chapter 12

112 2 0
                                    

Xylph Pov:

Nakakainis!

Bakit ko ba sinabi yun kay Raze, naknampucha talaga ih

Totoo kasing ang cute nya nung nakangiti sya, first time kong makita syang nakangiti kaya sobrang nadala ako at nasabi ko yun sa kanya

Nakakahiya talaga, hindi naman kami close pero kung tawagin ko sya ay parang magkaibigan lang kami

Nag order lang ako ng milktea atsaka umalis na, hindi sa sinusundan ko sya kaya nagkita kami dito sa labas ng coffee shop pero dahil nag ccrave ako ng milktea atsaka hindi ko naman inaasahang nandito sya eh

Pagdating ko sa bahay ay agad akong naligo at nagpalit, pagkatapos nun ay dumapa ako sa kama ko at nag Facebook

Tiningnan ko naman sa cellphone ko kung anong araw ngayon at shems Thursday na pala ngayon, so bale Friday na bukas pero yung Chapter 1 namin ni Raze  parang wala paring progress

May Facebook kaya sya? Instagram? Twitter?

Iaadd ko kaya? Bakit ko naman iaadd? Ano namang sasabihin ko?

Nagulat ako ng may nag pop up ng sunod-sunod sa phone ko, nagchat sa akin si Keanu

Dalawang araw na pala mula nung hindi kami nag usap, wala kasi akong oras para mag online eh

Sa katunayan lang din ay namiss ko rin kahit papano si Keanu, naging isang mabait din kasi syang kaibigan sa akin at lagi syang nakikinig sa mga problema ko

Medyo nagtatampo lang ako kasi di naman nya sinabi sa akin na may girlfriend na sya, di naman ako magagalit eh pero sana naman diba sinabi nya

Nagkamustahan lang kami at nag sorry din sya, sinabi naman nya na hindi nya girlfriend yun at isa lang iyong obsess sa kanya atsaka yung nakita kong kahalikan niya ay yung babae pala ang nag insist sa kiss

Sabi ko naman na okay lang basta pag nagkagirlfriend sya dapat ako ang unang makaalam kung papasa ba yung girlfriend nya para sa kanya kasi syempre dapat itetest namin yung bagong girlfriend nya

Sa huli ay bumalik ulit ang closeness namin at nagkwekwentuhan lang kami sa chat, ayaw ko kasi makipag video call, ewan ko ba sa sarili ko nahihiya kasi ako

Keanu: Xylph? Gusto mo kwentuhan kita sa kababata ko na gustong gusto ko hanggang ngayon?

Bigla naman akong na excite kaya umoo na ako

"Ishashare ko sayo kung kailan at paano kami nagkakilala hanggang sa kailan at paano din natapos ang pagkakaibigan naming dalawa"

Na excite muli ako at umoo sa sinabi nya but somehow naawa din ako kay Keanu hays, nasan na kaya yung kababata nya

Keanu:Gusto ko lang ishare kung paano kami nagkakilala ng babaeng mahal na mahal ko! Nagsimula ito nung pumunta kami sa tagaytay ng mommy at daddy ko para magbakasyon! Pupuntahan ko na sana ang mommy at daddy ko nung may nabangga ako 'Ouch,my butt uwaaaaaahhhhh' sigaw ng batang babae na nabangga ko! Nung oras na nagkasalubong ang mga mata namin bigla kong naisip na 'she's the one' ewan, di ko alam kung bakit ko naisip yun eh sa 5 yrs.old pa naman ako nun 'I'm sorry,princess. I didn't mean to bump you' sabi ko sa batang babae! Ang cute niya sobra! Namumula pa ang ilong at mata niya 'It's okay, it's not hurt hihi really' sabi niya! Ang cute-cute talaga niya! Napakainosente ng mga mata niya 'What's your name princess?" Nakangiting sabi ko sa batang babae! Tiningnan naman niya ako ng matang napakainosente kaya mas lalo ko pa siyang nagustuhan ***** is the name and you are? hey don't call me princess. My mom is not a queen and my dad is not a king. So? There's no need to call me a princess'sabi niya saakin na parang naiirita! But still ang cute niya parin' Keanu is the name,**' sinabi ko sa kanya ang pangalan ko! Nung sinabi na saakin ni mommy na uuwi na kami bigla akong nakaramdam ng lungkot! Bigla kong naisip na baka hindi na kami magkikita ni ***** (di ko nalang imemention name niya) ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin makalimutan ang inosenting mukha nya! Pababa na sana ako nun nung nagkasagutan sina lola at daddy! Bumalik ako sa pag-akyat kasi ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung makarinig na nag-aaway ang importanteng tao sa buhay ko! Pumasok si mommy sa kwarto ko at sinabihan ako na 'lilipat kami ng ibang bahay' nakatira kasi kami sa bahay ni lola dahil mapapasaamin din naman tong bahay na ito dahil si daddy lang ang anak ni lola! Matagal nang patay si lolo dahil inaatake siya ng kanyang high blood! So yun nga, kinaumagahan nun umalis na kami sa bahay ni lola! Lumipat kami sa isang malaking subdivision, halos lahat ng makikita naming bahay puro malalaki! Isang araw lumabas ako ng bahay namin at may nakita akong tatlong bata! Dalawang babae at isang lalaki! Nakatalikod sila saakin kaya di ko makita mga mukha nila! Narinig kong umiyak yung batang babae dahil sinusungitan siya ng batang lalaki! Hinila nung batang lalaki ang isang batang babae at pumasok sila sa isang malaking bahay! Mas lalong lumaki ang iyak nung batang babae dahil iniwan siya ng dalawa! Pinuntahan ko yun at ipinaharap saakin! Pagkaharap niya lumaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala na yung batang babae na nabangga ko sa tagaytay at yung batang babaeng umiiyak ngayon sa harap ko ay iisa! Niyakap ko siya at niyakap niya din ako sinabi ko sa kanya na 'pag ayaw nilang maging friend ka! I can be your bestfriend' sabi niya 'really?' Natawa ako kasi napakainosente talaga ng mga mata niya! Hayyss mas lalo ata akong nainlove! Tinanong ko siya kung bakit siya iniwan ng dalawang bata sabi niya na ' i don't know! Zaniah wants to play with me naman pero ayaw akong kalaro ni raze' sabi ko na ' i can be your bestfriend and playmate too! If raze don't want to play with you! Well, i want to play with you! So? Don't cry na okay? From now on, I am your playmate na' she smiled that makes my heart beats fast! At nung dumating ang araw na nawala siya sa piling ko ay siya din ang araw na parang wala ng kabuhay-buhay ang puso ko! April 16. 10th birthday ko yun! nasa tagaytay ang venue ng birthday ko! Gusto kasi ng parents ko na sa malayong lugar idadaos ang birthday ko! They are on their way na papunta sa lugar kung saan ang venue ng birthday ko nung mahulog sa bangin ang kotseng sinakyan nila! Sarili ko ang sinisisi ko sa nangyaring aksidente nila! Kung sana hindi ako pumayag kina mommy and daddy na sa malayong lugar ang venue ng birthday ko? Naaalala niya pa kaya ako? Kung sana hindi ako pumayag sa kagustuhan nina mommy? Magkakasama pa kaya kami hanggang ngayon? Dahil sa nangyaring aksidente nawalan ng isang buhay ang pamilya nila! Buntis pala nun ang mommy ng babaeng mahal ko! And about sa babaeng mahal ko? Tuluyan na talaga siyang nawalan ng alaala! Nakalimutan niya ang pamilya niya,nakalimutan niya ang lalaking palagi niyang kinukulit kahit nandito lang ako pero sinusungitan lang siya nung lalaking kinukulit niya,nakalimutan niya ang babaeng kinaseselosan niya kasi close sila sa lalaking kinukulit niya! At nakalimutan na niya ako! Nakalimutan niya ang nag-iisang lalaking nandun lagi sa tabi niya kapag pinagtulakan lang siya palayo ni raze,nakalimutan niya ang nag-iisang lalaking taga-punas ng luha niya sa tuwing pinapaiyak siya ni raze,at siguradong nakalimutan na niya ang sinabi niya sakin before sila mahulog sa bangin na 'bestfriend? Crush kita,pakasal tayo paglaki natin ha? Crush na crush ko din si raze eh,pero palagi niya akong sinusungitan! Samantalang ikaw?ang bait-bait mo sakin! I Love You na talaga bestfriend' sabi niya sakin at kiniss ako sa cheeks ko! Sobrang bilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya ' oo naman! Promise! Ikaw lang ang babaeng papakasalan ko paglaki natin! I Love You too bestfriend' sabi ko rin at kiniss din siya sa cheeks! Pagkatapos nilang makarecover sa nangyaring aksidente nila lumipat sila ng ibang bahay! Hindi nga rin alam ni tita karryle na bestfriend ng mommy niya kung saang bahay sila lumipat eh! At nung nag 11 yrs.old na ako bumalik kami sa bahay ni lola dahil naghihinalo na si lola nun! Dumaan ang dalawang linggo tuluyan na talagang kinuha samin ang lola ko! Hindi na rin kami bumalik sa subdivision na tinutuluyan namin pansamantala dahil binilin na ni ng lola ko ang bahay nila kay dad! At wala na din namang rason para bumalik dun sa subdivision na yun kasi hindi na doon nakatira ang babaeng mahal ko ni hindi ko nga alam kung babalik pa ba sila sa dating bahay nila"

Pagkatapos kong basahin yun ay napaluha nalang ako, bakit ganun? Ang sakit sa dibdib

Atsaka Raze? Si Raze ba na kaklase ko ang tinutukoy nya?

Pero madaming Raze eh, baka nagkataon lang na pareho sila ng pangalan

Xylph: nahanap mo ba ang childhood bestfriends mo?

Keanu: sa kasamaang palad hindi ko mahanap sina Raze at Zaniah sa social media pero yung babaeng gusto ko simula mga bata pa kami ay nahanap ko na

Xylph: talaga? Nasan sya ngayon? Ayiiiehh nagkita na ba kayo? Anong pangalan nya? Nakausap mo na ba sya?

Keanu: hindi ko pa sya nakita sa personal pero matagal ko na din syang nakausap

Xylph: sana all lahat tanan

Keanu: HAHAHHAH parang tanga ka naman bestfriend

Xylph: wow ha! Baka magselos yung childhood girl bestfriend mo na tapos gusto mo pa dahil sa pagtawag mo sakin ng bestfriend

Keanu: HAHAHAH bestfriend naman talaga kita eh atsaka wag kang mag alala di yun magseselos

Xylph: HAHAHHA sige pagbigyan

Nagkwentuhan lang kami ni keanu hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako

****
Pronunciation
Keanu Jake-  Ki-ya-no Jek
Zaniah Ashley-  Zan-ya  Ash-ley
Swayzeliana Xylph-  sway-zel-ya-na Cel (silent ph)
Raze-  Ray- Ze

April 15,2018

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon