Zaniah's Pov:
Tatlong taon na ang nakalipas pero sariwa parin sa isip ko kung paano ko sinaktan,pinaluha at iniwan sya, tatlong taon na ang nakalipas pero nanatiling binabagabag parin ako ng aking konsensya. Mahal ko siya,pero may mga bagay talagang hindi para saatin. May mga bagay na kahit gaano pa kayo kaclose dati,dadating din sa puntong mawawala na parang bula ang pinagsasamahan niyo
Oo,mahal ko siya pero hindi kami pwede, mahal ko siya pero may mga bagay talagang against sa kaligayahan ko,
Tok*tok
"Ma'am, tinawag po kayo ng mommy niyo " sabi ni yaya sa labas ng pinto ko. Mas lalo ko pang diniinan ang ulo ko sa unan para hindi ko marinig ang boses nila
Tok*tok
"Ma'am, pag hindi daw kayo lalabas,siya na daw po ang papasok sa room niyo" sabi ulit ni yaya, kasalanan na nila yun kung bakit ako nagkaganito
"Sabihin mong ayaw kong lumabas. Now,leave me alone! You bitch" sigaw ko at di naglaon ay hindi ko na narinig na may kumatok
Kung binigyan nila ako ng saktong pagmamahal at atensyon? Magkakaganito ba ako? Magiging spoiled ba ako? Hindi diba?. All i need is love and to be loved, yun lang ang kailangan ko. Hindi ko kailangan ng pera,gamit o kung ano-ano pa. Ang tanging gusto ko lang ay pagmamahal at atensyon nila. Pero bakit? Hindi man lang nila iyon mabibigay saakin? Kahit maikling oras lang? Ipadama naman nila saakin na may anak pa sila
Tok*tok
"Ano ba? Hindi mo ba bubuksan ang pinto? Lumabas ka dyan at kakain na tayo" sigaw ni mommy at hinampas pa ang pinto ko,hindi ko nalang siya pinansin
"Isa! Kung hindi ka lalabas dyan,makakatikim ka saakin" sabi ni mommy sa labas at alam kong nag-uusok na ang ilong niya pag malaking boses na niya ang ginamit niya. Alam kong galit na galit na siya sa mga oras na ito. Hindi pa rin ako lumabas hinayaan ko lang sila na hampasin ng hampasin ang pinto ko
Blag*blag
"Zaniah? Hindi ka lalabas? Makikita mo ang hinahanap mo" this time, hindi na si mommy ang sigaw ng sigaw sa labas kundi si daddy na. Kagaya ni mommy ay hinampas niya din ang pinto ko,
"Bakit ka ba nagkaganyan zaniah ha? Lahat ng gusto mo,binigay namin sayo. Ano pa ba ang kulang namin ha? Bakit lumaki kang suwail at iresponsabling bata" sigaw ni dad sa labas and this time,tumulo na ang luha ko. Dali-dali akong bumaba sa kama ko at pinagbuksan sila. Bumungad saakin ang mukha nilang dalawa na galit na galit at nagsasalubong na mga kilay
"Tinanong niyo ako? Kung bakit ako nagkaganito? Tinanong niyo ako kung anong kulang niyo kahit binigay niyo naman ang lahat ng gusto ko?. Tangina mom,dad? Nagtanong pa kayo? Kung for the first place alam niyo naman kung ano ang pagkukulang niyo. Kulang kayo ng oras,atensyon at pagmamahal saakin. Nakakainis lang kasi, gustuhin kong mabuo ang pamilyang ito pero hindi ko naman alam kung papano, mom,dad,! Lumaki ako na hinahangad ko ang atensyon niyo. Oo,binigay niyo saakin ang lahat ng gusto ko, pero fvk, kayo ang kailangan ko, yung oras,atensyon at pagmamahal niyo sa anak niyo. Pero bakit hindi niyo maibigay? Mom,dad?. Kahit isang araw lang please? Pagbigyan niyo naman ako na makasama kayo? Pagbigyan niyo naman akong maging masaya sa piling niyo, kahit isang araw lang? Ipadama niyo din na may anak pala kayo na nangangailangan ng atensyon at kalinga, ilan ba ang sweldo niyo taga-araw? At handa akong bayaran yan makasama ko lang kayo?. Simula nung lumipat tayo dito nagkandaletche-letche na ang lahat, hindi ko na kayo nakakasama gaya dati, hindi na tayo sabay na nagsisimba tuwing linggo. Yun lang ang kailangan ko,bakit? Maibibigay niyo ba yun saakin ha?" Umiiyak kung sabi sa kanila, yung kaninang salubong na kilay nila ay napapalitan ng awa
"Anak, isipin mo nalang please? Na para sayo din ang lahat ng sakripisyo namin, para sayo lahat ng itong pagtatrabaho namin" sabi ni mom, na parang any minute of now maiiyak na rin siya
"Mom? Pano naman ako? Pano naman yung nararamdaman ko? Naisip niyo bang nasasaktan ako? All i need is your love,time and attention. Bakit hindi niyo maibibigay ang lahat ng yan?" Sigaw ko sa kanila at nagpamaunang bumaba sa hagdan,dumiretso ako sa garden at doon umiyak ng umiyak
Tinanaw ko ang mga nagagandahang bulaklak at isa-isa akong dinadala ng nakaraan ko
Flashback
"Pack your things baby,lilipat na tayo. Aren't you excited?" Tanong ni dad saakin habang karga-karga ako
4 years old pa ako that time nung lilipat kami ng bahay.
Nasa ibang company kasi naka-assign si daddy. At malayo-layo daw ang bahay namin sa pagtatrabahoan ni dad kaya kinakailangan naming lumipat ng ibang bahay
Nang makalipat na kami nagpaalam ako ni mommy and daddy na pumunta sa labas. Isa kasi itong subdivision kaya ligtas lahat ng taong nandito sa subdivision na ito. May malaking bahay din sa harap ng bagong lipat na bahay namin
Paglabas ko may nakita akong bola sa harap ko. Kinuha ko ang bola at pinatalbog iyon
"Akin na nga yan," sabi ng batang lalaki sa harap ko, walang reaksyon ang mukha niya at walang expression ang nakaplastar sa mga mata niya
"Ahh hehe,sayo ba ito? Sorry ha? Oh ayan sayo na yan, gusto mo laro tayo? Marami akong dolls sa loob ng house namin, gusto mo? Magkape-kapehan tayo ng mga dolls ko" Tanong ko sa batang lalaki habang nakangiti. Tiningnan niya lang ako ng masama
"Hindi ako makipaglaro sayo," sabi niya saakin atsaka tinulak ako. Ang sakit ng pwet ko kasi naupuan ko ang bato. Iyak ako ng iyak sa sakit
The other day nakita ko nanaman siya na naglalaro ng bike sa labas ng bahay nila. Pumunta ako sa may gate nila at tinawag siya
"Psstt,ito na dolls ko oh? Gusto mo laro tayo? Halika na, huwag ka ng mahiya saakin,maganda naman ako eh,sabi ng mommy ko. Eto na oh? Ang gaganda ng mga dolls ko no? Gusto mo? Bigyan kita ng isa?" Nakangiting sabi ko sakanya tsaka ko inilahad ang kamay ko na may doll. Pinilit ko pang idinutdot ang mukha ko sa butas ng gate para mabigay ko sakanya ang doll ko. Pero di ko alam may katabi pala siyang bola at binato ako,kaya natamaan ang mukha ko sa bola niya.
Grabe akong iyak ng iyak nun, narinig siguro ng mga magulang niya kaya lumabas ang mga magulang niya
"Hala raze? Anong ginawa mo sa batang babae? Bakit siya umiiyak? Bakit ka umiiyak babygirl?" Tanong ng mommy ng batang lalaki saakin. Tinuro ko ang anak niya at umiyak din siya katulad ko
"Huhuhu siya po,binato ako ng bola. Gusto ko lang naman makipaglaro ng mga dolls ko sa kanya eh. Atsaka po,bibigyan ko lang naman siya ng isa sa mga doll ko pero binato niya po ako ng bola" sabi ko at humahagulhol. Ang sakit kaya ng mukha ko dahil binato niya ang mukha ko na nakasilip sa butas ng gate nila
Another day,nakita ko si raze umiiyak. Nilapitan ko siya at binigyan ng panyo
"Huwag ka ng magcry okay? Sige ka? Papangit ka nyan,heheh smile ka na okay?" Nakangiti kong sabi sa kanya habang inilahad ang kamay ko para ibigay sa kanya ang panyo ko. Tiningnan niya lang ang panyo ko at tumalikod ng upo
"Eto naman,para hindi ka na magcry,maglalaro nalang tayo ng dolls. Sayo si barbara at saakin naman ang kapatid niya na si barbie" sabi ko at binigay yun sakanya,unti-unti naman niya iyong tinanggap at hindi naglaon ay pareho kaming nilalaro ang mga doll ko
End of flasback
I miss raze, kung hindi lang sana kami nagmigrate dito sa U.S masaya pa nga ba kami? Magkakasama pa nga ba kami? Kamusta na din kaya yung mga chilhood bestfriends ko? Si xylph? Nakakalungkot lang isipin na lumipat na sila ng ibang bahay pagkatapos nung aksidente silang nahulog sa bangin! Si keanu? Kamusta na din kaya siya? Grabeng iyak pa naman niya nung nalaman niya na nahulog sa bangin ang kotseng sinakyan nina xylph at ng pamilya niya! Palagi niyang sinabi na siya ang may kasalanan kung bakit nahulog sa bangin ang kotseng sinasakyan nina xylph! Hayyysss sana magkita-kita na kami! Miss ko na sila! Lalo na si Raze
I'm sorry raze kung niisang salita ay wala akong sinabi sayo bago kita iwan
***
#dec 9,2017
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Teen Fictionnaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...