Xylph Pov:
Umalis na ako sa dining area nila, hinanap ko si Raze pero di ko sya makita shit panu na to? San ko ba sya hahanapin? Sa laki ba naman ng bahay na to, posible kayang nasa kabilang sliding door sya? Doon ba ang dinadaanan nya?
Walang alinlangay pumunta ako sa gawi na yun pero bago ko pa yun mabuksan ay tinawag ako ni Raze mula sa hagdan
"Hoy san ka pupunta" napagitla naman ako dun kasi sa paraan ng pagsabi nya parang pinapahiwatig nya na nanakawan ko sila
" S-sorry akala ko kasi dito yung daan, b-bigla ka kasing nawala eh" umirap lang sya at muling umakyat sa hagdan, nakayuko akong sinundan sya dahil sa hiya tsk
Pagdating namin sa pinakatuktok ay may magkabilang lobby pa na dadaanan, ang lawak pala talaga ng bahay nila Raze akala ko kasi pag-akyat na nang hagdan kwarto na pero parang nagkakamali pala talaga ako
"Tara sa study room" wow may pa study room pa pala talaga sila ha sanaol talaga eh, kumanan kami at tinahak namin yung daan sa study room, may altar din kaming nadadaanan tas family picture nila. Napatigil naman ako sa family picture nila, lahat sila nakangiti pwera nalang kay Raze na nakatitig sa camera na nakafierce, walang reaksyon ang expression ng mukha nya para syang napipilitan, ang kyut nya sarap kurutin
Bigla naman akong napatawa sa naisip ko
"Tinatawa-tawa mo dyan? Tara na nga para kang baliw" Nakataas ang kilay nyang sabi sa akin, fuck ang kyut nya para syang poging bakla na nagtataray
Nawala ang ngisi ko at palihim syang inirapan.
Tiningnan ko silang lahat, parang bago palang itong picture na'to ang saya din nilang tingnan mahahalata mo talaga na sa simpleng pagtingin lang sa litrato ay makikita mo talaga na mahal nila ang isa't isa at masaya silang magkakasama, may apat palang kapatid itong si Raze uwuu ankyuuttt din yung dalawang batang babae na nakangiting nakakandong sa dalawang hita ng daddy nila, yung isang batang babae din para silang magka-edad ni Liam nakangiti din sya pero makikita mo talaga sa mga kilay nya na mataray sya nakaupo din sya sa hita ng mommy nila tas yung batang lalaki din na nakaupo katabi ng mommy nila parang tansya ko mas matanda ito sa batang babae na nakakandong sa mommy nila, nakangiti din sya at may malumanay na mga mata parang yung mommy nya lang tas nakaupo doon sa pinakalikod si Raze na hindi man lang ngumiti
Ang saya nilang tingnan kasi kumpleto sila, makikita din sa pamilya nila ang may magagandang lahi.
Bigla tuloy akong nainggit kasi wala kaming family picture sa bahay. Palagi kasing wala sila mommy at daddy, nakakamiss din kasi maging isang kumpletong pamilya, yung tipong puro tawanan lang yung makikita mo sa mga mata nila, yung wala kaming problema na kinakaharap, yung lagi silang present sa mga occasion, yung nasa bahay lang sila lagi sobrang nakakamiss yung mga panahon na iyon.
Agad ko namang pinunasan yung luhang pumatak sa mata ko at humarap para sundan si Raze pero pagharap ko ay agad bumungad sa akin si Raze, yung mga tingin nya ay parang naaawa sa akin, nginitian ko sya at agad naman syang napailing at bumalik na ulit yung mukha nyang walang reaksyon
Nakakainis!
Sinundan ko sya at pumasok sa pinapasukan nya, agad ko nanamang nilibot ang paningin ko at namangha nanaman ako dahil ang laki pala talaga ng study room nila. May malaking book shelf din tas uwuu ang daming libro, siguro may romance book din dito. May wattpad book kaya sila dito? Pwede kaya akong humingi sa mommy ni Raze? Natawa naman ako sa iniisip kong kapakalan ng mukha
Pumunta sa table si Raze at binuksan naman nya agad yung laptop nya, nilabas na din nya yung mga papel na isinulat namin na pinakita namin kay Miss para maaprobahan
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Teen Fictionnaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...