa ako ng pinto tapos umikot na sya sa driver seat. Pagkaupo nya ay may nag text naman sa akin

"Where are you?" sino ba to?

Di ko nalang nireplyan kasi di ko naman kilala kasi number lang nakalagay

Nag kwentuhan lang kami ni Kean habang tinatahak namin ang daan papunta kila Raze, ilang minuto may nagtext nanaman

"Bakit di ka nagrereply? Busy ka bang lumandi?" Wtf, pinagsasabi nito? Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya, sino ba tong putragis na ito

"Why? What's wrong?" Tiningnan ko si Kean pero nginitian ko lang sya at umiling

"Wrong send ka po" agad naman syang nagreply na para bang inaasahan nya ang reply ko

"Wrong send your face! Pupunta ka ba o hindi?" Wait, si Raze ba to? Tiningnan ko naman ang mismong convo namin at sya nga dahil may previous convo kami last week, di ko kasi inopen ang conversation namin kaya di ko alam kung sino ang nag text. Nireplyan ko lang yung text na nag popop up sa taas

"We're on our way, kaya kumalma ka praning" inis kong reply sa kanya

"What's wrong Xylph? Kanina pa nakakunot ang noo mo, any problem?" Nag aalalang tanong sakin ni Kean, hays ang bait niya talaga

"Nothing Kean, malapit na tayo iliko mo lang dyan sa may eskina tapos yung black na gate yun na kila Raze" sabi ko sabay turo sa may eskina

Pagdating namin sa harap ng malaking gate ay nauna na akong bumaba kasi maghahanap pa daw ng mapag parkingan si Kean ng kotse nya

Pipindutin ko na sana ang doorbell nung bumukas bigla yung gate nila at bumungad sakin si Raze na ang sama sama ng tingin

"Why are you late?" nakataas ang kilay na tanong nya

"Late anong late diba alas 10 ang usapan?" Tiningnan ko naman ang relo ko at alas 9:52 pa nga lang "oh ayan oh" pinakita ko sa kanya yung relo ko para makita nyang ang aga dumating namin

"Whatever pumasok ka na" sabi nya at naunang naglakad tiningnan ko lang ang likod nya pero di pa rin ako umalis sa kinatatayuan ko kasi hinihintay ko si Kean

Humarap naman sya sakin na parang nagtatanong

"Si Kean" turo ko sa labas ng gate "hinihintay ko si Kean, naghahanap pa ng mapag parkingan" sabi ko at umirap na naman ang timawa amp

"Whatever" huling sabi nya at naunang pumasok

Excited ba syang makita ako at sinundo pa talaga ako sa labas ng gate? Wew, kapal din ng mukha ko eh noh


***
May 17,2018

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon