Xylph Pov:
Dalawang buwan magmula nung nagbakasyon ako sa Cebu at yun na din ang huling araw na nagsama kami nila Lola at Lolo dahil nagging busy na sila sa mga negosyo nila
Naiintindihan ko din naman sila at wala naman akong problema doon, sapat naman na sa akin na nakapagpasyal kami
Ang bilis ng panahon. Parang kakagraduate ko lang ng Grade 6. Tas ngayon malapit na din akong mag graduate ng Senior High School, next school year first year college na ako, ni hindi ko pa nga alam kung anong course ang kukunin ko ih.
On the way na ako sa school. Same section pa rin daw kami ng mga kaibigan ko. Parehong General Academic Strand ang kinuha naming strand kasi kami mismo sa aming mga sarili di alam kung ano ang course na kukunin sa college kaya napagdesisyunan na rin naming mag take nalang ng GAS
Hayyss,namimiss ko tuloy yung bonding namin ni lolo at lola.
Namimiss ko yung swimming namin doon sa sumilon na kung ako lang sana ang masusunod parang ayoko nang umalis dahil ang ganda-ganda ng dagat. Namimiss ko yung nakasakay ako sa butanding, namimiss ko rin yung nag ice skating kami kasi sobrang saya nila Lolo at Lola Habang naghahabulan
Tas syempre di ko rin makakalimutan yung mukha na nakabangga sa akin. Napaka gentleman niya at ang sweet niya sa kapatid niya
Nung gabi na aksidenti kong na upload yung mga stolen shots ko kasama siya dahil sa antok ko, madami agad ang nagkomento nun
'Wow! Gwapo naman nung guy,'
'Anong pangalan nung guy?'
'Buti ka pa xylph. May nameet kang gwapo'
'Kyaaaahhh,bagay talaga kayong dalawa nung guy,xylph. At para na din ninyong anak yung batang babae'
'Walang pornever parin'
'Magbebreak din kayo'
'Swerte mo naman girl'
'Tangina,magbre-break din kayo sa twenty-three, walang forever sainyo'
Bakit ba ang bibitter na ng mga tao sa henerasyon ngayon? Dahil ba nasasaktan sila? Pero bakit kailangan nilang idamay yung mga taong masasaya sa mga relasyon nila? Bakit kailangan pa nilang sumigaw na walang forever? Oh well, i'm not forever-believer din naman, kasi lahat ng tao may katapusan,pero naniniwala ako sa infinity.
Pero bakit may mga taong maghihigante na agad, porket sawi sila sa unang pag-ibig? Yung iba nagiging manhater or womanhater. Yung iba iisiping pare-pareho lang ang mga ginagawa ng mga babae or lalaki. Yung iba naging bitter,yung iba takot ng magmahal ulit, yung iba paglalaruan nalang ang feelings ng mga taong nakilala nila. Bakit kailangan pa nilang gawin yun?. Why don't they go with the flow nalang. Kasi ang diyos may inilaan talaga na para saating mga tao. Kung kayo talaga sa taong nakilala mo. Edi kayo talaga.
Oh well, wala naman akong kaalam-alam sa love na yan. I don't know what is love nga eh. Marami kasing uri ang pagmamahal. May pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa kaibigan,pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa sarili at higit sa lahat pagmamahal sa kapares mo. Pero di ko alam kung anong definition ng love sa kapares mo. Wala kasi akong kaalam-alam diyan eh.
Nang makarating na ako sa school bumaba na ako sa kotse at sinimulang hanapin ang room ko. Kitakits nalang siguro kami sa room, kasi parang malalate sila oh sayang effort kong gumising nang maaga tas maghihintay lang ako sa mga late comers
Lalo na't napag usapan pa naman nila kagabi na pupunta silang night's club. Ang lasinggera talaga ng mga babaeng yun
Solo flight na nga lang muna ako ngayon, ika nga sabi nila learn to be alone dahil may mga bagay talagang kailangan mong sanayin ang sarili mo na mag-isa kasi di lahat ng mga nakakasama mo ngayon ay mananatili sa tabi mo. Dadating din ang panahon na unti-unti na din silang aalis sa tabi mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/114096136-288-k881734.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Teen Fictionnaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...