chapter 8

161 3 0
                                    

Xylph Pov:

Nakakainis naman, ba't ganto ang nararamdam ko? Ba't ako nasasaktan nung nalaman kong may kahalikan si keanu? Kaibigan ko siya at wala akong karapatan na pigilan sya kung mag girlfriend man sya, labas na ako dun ang role ko lang naman sa buhay niya ay suportahan sya sa mga desisyon nya at iparamdam sa kanya na nandito lang ako sa tabi nya kahit anong mangyari

 
"Uyy girl? Tamlay mo ah? Anyare?" Pag usisa ni Margaux sa akin

Ganito ba talaga ang epekto sa akin ni keanu?  Hindi ko alam basta para sakin kaibigan ko lang sya

"Wala lang to, iniisip ko lang kung anong gagawin namin sa Politics" palusot ko nalang kasi tinatamad na rin akong magsalita. Lintik na politics din kasi iyon, kahit anong gawing pagkinig ko hindi ko maiintindihan ugghh kairita talaga

Iniisip ko pa rin kung magpaparamdam pa ba sa akin si keanu kung gayong may girlfriend na sya?

Eh ganun naman kasi talaga ang boybestfriend eh, nang iiwan kung may girlfriend na

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nung pumasok ang Practical Research teacher namin

"Good morning class, get 1/8 sheet of paper and write your name on it. Bubunot ako ng tig dalawang papel at kung sino ang mabunot ko yun na ang partner nyo for the first semester" Anobayan di pa nga ako tapos sa Politics may practical research nanaman kainis

Agad naman kaming naghati ni samantha sa 1/4 nya at sinimulang  isulat ang name namin

Pagkatapos nun ay agad  din naming ipinasa kay Miss Fortalejo at kinakabahang bumalik sa upuan ko

Sana man lang kahit isa lang sa kaibigan ko ang maging ka partner ko

Nagsimula ng pumili si ma'am, sa bawat banggit nya ng mga pangalan hindi yung pangalan ko ang lumalabas putek, wag sana akong mapunta sa kapares na pabuhat

"Swayzeliana Xylph Cruz at Raziel Ace Zylex Ethan Acosta" taena? Pinaglalaruan mo ba ako tadhana? Pilit ko ngang iniiwasan ang taong yan kasi sa tuwing magkalapit kami bumibilis ang tibok ng puso ko at sa tuwing magtama ang mga mata namin para akong hinihigop ng mga singkit nyang mga mata para titigan sya

Nakakainis talaga! Ang galing din naman pala mag timing si Miss

Nagpatuloy pa si ma'am sa paghanap ng kapares at buti nalang pala talaga ay wala niisa sa aming magkakaibigan ang magkapares

HAHAHHA buti nalang talaga

"Since na discuss ko naman sa inyong lahat kung ano ang dapat nyong gawin sa research nyo, gusto kong mag isip kayo ng isang research title na relevant lang sa school and after nyong makaisip ng research title isubmit nyo sa akin para ma correctionan ko kayo, naiintindihan nyo ba? Okay, it's settle then proceed to your partners" sabi ni ma'am at kanya kanya naman sila ng punta sa mga partners nila

Tiningnan ko naman yung partner ko at putek anobayan nakaupo lang sya

Wala ba syang plano sa PR namin, anobayan wala akong choice kundi ako nalang ang lalapit sa kanya

"Ahmm h-hi, so a-ano nga pala ang r-research title natin?" Yatis anobayan nauutal pa ako, eh panu ba kasi nakatitig lang sya saakin. Di pa naman ako kumportable pag nagsasalita ako tapos may nakatitig sa akin anobayan

"Leave it to me I can handle this" ay taray sanaol matalino

Umupo nalang ako sa harap nya at tiningnan syang mag isip ng pang research title namin

Putek! Anobayan ang gwapo nya naman tabang Lord

"Done checking me out?" Natauhan lang ako nung nagsalita sya ay yatis naman oh, di ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya

Nakakainis kasi hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya huhu

"Kapal" bulong ko nalang at nag iwas ng tingin

Tumayo sya at pumunta sa harap para ipasa ang research title namin jusko wala man lang akong naiambag, di ko nga rin namalayang tapos na pala sya mag isip sa research title namin eh

Bumalik sya dito na hindi parin nababago ang reaction ng mukha nya, anobayan hindi ba uso sa kanya ang ngumiti

"Anong sabi ni Miss?" Tanong ko sa kanya

"Okay na" sabi nya at binigay nya sa akin yung research title namin

Yatis ang hirap naman ng title na naisip nya anobayan, di ko naiintindihan atsaka di ako makarelate

Since kami ang naunang natapos sa research title namin ay agad akong bumalik sa upuan ko at tiningnan yung mga kaklase kong tila ba'y di alam kung anong research title ang ipa-pass nila ni Miss

Buti nalang pala talaga matalino ang partner ko, yun nga lang wala akong ambag at di ko alam kung anong isasagot ko pag oral defense na juskolord tabang

Nang matapos kaming lahat sa pagpakita ng research title namin Kay Miss ay inanunsyo naman nya ang Chapter 1 na dapat naming matapos sa loob lamang ng isang linggo atsaka lumabas na sya, jusko what to do ba kasi eh hindi naman sa lahat ng panahon iaasa ko kay raze yung research namin

Nang lumabas na si Miss ay lumapit ulit ako kay raze at tinanong kung anong gagawin namin

" Ahm r-raze kailan natin gagawin yung chapter 1? D-diba dapat may approval kay Miss tsaka natin i comply yung chapter 1 at para na rin maka proceed tayo sa chapter 2" tanong ko sa kanya at agad naman syang tumingin saakin

Putek anoba, bumibilis nanaman tuloy ang tibok ng puso ko sa paraan kasi ng pagtingin nya ay parang nagsasabi na manahimik ka nalang dyan at ako na ang gagawa

Tinititigan nya lang ako kaya napaiwas ako ng tingin jusko naman

"Ahh HAHA s-sige tawagin mo nalang ako pag kailangan mo ng tulong" sabi ko at bumalik sa upuan shems anobayan self, ba't ba apektado ka sa kanya

***
#dec 23,2017

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon