Raze Pov:
"I'm going mom,dad" paalam ko kina mommy at daddy na bihis na bihis siguro may meeting sila sa company
Oh well, it's less of my concern since wala naman akong alam pagdating sa business
Pagdating ko sa school wala pang masyadong estudyante, sinadya ko talagang pumasok ng maaga para iwas sa mga babaeng magsisigawan pag dadaan ako
Ayaw ko kasi sa mga babaeng papansin. Hindi ko alam pero naririndi at naiirita ako sa mga babaeng ganyan
Pagdating ko sa room ako pa lang mag isa. Kinuha ko ang yellow pad ko at sinimulang magsulat para sa Chapter 1 namin ni Xylph
Ang swerte ah? Wala syang ambag
Eh kung papuntahin ko nalang kaya sya sa bahay sa Sabado? Nang may ikaambag naman sya para sa research namin
Ano namang gagawin nya dun?
Pero alangan namang di sya tutulong sa akin? Ano sya swerte? Gagraduhan kahit walang ambag?
Pero kaya ko naman to kahit ako lang mag isa eh, I don't need her help istorbo lang sya pag nagsama kami
Di ako makafocus tsk
Hindi ko nalang iyon tinapos at isinilid ko nalang ang yellow pad ko sa bag ko. Dumuko nalang ako sa arm chair ko at nagpapamusic.
Meanwhile dumami na ang mga kaklase kong nagsidatingan. Umayos ako ng upo atsaka tumingin sa labas ng bintana
I missed her
Kailan ko kaya siya muling makasama?
Kailan ko kaya siya muling mayakap at mahagkan?
Miss na miss na kita. Oo nagalit ako dahil iniwan mo ako ni hindi ka man lang nag abalang magpaalam ni kahit isang salita ay wala ka man lang sinabi pero hindi din naman nawawala doon ang katotohanang miss na miss kita at umaasa akong babalik ka pa
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nung marining ko ang lakas ng boses ni Xylph at ng mga kaibigan nya na kakapasok palang dito sa room
Tangina. Nakakarindi kahit naka earphone ako ay rinig na rinig ko pa rin ang naglalakihang mga boses nila
"HAHAHAHAHA iyak ka nyan Xylph? Kaya pala ang tamlay mo nung isang araw ha" pang aasar ni jayelles sa kanya
" Hoy anoba, hindi yun dahil dun parang tanga ka naman Jay" sabi naman ni Xylph
" Eh ano? Dahil sa politics nanaman ba? Sus ang dali-dali lang naman nun eh. Ang sabihin mo nasasaktan ka dahil may girlfriend na si Keanu HAHAHAHHA" si Margaux nanaman ang nang asar sa kanya
Kita ko naman na parang napikon sya
"HOY! TUMAHIMIK KA NGA ILANG BE---" naputol yung dapat sanay sasabihin nya nung napadaan ang tingin nya saakin
Natahimik sya at yumuko dahil siguro ngayon nya pa narealized ang kahihiyang ginawa nya
Tsk
Napailing nalang ako at minax ko talaga ang volume para di ko na marinig ang pinag usapan nila
Dumaan ang mga oras at practical research nanaman namin. Sabi ni Miss na pumunta sa kanya-kanyang partners para pag usapan at mag brainstorm para sa Chapter 1 namin
Nagpanggap naman akong may tinitingnan sa labas ng pintuan para makita sya ng peripheral view ko since yung upuan nila ay nasa likod malapit sa pintuan
Nang mahagip sya ng peripheral view ko ay napansin ko ring panay din ang tingin nya sa gawi ko
Anobayan, hindi ba sya lalapit? Bahala nga siya dyan
" Class, kailangan nyong ma submit ngayong araw na ito ang state of the problem. Naiintindihan nyo ba? Pag hindi nakapass 75" sabi ni ma'am at muling umupo doon sa harap
Kinuha ko nalang ang yellow pad ko total kaya ko namang gawin to without her help
Pagharap ko para sana magsulat ay nakita ko si Xylph na nakaupo sa harap ko
Shit!
"Ahh a-ano ahmm gawa na tayo ng s-statement of the problem" nauutal nyang sabi at di nalang ako tumugon
Nakakainis naman nakakawala sa focus naman to oh
Meron syang sinu suggest pero di valid para sa state of the problem namin since Qualitative Research na kami
Minsan binibigyan nya din ako ng ideas na medyo tumatama din naman kaya gaya kahapon ay kami nanaman ang naunang natapos
Agad naman niyang pinass ang statement of the problem namin at sang ayon naman si Miss sa problem namin
Nakaginhawa ako ng maayos at alam kong sya din. Binigay nya sakin yung statement of the problem matapos iyong inaprobahan ni Miss
"S-salamat" sabi niya at dali dali nanaman syang bumalik sa upuan nya
Umayos na rin ako ng upo at nakining na naman ng music since wala naman na akong gagawin kasi tapos na kami sa statement of the problem
Kamusta na kaya sya?
May jowa na kaya sya?
Ako pa ba ang mahal nya hanggang ngayon?
Bakit kaya sila umalis?
Kailan sya babalik?
Kapag ba bumalik sya, ako parin ba?
Natatawa nalang ako sa mga tanong sa isip ko
Imposible naman kung sa pagbalik nya ay ako parin. Tatlong taon na simula nang umalis sila at maski isang chat, text o tawag ay wala akong natanggap mula sa kanya
Ang sakit sobra. Yung tipong nakikita ko na sya sa future ko, yung tipong akala ko wala nang hadlang sa aming dalawa pero meron naman pala
"R-raze tatapusin ba natin yung significance of the study nga-- t-teka umiyak ka ba?" Shit! Di ko namalayan may luha palang tumulo sa mga mata ko
Tangina, ang wrong timing naman nakita pa talaga ni Xylph tsk
"Proceed ka nalang sa action research and the rest leave it to me" sabi ko at saktong pagtingin ko sa harap ay wala na si Miss
Iniwan ko si Xylph at lumabas ng room
Bakit ba kasi nakita nyang tumulo ang luha ko. Nakakainis naman talaga kasi ih, hanggang ngayon apektado parin ako sa pag iwan nya sakin
***
#dec 23,2017
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Teen Fictionnaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...