Xylph Pov:
"Ano talagang nangyari, Xylph" malumanay na sabi ng mommy ni Raze, agad nanamang namumuo ang luha ko
"Mag ccr lang po ako ma'am tapos hindi ko nakita na nabangga ko po yung anak nyo, sobra po kasi akong namangha sa bahay nyo kaya di ko po nakita, sorry talaga ma'am, sir di ko talaga sinasadya" ngumiti silang dalawa sa akin, yung ngiti na hindi labas ang ngipin, yung ngiting totoo hindi hilaw
"It's okay Xylph, don't worry kakausapin ko si Raze and don't call us ma'am and sir na okay? Call me tita bessy and call him tito nalang, okay ba?" Nakangiting sabi ni tita bessy uggghhh di ako sanay tas nakangiti din sakin si tito habang pinat ang ulo ng batang babae na inirapan lang ako
Tsk! May pinagmanahan pala talaga
"Ah anyways mag ccr ka ba? Dito nalang sa guest room mas malapit" nakangiting sabi ni tita bessy uggghhh ang awkward talaga banggitin ih, iginiya nya ako papuntang guest room nila na nasa pinakaunang pintuan na nasa pakaliwa na side
" Salamat po tita" ngiti ko at pumasok na pero pinigilan nya ko
"Nakalimutan mo ang bessy, tita bessy" hilaw naman akong ngumiti sa sinabi nya, sinadya ko nga na hindi banggitin ang bessy eh, ang awkward lang talaga
"After mong mag cr baba ka na, at kakain na tayo" sabi ni tita at aalis na sana sya pero nagsalita ako
"A-ahh salamat nalang po p-pero may pupuntahan pa po kasi ako, ipapasyal ko po yung kapatid ko" agad namang napalingon sakin si tita na nanlaki pa ang mga mata
"May kapatid ka?" Nanlaki ang mata na tanong ni tita sa akin na tila ba hindi sya makapaniwala na may kapatid ako. Ha? Bakit parang gulat na gulat sya?
"O-opo six years old pa lang po kasi sya, at nagpromise po ako sa kanya na pagkatapos kong mag project ay ipapasyal ko sya, kaya sa bahay nalang po ako kakain tita bessy" para naman syang nadismaya sa sinabi ko pero ngumiti din naman agad pagkarinig nya na tinawag ko syang tita bessy
"Sigurado ka ah, ipapahatid nalang kita kay ra---" alam ko na ang sasabihin nya kaya inunahan ko na sya
"Ahh hindi na po tita b-bessy nagpapasundo na po ako sa driver namin, sige po tita bessy naiihi na po talaga ako eh" sabi ko kaya natatawang napatango lang sya, agad naman akong pumasok sa guest room at hindi na ako nag abalang ilibot ang paningin ko kasi naiihi na talaga ako at kanina ko pa'to pinipigilan,para na ngang sasabog ang pantog ko eh
Pagkatapos kong umiihi ay hinugasan ko ang kamay ko at tiningnan ko ang sarili ko sa reflection ng salamin. Parehong namumula ang mga mata at ilong ko dahil sa pag iyak kanina, hindi ko kasi aakalain na iiyak lang pala ako pag makatungtong ako sa bahay na ito eh
Raze Pov:
Nakakainis sya! Masyado syang maarte at iyakin. Hindi talaga sya nagbabago napakaiyakin nya parin talaga hanggang ngayon
Ayoko sa mga taong iyakin, nagpapaawa lang. Hindi sila marunong ipaglaban ang sarili nila para silang naghihintay ng taong kakampihan sila. Nakakainis talaga
Bata palang ay ayoko na sa kanya kasi bukod sa iyakin sya ay madaldal din sya, kaya kanina nasigawan ko sya kasi tanong ng tanong nakakainis kita ngang nagfofocus ako kasi pasahan na sa lunes tas gugulohin nya lang ako
Kinuha ko ang cellphone ko sa side table ko at maglaro na sana nang Mobile Legends nung may kumatok sa pinto
Npabuntong hininga naman ako at napapikit ng mariin kasi alam ko namang si Mommy ang nasa labas ng pintuan. Ayan nanaman sya, tatakutin nya nanaman ako gamit yung walang emosyon nyang mukha. Nakakainis for sure pipilitin nanaman niya akong mag sorry kay Xylph tsk
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Teen Fictionnaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...