Xylph Pov:
"Hoy? Kahapon ka pa matamlay ah? Anyare sayo? May sakit ka ba?" Nag alalang tanong sakin ni Margaux pero di ko sya pinansin
Papunta kaming cafeteria ngayon tapos na kasi silang apat sa state of the problem nila at sakto ding wala na din si ma'am kay kahit wala pang time ay lumabas na kami ng room
"Okay may bingi dito" nagkibit balikat lamang si Margaux pero sinenyasan naman sya ni Catherine na wag nalang mag ingay
Naaalala ko kasi yung mukha ni Raze nung nilapitan ko sya para sa Significance of the study namin ih
Ba't may tumulong luha sa mga mata?
May problema ba sya?
Anong rason bakit may tumulong luha sa mga mata niya?
Pero, bakit ganun? Bakit parang nasasaktan ako
Bakit lungkot at pagdadalamhati ang nakikita ko sa mga magaganda nyang mata?
Bakit parang may parte sa kaloob looban ko ang nabasag nung makitang may tumulong luha sa mga mata nya?
"HOY" yugyog sa akin samantha
"B-bakit? Ang layo pa ng cafeteria eh, bakit ba?" Tanong ko sa kanilang parehong nakatitig sa akin
"Bakit ka umiiyak?" Tanong naman ni jayelles
Ano? Ako? Umiiyak? Ba't naman ako iiyak
Agad ko namang kinapa ang mukha ko at maramdamang may basa nga Ito
Shit!
"Sabihin mo nga sa amin? May problema ka ba? Yah know? Nandito lang kaming mga kaibigan mo" sabi naman ni Samantha at pareho silang ngumiti sa akin kaya nginitian ko din sila pabalik
"Wala may naisip lang ako" sabi ko naman kung ano man yung nakita ko ay sa akin nalang yun
Hindi naman sila nang usisa kaya nagpatuloy nalang kami sa paglakad papuntang cafeteria
Bumili nalang ako ng burger at C2 at nagpaalam ako sa kanilang apat na may pupuntahan lang. Hindi ko nalang sila hinintay na magtanong kung saan ako pupunta at iniwan ko nalang sila
Napagdesisyunan kong pumunta ng rooftop para magpahangin saglit. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin since binabagabag pa rin ako ng mga iniisip ko kanina
Pagdating ko sa rooftop ay sakto namang nakabukas lang ang pintuan kaya pumasok na ako
Dumungaw ako at pumikit habang nakangiti mag isa dahil sa sarap ng hangin na bumungad sa akin
"Who's this?" Napadilat ako nung marinig ko ang boses na yun
Shit! Boses ni Raze yun ah? Sumilip ako sa kabila at nagtago sa pader para di nya ako makita, bahagya syang nakaharap sa akin pero yung tingin nya nasa baba
" I said who's this? Where did you get my number?" Tanong nya pa rin sa kabilang linya
" Just a waste of time" ibababa na sana nya ang cellphone nya ng natigilan sya at nahulog yung bottled water na kanina lang ay hawak nya
"Z-zani" banggit nya at kitang-kita sa mismong mga mata ko ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga luha nya
Zani? Sino sya? Ba't ganyan ang reaksyon nya? Sya din ba ang dahilan kung bakit may luhang tumulo sa mga mata nya kanina?
Ang hirap tanggapin pero bakit ako nasasaktan?
"Z-zani b-bumalik ka na p-please" sinilip ko ulit sya pero shit lang ako lang yung nasasaktan dahil sa nakita ko
Ang sakit sa loob marinig at makita mo yung taong nagmamakaawa na bumalik yung inaasahan nyang tao
Bakit ako nasasaktan? Kaklase ko lang naman sya na pilit kong iniiwasan kasi sa tuwing makita ko sya parang may nagdiwang sa kaloob-looban ko, kaklase ko lang naman sya na sa tuwing wala sya ay hinahanap-hanap ko yung presensya nya
Tatlong buwan palang simula nung nag transfer sya sa school namin, tatlong buwan palang simula nang makilala ko sya, tatlong buwan na kaming magkaklase ni madalang na nga lang kaming mag usap pero bakit ganun?
Kaklase ko lang naman sya pero bakit ako nasasaktan ngayon?
"I still love you zani, please bumalik kana hihintayin kita" this time hindi ko na namalayang nahulog pala ang C2 na kaunti nalang ang laman kaya naging dahilan yun ng ingay
Bago pa ako makatago ay nakita na ako ni Raze kaya walang alinlangay tumakbo na ako pababa ng rooftop at dumiretso sa CR
Pagdating ko doon ay nanghilamos ako at tiningnan ko ang mukha ko sa repleksyon sa salamin
Kahit anong pigil ko ay tumutulo pa rin ang luha ko
Tangina parang pinunit ang puso shit bakit ba nagkakaganito ako?
Ano ba self! Kaklase mo lang sya okay? Na carried away ka lang dahil first time mong makakita ng lalaking nagmamakaawa na balikan
Yun, sakto first time mo nga talagang makakita ng lalaking ganun
Nanghilamos ulit ako at pinunasan ang kamay ko gamit ang panyo na meron ako sa bulsa
Pagkatapos nun ay muli kong kinumbinsi ang sarili ko na wala lang iyon
Nang mahimasmasan ako ay bumalik ako sa room nasa labas palang ng pintuan ay kinakabahan na ako
What if nakabalik na pala sya galing sa rooftop?
Anong isasagot ko kung magtanong sya sa akin kung bakit ako nakinig sa usapan nila?
Ughh kairita bahala na nga as if namang kakausapin nya ako eh maski sya ilag sa akin
Huminga muna ako ng malalim saka pinihit ang pinto, pagbukas ko ay agad bumungad sa akin ang dalawang pares ng mata ni Raze na gaya ko ay namumula ang mga mata yung sa kanya nga lang ay di halata, agad akong nag iwas ng tingin at nagpanggap na wala akong nakita at narinig sa kanila atsaka umupo sa pinakagitna naming apat
Nagtanong pa sila kung saan ba daw akong nanggaling at kung bakit daw ang tagal ko, sinagot ko nalang na nagpahangin lang habang nakayuko, natatakot kasi ako na makita nila ang namumula kong mga mata baka mangusisa nanaman sila eh wala akong masabi
***
Happy New Year everyone.
Goodbye 2017,
Hello 2018#january 1,2018
![](https://img.wattpad.com/cover/114096136-288-k881734.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Teen Fictionnaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...