chapter 1

441 5 0
                                    

Xylph Pov

Nandito ako sa cebu ngayon. Lagi akong pumupunta dito para magbakasyon. May bahay din kasi sila mommy dito sa Cebu dahil may naiwang negosyo pa Sina Lola dito na kailangan nilang aasikasuhin

Nandito ako sa kwarto ko ngayon nagfa-facebook,nagkakamustahan sa mga naiwan kong kaibigan sa manila. Nagulat nalang ako nung nag-pop ang cellphone ko

Keanu Jake Sarmiento sent you a friend request

Sino naman to?clinick ko yung name niya at damn! ang gwapo niya sobra,kahit nakafierce siya sa picture na yun still ang gwapo nang dating niya. Walang alinlangan ko siyang in-accept.

Nagpatuloy lang ako sa pagscroll sa Newsfeed ko ng magpop up yung messenger ko. Pagtingin ko hindi ako makapaniwala sa nabasa ko,yung keanu na nakipag-add ay nagchat saakin

Nagkamustahan lang kami at nag getting to know each other since ganyan naman talaga pag first chat niyo

"Xylph,halika na magdidinner na tayo" sigaw ni lola sa labas ng pinto ko."opo,susunod na po ako la,wait lang"sabi ko at nireplyan si keanu,ang bilis niyang magreply

Bumaba ako na hawak ko parin ang cellphone ko,ang bait niya pala kachat. Mabait na nga gwapo pa tsk.

"Oh apo,sino naman yang kachat mo at ngumingiti ka diyan mag-isa?" Tanong saakin ni Lola.

"wala naman la,kaibigan ko lang po sa manila,nangangamusta saakin"sabi ko at iwinalsik ko na ang pagpalitan naming pangamusta kay keanu

"Ahh akala ko kung sino, uyy apo katug ug sayo ron ha kay daghan tang lakaw ugma" sabi ni lola at bigla akong naexcite sa sinabi niya na marami kaming lakad bukas

"Talaga la?yes po matutulog po ako ng maaga,si lolo pala la?" Tanong ko sa kanya,kanina pa kasi kami nag-uusap ni lola tas hindi ko man lang nakita si lolo kanina pa

"Excited ka na ba para bukas apo?" Tanong ni lolo sa likod kaya bumalik nanaman ang excitement na namumutawi sa puso ko,simpleng tango at ngiti lang ang itinugon ko sa kanya

"Asa diay ta muadto ugma la?" Tanong ko kay lola kung saan kami pupunta bukas

"Basta apo, I'm pretty sure matutuwa at mag enjoy jud ka" sabi niya na animo'y teenager na excited na excited na gumala,simpleng ngiti nanaman ang ipinakita ko sa kanila at nagpatuloy sa pagkain

Nang matapos kaming kumain,umakyat na ako sa kwarto ko,io-off ko na sana ang wifi nang mag pop up nanaman ang messenger ko,ewan ko pero kinabahan ako,umaasa akong si keanu ang nagchat saakin. At hindi nga ako nagkakamali siya nga ang nagchat saakin,umupo ako sa kama ko at nireplyan siya

Nag usap muna kami saglit saka ko napagdesisyunan na matulog

Kinabukasan

"La,saan naman tayo pupunta?" Tanong ko kay lola na ngayon ay naka sunglass na,si lolo naman ay nasa likuran namin at gaya namin ni lola na nakasunglass din siya,nandito kasi kami sa  ' Sumilon Bluewater Island Resort',sabi ni lola na dito daw muna kami ni lolo sa bench umupo at magbabayad daw muna si lola sa ticket para sa pumboat na sasakyan namin papunta sa mismong island na yun."Excited na ako lo,ano kaya ang kinalalabasan nito"sabi ko kay lolo at di ko talaga maiwasang maexcite,ngayon palang ay excited na excited na ako

"I'm sure matutuwa ka" lolo said and pat my head

"Lo naman!ginawa akong aso" nakapout kong sabi at tinawanan niya lang ako tsk

"So ano na? Dyan nalang ba kayo? " Pataray na tanong ni lola habang nakapameywang pa sa harap namin,pareho kaming natawa ni lolo sa reaksyon ni lola, bigla niya kasi kaming tinaasan ng kilay

Meron din kaming nakasabay na mga foreigner at nagsimula na kaming makinig sa nag oorient sa harap kung ano ba ang dapat gawin pagkadating doon

Nang makarating kami dun agad kaming ineentertain ng mga tourist guide

"Maayong buntag ma'am,sir!ali mo dire ug pangalipay kamo" sabi nung tourist guide na bumati saamin

"Daghang salamat" pagsasalamag ni lola sa tourist guide

Nagpatuloy lang kami sa paglakad. First time kung pumunta dito sa sumilon at hindi ko akalaing ang ganda pala ng ambiance dito sobrang linaw pa ng tubig na ito na tila ba parang Maldives dahil sa linaw ng tubig 

Binigyan kami ng mga tourist guide ng tig iisang life jacket saka kami nagsimulang mag swimming

Tinanaw ko sina lolo at lola na nagsasabuyan ng dagat, ang saya nilang tingnan makikita mo talaga sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa kung gaano sila kasaya dahil hanggang sa pagtanda sila parin ang magkasama

Magiging ganyan ba ako kasaya pagtanda ko?may magmamahal pa nga ba saakin?tsk don't rush things xylph dadating din yan,kaya wag kang excited

Namataan kong nakatingin sila saakin kaya bago pa nila gawin ang nasa isip ko ngayon-ngayon lang ay iniiling-iling ko ang ulo ko at lumangoy palayo sa kanila para hindi nila ako masabuyan, wala kaming ibang ginawa ngayon kundi ang magsabuyan ng tubig dagat

Pagkatapos naming maligo ay napagdesisyunan naming umuwi nalang total pareho kaming pagod sa kakaswimming namin, nag check in muna kami saglit sa isang resort para kahit papano ay makapagpahinga kami

Pagdating namin sa resort agad akong pumunta sa kwarto na chineck inan namin atsaka naligo, pagkatapos ko namang maligo ay agad akong dumapa sa kama at nakatulog na

Nagising nalang ako nung may tumapik sa braso ko

"Apo, mata na kay naa pa tay adtuan" gising sa akin ni lola na para bang siya pa ang excited sa aming dalawa nung sabihin niya yun, pero hindi parin nawawala ang excitement ko kung saan nanaman kami pupunta

"La,saan nanaman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya at nandun nanaman sa mga mata niya ang excitement

"Wala nay lain pa kundi ang Whale Shark Watching" excited na sabi ni lola sa akin

Marami akong nakitang post about sa Whale Shark Watching eh, ito kasi ang pinakasikat na Tourist Spot sa Cebu at base sa nakita ko sa mga post magsswimming sila kasama ng mga naglalakihang buntanding

***

#august 23,2017

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon