chapter 20

116 1 0
                                    

Xylph Pov:

"OMG! Kailan pa? I mean what are you doing here? And is she your sister?" Tanong ko kay keanu. Yes, it's Keanu the guy I met on Facebook

"Yes, she's my sister btw Xylph meet my sister Kianney, and baby Kianney meet ate Xylph" pagpakilala ni Keanu sa nakababata niyang kapatid

"Hello po" nakangiting bati niya saakin kaya binati ko rin siya at pinisil ang cheeks niya. Ang cute niya sobra

"Ikaw po ate ni Liam po?" Nakangita akong tumango habang kandong ko si Liam na kumakaim ng Cotton candy

"Alam mo parang familiar kayo, feeling ko nakita ko na kayo pero di ko lang naaalala" familiar naman talaga sila ih, kaso di ko lang naaalala kung saan ko sila nakita

"Tama ka, kami yung nakita mo sa ice world. Yung nakabanggaan mo sa Ice world dahil hinahabol ko itong makulit na'to" sabi niya at kiniliti si Kianney

Dahil sa sinabi nyang iyon, agad akong napalingon sa kanya pero di sya tumingin sa akin. Nasa kawalan pa rin yung tingin nya, anobayan ang bastos naman kausap nito, ayaw tumingin pero mas mabuti na rin yun dahil nahihiya ako pag may tumitingin sakin habang kausap ako

"Joke time ba to? Alam mo to kasi kwinento ko naman sayo yung nangyari samin nung nakabanggaan ko" nagpupumilit pa rin ako kahit alam ko naman sa sarili ko na ang obvious na sila talaga iyon

Atsaka nung kwenento ni Keanu sa akin about sa kababata nya na nabangga nya nung una silang nagkakilala, ganun na ganun din ang linyahan na sinabi ni Keanu sa Ice world

"Miss I'm going"

Confirmed! Sila nga talaga yun, yung nakita ko sa picture na magkasama kaming tatlo sa Ice world na parang isang pamilya

"Nakakainis ka, bakit di mo sinabi sa akin amp" kunwaring tampo ko, todo kwento pa ko sa kanya about sa nangyari samin nung nakabanggaan ko but it turns out na sya din pala mismo yun

"Di ko din naman kasi inakala na ikaw yun ih, pero nung tinitigan kita alam kong ikaw yun, yung babaeng nakilala ko sa Facebook, yung babaeng matagal ko nang hinahanap na di na ako naaalala ngayon" may binulong sya sa last part kaso di ko na narinig

"Anong sabi mo?"

"Wala, bingi ka" tumawa naman sya kaya napasimangot ako

Nandito parin kami sa swing, nakakandong saakin si Liam at ganun din si Kianney kay Keanu

"Ate crush ko po si Liam" namumula niyang sabi sa akin habang kumakain din ng Cotton candy kaya napatawa naman kaming dalawa ni Keanu

"Ibibigay ko sa inyu ang basbas" tumawa naman si Keanu dahil sa sinabi ko. Infairness ang cute niyang tumawa nawawala yung mata

"So? Staying for good ba kayo dito sa lugar namin or uhm bakasyon lang? And how did you know me pala? Ahm you know? Sa Facebook lang tayo nagkakilala" tanong ko sa kanya habang dinidilaan yung ice cream ko

"About that ahm yeah we're staying for good here" sabi niya tas dumila din siya sa ice cream niya "and about kung bakit kita nakilala? Simple, my heart recognize its owner" napatigil ako sa pagdila ng ice cream ko dahil sa sinabi niya, tumingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin.

Nang marealize niya siguro yung sinabi niya ay bigla niyang binawi

"Chariiizzz di kasi kanina pa kami dito, tas nung nakita ko kayong pababa ng kotse niyo agad kitang namumukhaan kaya ayun" sabi niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko kung ano na eh

"San ba kayo nakatira ngayon?" Tanong ko sa kanya at tiningnan ko siya, bumuntong hininga sya

Laki ng problema nya ha, kanina pa sya bumuntong hininga

"Gusto ko sana na bumalik kami ulit doon sa bahay namin kung saan magkakapit bahay kaming apat ng mga kababata ko kaso binenta na pala yun ng parents ko 3 years ako, kaya dyan lang yung bahay namin yung blue na gate" turo nya dun sa malaking bahay malapit lapit din dito sa park

"Ang lapit lang din pala natin noh? Akalain mo yun? Tatlong bahay lang ang nakapamagitan sa atin, nagpahatid lang kami kasi baka mainitan tong bunsoy ko" sabi ko at ginulo ang buhok ni Liam na malapit na ding maubos ang cotton candy

"Seryoso?" Di makapaniwalang saad nya na nanlaki parin ang mata

Cute naman

"Oo nga" tumawa naman ako kasi ang cute ng itsura nyang lumaki ang mata

"Atsaka bakit ka ba nagugulat dyan? Para kang sira" habol ko

"Wala sobrang coincidence lang talaga ang nangyayari sa atin, ngayon masasabi ko na talagang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkalapit tayo" ayan na naman sya, bumubulong mag isa

"Anong sinasabi mo? Ngayon masasabi mo na?"

"Ngayon masasabi ko na bingi ka talaga" inambahan ko naman sya ng suntok kaya umiwas sya

Kainis to oh

"Kailan pala kayo lumipat? Tapos paano na ang pag aaral mo?" Tanong ko sa kanya, curious ako eh

"Last week pa, na promote kasi si Dad sa kompanya malapit dito kaya lumipat nalang kami, and about sa pag aaral ko lilipat din ako ng school" pwede pa ba yun? Malapit ng ma end ang first semester

"Pwede pa naman siguro dahil kaibigan ni Dad yung Dean doon sa LIS" nagulat naman ako sa sinabi

"You mean lilipat ka sa Lyceum Interhigh School?" Gulay na tanong ko sa kanya, seryoso? Sa school namin? Wow

"Oo, bakit gulat na gulat ka? Doon ka din ba nag aaral?"

Tumango naman ako ng paulit-ulit. Owemjii magiging kaklase or schoolmate ko sya

"Nice, pinaboran talaga ako ng tadhana" tumawa sya kaya pinalo ko yung braso nya

"HAHHAHA ewan ko sayo, kung ano ano nang pinagsasabi mo" sabi ko at inirapan ko sya kunwari

"Kamusta naman yung lagi mong kinukwento sa akin about sa guy na kaklase mo?" Biglang tanong nya nung wala nang nagsasalita sa amin

Napabuntong hininga ako. Ayun, sinisigawan ako kanina pero di ko rin aakalain na mag sosorry sya

Bigla ko namang naaalala yung halikan namin kaya naramdaman kong namumula ang mukha ko

Narinig kong bumuntong hininga si Keanu

"Kahit pala talaga paglapitin na tayo ng tadhana kapag iyang puso mo ay sya parin talaga wala na agad akong magagawa" malungkot na bulong nanaman nya at yumuko

"Hoyy ano ba kasi yang binubulong bulong mo dyan, speak out makikinig ako" inangat nya ang paningin nya at nagkatitigan kami

Shit! Ang ganda ng mga mata nya kahit halatang malungkot.

"Wala wag mo nalang pansinin yun" tumawa sya ng mahina "ang cute mo talaga pag napipikon walang pinagbago" sabi nya at kinurot ang kaliwang pisngi ko

"Hoy gago bitaw ang sakit, baka mahulog tong mga baby natin" tukoy ko sa mga bunsoy namin

Tumigil naman sya pagkatapos kong sabihin yung nakatulalang napatingin sa akin

"Oh bakit? Sobrang ganda ba? Alam ko" sabi ko sabay flip hair

"Ang sarap pakinggan" nakangiting sabi nya na hindi pa rin inalis ang tingin sa kin

Anobayan, na coconscious ako sa mukha ko ih

"Wag ka ngang tumitig, isa tatamaan ka sakin"

Panakot ko sa kanya

***
May 2,2018

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon