Raze Pov:
Ang tagal nya naman sa study room, parang kukuha lang ng naiwan nyang gamit eh
Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina na masigawan sya. Ni hindi ko alam kung bakit ko yun naramdaman, kung bakit biglang kumulo ang dugo ko dahil sa nabasa ko sa cellphone nya
Yung pakiramdam na may pag mamay-ari ko na kinuha mula sa akin. Hindi ko gusto ang feeling na yun kaya sumabog na ako at sya ang napagbuntungan ko ng galit
Gumawa palang kami ng research ay nahahalata kong panay ang tingin nya sa cellphone nya. Yung parang may hinihintay syang message na hanggang ngayon ay hindi parin sya nirereplyan, palagi din syang nagchecheck sa oras yun bang pakiramdam na meron syang hinahabol
Aminado naman talaga akong nakokonsensya ako nung nasigawan ko sya dun sa study room. Hindi ko kasi napigilan ang sarili kong mainis dahil ang kulit-kulit nya.
Ang pinakaayaw ko naman sa lahat ay yung may gagawin akong importante tas may nagdidisturbo sa kin, nakakawala ng gana
Nung lumabas sya may nagchat sa kanya hindi ko nalang sana papansinin kasi alam ko naman ang salitang privacy pero hindi ko nanaman ulit napigilan ang sarili kong ma curious lalo na't tinadtad sya ng message
Tumingin muna ako sa pinto baka sakaling dumating sya at mahuli nya pa akong pinakialaman ang cellphone nya
Kinuha ko ang cellphone nya and thank God wala iyong password kaya nabasa ko yung chat nung Keanu na yun
Keanu: hi good morning beautiful
Keanu: uyy gising na
Keanu: pagkagising mo kumain kana agad ha? Wag papalipas ng gutom
Keanu: ay oo nga pala may pupuntahan pala kayo ni Liam
Keanu: mag ingat kayo ha?
Keanu: kahit nakakainggit kasi ikaw ang kasama nya, tatanggapin ko nalang charot HAHHAHAHA
Keanu: can't wait to see you soon, my bestfriend
Sino nanamang Liam yun? Yun ba yung nabanggit nya na pinuntahan nya kaya di nya agad nasagot ang tawag ko?
Wtf!
Kaya pala parang nagmamadali sya kasi may kikitain pala syang lalaki. Putangina ang landi mo Xylph
Kaya pala atat na atat ka at panay ang tingin mo sa cellphone mo, buti nalang mas inuna mo pa ang project natin kesa panlalandi mo
Putangina talaga!
Magbabackread na sana ako nung marinig kong umiyak si Fatima, dali-dali akong lumabas at nagmamadaling maglakad malapit sa bukana ng hagdan kung saan nandun ang kapatid ko na nakasalampak sa sahig habang si Xylph nakatayo lang
Mas lalong umusbong ang galit ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito na nakita kong umiyak ang kapatid ko o dahil sa nalaman kong may kikitain sya pag natapos kami sa Practical Research namin
"M-may hinihintay ka ba?" Bigla akong nakabalik sa reyalidad nung may nagsalita sa harap ko
" Paki mo?" Sabi ko at inirapan sya tsaka nagpamaunang bumaba sa hagdan naramdaman ko namang sumunod sya sakin
Pagdating namin sa dining area agad nagpaalam si Xylph kina mommy at daddy nandun din pala yung apat na kapatid ko naglalaro
Lumapit ako sa kanila at hinalikan ko sila sa pisngi isa-isa pagtingin ko naman kay Xylph nakatingin na din pala sya sakin, agad naman akong napaiwas ng tingin dahil nahahalata ko ring gusto kaming iship ni mommy
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Teen Fictionnaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...