Xylph Pov:
Pagdating ko sa bahay agad akong pumasok sa kwarto ko at naligo pagkatapos kong maligo at magbihis ay napagdesisyunan kong bisitahin ang kapatid ko, siguro kakauwi nya lang galing sa school nya
Pumunta ako sa kwarto nya at nakita ko syang naglalaro ng iPad nya
Nilapitan ko sya at umupo sa kama nya
"How's school baby Liam?" Tanong ko sa napakacute kong kapatid
"Okay lang po ate kahit na po may bad girl akong classmate, niaaway nya po ako lagi" nakapout na sabi nya habang nasa iPad nya parin ang tingin nya
"Gusto mo awayin ko siya para sayo? Wag niya lang maaway-away ang baby Liam ko" lambing ko sa kapatid ko tas niyakap sya
"I'm no longer a baby na po ate, I can handle myself naman po ate eh hindi ko nalang sya pinapansin po" ugghh napakacute talaga nakakainis sarap panggigilan ang pisngi grrr
Kung di lang talaga sensitive tung balat ni Liam kanina ko pa pinanggigilan tung pisngi nya
Nakipaglaro muna ako kay Liam, madalas ko nalang din kasi makita to si Liam dahil pang hapon yung class nya atsaka pagkauwi naman nya may gagawin ako or nakatulog ako kaya di ako masyadong makadalaw dito sa kwarto nya pero minsan din sya nalang mismo ang bumibisita sa kwarto ko at manonood lang kami ng cartoons doon tas maglalaro din kami sa iPad nya
Bonding kumbaga!
Liam Rayleigh is just 6 years old at kinder na sya ngayon
Aaminin ko nung ipinagtapat nina mommy at daddy na may Liam na pala sa womb ni mommy umiyak ako nun at nagtampo sa kanila, di ako lumalabas ng kwarto ko kahit anong pilit pa nila sa akin. Hindi ko sila kinakausap nun, nasanay na kasi ako na ako lang ang anak nila at nasa akin lang ang atensyon nila at ng mga grandparents ko. Kaya sobrang sakit nun sa part ko kasi di ko naman inexpect na masusundan pa ako kasi 12 na ako nun
Pero nung lumabas na si Liam sa tyan ni mommy, parang may sumipa sa puso ko nung makita ko si Liam na ang liit-liit at napacute dahil namumula pa sya, parang nasa isip ko nun na ayos na din pala magkaroon ng kapatid kaya simula nun minahal ko na si Liam at kahit isang katiting na selos ay wala akong naramdaman kahit na kay Liam na ang atensyon nilang lahat. Well, binigyan din naman nila ako ng atensyon pero syempre mas lamang parin si Liam kasi nga baby pa
Kaya nung inuwi na sya dito sa amin hindi ako umaalis sa tabi ni Liam, ang sarap nya kasing alagaan kasi bukod sa ang cute nya ang liit-liit pa. Kapag nasa school naman ako ang sarap na agad umuwi kasi miss na miss ko na sya, sobrang na attach ako sa presence ni Liam na kahit saan ako pupunta ay iniisip ko parin sya, yung tipong kakaalis mo lang ay parang gusto mo nalang ulit bumalik para makita at mahalikan ang kapatid mo
Kaya lumaki si Liam na malapit sa akin, palagi din kasing wala sina mommy and daddy sa bahay kaya ako at ang yaya ni Liam ang nagbabantay sa kanya. Ipinaramdam ko talaga sa kanya na mahal ko sya, inispoiled ko din si Liam kaya lahat ng sasabihin nya binibigay ko kung gusto nya ng laruan binibilhan ko using my credit card hihi
Kaya ako lagi napapagalitan at napagsabihan nila mommy at daddy dahil palagi ko daw ginagamit yung credit card ko
Napaisip naman ako nun, anong silbi ng credit card kung hindi gagamitin atsaka ginagamit ko lang din naman yun para sa kapatid ko, para iparamdam sa kanya na mahal sya ng ate nya at ibibigay ng ate nya ang pangangailangan nya
Pinalaki kasi ako ng parents ko na hindi spoiled, yung tipong naiinggit ako sa mga classmates ko before dahil meron silang ganyan-ganito. Lagi kasing ipinapaalala nila mommy and daddy na hindi pinupulot ang pera, na hindi sila tumatae ng pera at nag-iipon sila ng pera para sa kinabukasan ko. Though, sometimes binibilhan din naman nila ako pero hindi katulad ng mga classmates ko. Hindi ako nagtampo o nagalit man lang sa kanila kasi alam kong mahirap naman talaga maghanap ng pera kaya vinavalue ko nalang kung ano ang nasa akin
Pagkatapos naming maglaro ni Liam sa iPad nya bumaba na kami para papakainin ko sya, wala kasi dito sina mommy at daddy may business trip ata. Sa katunayan, okay lang naman sa amin yun kasi para din naman sa amin yung ginagawa nila atsaka nakakakain din naman kami ng maayos sapat na sa amin yun. Pinalaki kasi nila kami ng may disiplina at simpleng buhay kaya nasanay na rin kami
Pagkatapos kong pakainin si Liam ay binuhat ko sya papuntang kwarto nya para patulogin na, sinabi ko nalang sa yaya nya na ako na kasi gusto kong bumawi sa kanya sa mga panahong hindi ko sya masyadong nakakausap kasi busy ako at graduating na
Pagdating sa kwarto nya nagpamusic ako at tinabihan syang matulog
"Baby Liam, may pupuntahan lang si ate bukas ha? Magbehave ka lang dito" sabi ko at tinap ang ulo nya habang tabi kaming nakahiga sa kama nya
"Where po ate" sabi nya na yumakap naman sa akin. Ang sarap talaga sa pakiramdam yung maliliit nyang mga kamay na nakayapos sa katawan ko
"Sa classmate ko baby, may gagawin lang si ate tas babalik ako ulit, okay ba?" Sabi ko sa kanya at naramdaman ko naman yung hininga nya sa leeg ko dahil nakayakap sya sakin ngayon
"Ate pwede ako sumama" kung pwede lang Liam eh
"Hindi pwede eh, yaan na pagkauwi ni ate ipapasyal kita sa park ayos ba?" Agad naman siyang kumalas sa pagkayakap sa akin at natutuwang nanlaki ang mata
" Talaga ate? Yeeyyyy excited na po ako ate" sabi nya at muling yumakap sa akin, niyakap ko din sya pabalik
" Yes baby, I promise" sabi ko at hinalikan ang noo nya
"Thank you ate, I love you po" napakalambing talaga ng batang to
"I love you too baby, sleep ka na ha?" Sabi ko at tinapik ang likod nya
Nang makatulog na sya ay muli ko nanamang hinalikan ang noo nya at niyakap sya ng mahigpit
"Mahal na mahal ka ni ate, Liam" sabi ko at pinatay ang ilaw sa kwarto nya, bago pa ako makalabas ay muli akong tumingin sa gawi nya
Nang makalabas ako sa kwarto nya ay agad naman akong pumunta sa kwarto ko na katapat lang ng kwarto ni Liam
Pumunta ako ng Cr para manghilamos, nagulat ako ng mag ring ang cellphone ko. Agad akong nagbanlaw at pinunasan ko muna ang mukha ko. Pagdating sa side table para sana kunin ang cellphone ko ay agad namang namatay ang tawag
Anobayan, sino ba to? Wala naman akong binibigyan ng number
Pagtingin ko sa cellphone ko 7 missed calls at 3 messages
From: 09074593934
Pick up your fucking phoneFrom: 09074593934
It's your choiceFrom: 09074593934
Di lang naman ako ang mababagsak sa PRJusko! Si Raze nga, uwuu nakalimutan ko anobayan
Pero bakit naman sya tatawag sa akin? Pwede namang bukas nya lang ako tatawagan
Tawagan ko kaya? Eh ano namang sasabihin ko?
Hay nako xylph! Alang-alang sa grado wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano dyan
Tatawagan ko na sana nung mag ring ulit ang cellphone ko, pagtingin ko sa caller si Raze uwuuuu
Nanginginig akong pinindot ang answer button, susko anong sasabihin ko
"Finally, sinagot na rin tsk" sabi ni raze sa kabilang linya na halatang halata na naiinip na
Di ka pa nga nanligaw eh
Agad naman akong napailing sa naisip ko
"S-sorry, pinuntahan ko kasi si Liam" sabi ko nalang
"Who's Liam---- whatever tomorrow at 9 am sa coffee shop malapit sa school natin. Bye" masungit na sabi nya at inend ang call
Grrr ang sungit talaga! Nakakainis kaaaaaaa
***
April 16,2018
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Teen Fictionnaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...