Xylph Pov:
"Pst Kean, dali na ang tagal mo naman baka biglang ma beast mode yun si Raze" sabi ko kay Kean habang papalapit sya sakin
"Hayaan mo yun, sanay na ako dun" sabi nya pero di ko nalang pinansin yung sinabi nya
Pagdating namin sa loob ay sinalubong naman kami ng mga maid nila. May isang maid na inanyayahan kami na pumunta sa dining area nila Raze kaya sumunod na kami
Pagdating namin dun nakita namin yung parents ni Raze atsaka yung mga kapatid nya na nasa sahig at naglalaro, yung batang babae naman na nabangga ko last week inirapan ako
Tsk, magkaugali nga kayo ng kuya mo pwe sarap tusukin nyang mata nyo
Si Raze naman nakaupo lang habang nakasimangot, problema ng kuwanggo na ito?
"You must be Kean, right?" Nakangiting tanong ni Tita ugh tita bessy kay Kean na ngayon ay nakangiti rin
"Yes po Tita" agad naman namang niyakap ni Tita bessy si Kean, eh? Magkakilala ba sila?
"I'm so happy, after 9 years malapit na kayong mabuong apat. Siya nalang ang kulang, siya nalang" nakangiti ngunit may halong lungkot na saad ni tita bessy at nakatingin kay Raze na nakasimangot pa rin hanggang ngayon
"Oo nga po Tita eh, sayang wala siya dito" sabi naman ni Kean, ano bang nangyayari? Ako lang ba ang walang alam dito? Panu sila nagkakilala? Sino din ba na 'siya' ang tinutukoy nila?
"Pero infairness sayo Kean, ang gwapo mo na lalo ngayon hihi bagay na bagay talaga kayo ni Liana, sa inyu ang boto ko ayaw ko nalang mag talk dito kay Raze dahil hanggang ngayon si Ashley parin ang hinahanap" kunwaring irap ni tita bessy tas tumingin ulit kay Raze na nahuli naming umirap nanaman
"Alam mo naman Tita, bata palang binabakuran ko na to" natawa si Kean tas natawa rin si Tita bessy samantalang si Tito naman may binulong kay Raze na ikinasama ng tingin ni Raze sa amin
"Osya sige na, simulan nyo nang gawin yang project nyo at padadalhan ko lang kayo ng miryenda sa taas" sabi ni tita bessy kaya nagpaalam na kami at sumunod kay Raze na naunang umakyat
"Ano palang pinag usapan nyo kanina ni Tita bessy, Kean? Bakit parang magkakilala na kayo? At sinong 'siya' ba yung timutukoy nyo?" Tanong ko kay kean na nakapamulsa habang tinatahak namin ang daan paakyat
"Kasi kilala naman na talaga nila ako" napahinto naman ako dahil sa sinabi nya
"Weh? Seryoso? Panu? San ba kayo nagkakilala?" Curious kong tanong
"Naaalala mo ba yung kinekwento ko sayo na mga kababata ko? Yung tatlo kong kababata na halos magkaharap lang kami ng bahay? Yung sina Raziel, Ashley at yung isang kababata namin na nawalan ng ala-ala?" Napatango naman ako dahil naaalala ko yung mga kwento nya sakin noon
So ibig sabihin?
"Yes tama ka nang iniisip, kababata ko si Raze" sabi nya pa nang paliko na kami papuntang study room nila
"Wth! Seryoso ka dyan? Pero bakit hindi kayo nagpapansinan kung kababata mo pala sya? Bakit hindi kayo close? Diba dapat pag magkababata kayo, close kayo? Bakit kayo parang estranghero lang?" Sunod sunod na tanong ko dahil na cu-curious ako
"Hindi ba nabanggit ko na sayo dati na di namamansin si Raze namin at nung kaibgan kong nawalan ng ala-ala? Tanging yung si Ashley lang ang pinapansin nya, nagkalaro lang naman kami pag may occasion sa pamilya naming apat at nagsalo-salo kami" sabi niya pa
"Tingin mo Kean? Kung kumpleto pa rin kayong apat ngayon at hindi nawalan ng ala-ala yung kaibigan mo? Anong posibleng mangayari sa inyung apat?" Tanong ko sa kanya kaya napaisip sya
"Hmm siguro kung hindi kami nagkawatak watak, siguro hinahabol ko yung kaibigan ko na nawalan ng ala-ala habang busy din syang humahabol kay Raze, kay Raze na masaya na sa piling ni Ashley" biglang nalungkot ang tono ng pananalita nya
"Bata palang kasi kami ramdam kong gustong gusto nya na si Raze eh, kahit anong pagpapansin nya di sya pinapansin ni Raze. Alam mo ba? Nung a week before my birthday sabi nya sa akin, Kean bakit ganun? Masakit dito oh turo niya sa dibdib niya, bakit hindi ako pinapansin ni Raziel? Bakit si Ashley lang ang pinapansin nya? Bakit lagi nya akong inaaway Kean? Pangit ba ako Kean? Gusto ko si Raziel, Kean tulungan mo naman ako HAHAHH umiyak pa sya nun" tumawa si Kean pero halata naman sa likod ng tawa nya, nalukungkot pala sya
"Inggit na inggit ako nun kay Raze kasi bakit ganun? Limang taon mula nung magkakilala kami pero ang tanging bukambibig nya lang nun puro Raziel HAHAHHA nakakatawa lang, ako yung laging nandyan sa tabi at pinapatawa sya pero iba pa rin pala ang hinahanap nya" hinarap ko si Kean at niyakap, pinadama ko sa kanya na hindi sya nag iisa
"Pag nakita mo na yung kababata mo Kean, sabihin mo sakin at babatukan ko sya kasi ang tanga nya. Naiinis ako sa kanya kasi hindi nya naappreciate ang worth mo, na kahit nandyan ka lagi sa tabi nya at iba ang hinahanap nya di mo parin sya iniwan, kung tutuusin ay mas madali ka lang naman sanang magustuhan kasi napaka approachable mo at palangiti ka, mahilig ka ring magpatawa at mabait ewan ko ba dyan sa kababata mo at ang sarap tadyakan sa leeg" natawa si Kean at niyakap din ako ng mahigpit
Nandito na kami sa harap ng pinto ng study room nila Raze pero di pa kami pumasok dahil nakikichismis pa ako about sa past ni Kean
Hinagod naman ni Kean ang likod ko at ganun din ako sa kanya para maramdaman nyang kinocomfort ko sya
"What the--" gulat kaming naghiwalay sa yakapan ni Kean nung nagsalita si Raze
"Pwede bang kung maglandian kayo ay wag dito sa pamamahay ko?" Sabi niya na nakatingin sa akin, agad naman akong napayuko dahil ramdam ko nanaman ang pagtulo ng mga luha ko
Agad din namang hinawakan ni Kean ang kamay ko, kaya kahit papanu ay gumaan ang pakiramdam ko
"Lower down your voice Raziel, let's start nang matapos na" sabi naman ni Kean, di ko nakita ang expression sa mga mukha nila dahil nakayuko pa rin ako hanggang ngayon
"I told you not to call me Raziel" sabi ni Raze and he slammed the door, naiwan naman kami ni Kean sa labas parin ng study room nila Raze
Muling tumulo ang luha ko dahil sa treatment na inakto ni Raze, bakit sya galit? Pinunasan ni Kean ang luha na tumulo sa mga mata ko at pinapagaan ang loob ko
"Kahit kailan talaga napaka iyakin mo" sabi niya at pinisil ang ilong ko
Binuksan namin ang study room at nakita namin si Raze na masama ang tingin sa laptop
Ano bang ikinakagalit ng timawa na to?
***
Dec. 30, 2021Should I finish this story? May mga interesado pa ba? Baka kasi wala nang interesado kasi ang tagal kong hindi nakapag-UD
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Genç Kurgunaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...