Xylph Pov:
Pumunta si lola sa loob ng resort at nagbayad para sa whale shark watching. Until now di parin ako makapaniwalang panonoorin namin ang shark. Iisipin ko palang naninindig na ang balahibo ko sa kaba na baka kainin nila kami. No ayoko pang mamatay gusto ko pang mahanap ang kaforever ko
"Ayaw kahadlok apo. Kasama mo naman kami ng Lola mo eh hindi ka namin pababayaan" pilit pinapalakas ni lolo ang loob ko,pero gaya kanina kinakabahan parin ako. Nginitian ko nalang siya sa sinabi niya at mas lalong dumoble ang kaba ko nung paparating na si lola
"Let's go,magbibihis muna tayo" sabi ni lola at nagpamaunang naglakad,dala-dala niya ang swim gear naming tatlo,pumasok kami sa resort at may fitting room pala dun,nagbihis na kami ng swim gear.
Pagkatapos nun ay may naglead saamin na pumunta sa may daungan,at doon ko nakita ang naglalakihang mga butanding! Juskolord makakalabas kaya kami ng buhay nito?
"Welcome to the whale shark watching ma'am,sir" sabi nung taga-assist habang ngumiti saamin,sinuklian lang siya nila lolo at lola ng ngiti,pero hindi parin ako kumbinsido,natatakot at kinakabahan ako sa mga oras na ito
"Ahmm kuya mamaak nang eho-a?" Tanong ko kay kuya kung nangangagat ba ang mga butanding
"ayaw kabalaka ma'am kay di na sila mamaak" sabi ng taga assist na wag daw akong mag alala at hindi nangangagat ang mga butanding
" ahh sige,daghang salamat kuya"pagsasalamat ko kay kuya at sumunod kela lola na hindi pa nakakalayo,sinuot na namin yung goggles at nagsimula na kaming tatlo na lumusob sa ilalim ng dagat
Paglublob palang ng paa ko ay di ko nanaman maiwasang matakot,tiningnan ako nina lola at lolo,na para bang ini-encourage nila ako sa pamamagitan ng tingin lang, pilit kong iwinaklis ang takot na nararamdaman ko at lumusob sa ilalim,nakita ko sina lolo at lola sa ilalim
May biglang lumapit sa akin at halos kapain ako ng hininga kahit naka-oxygen naman ako nung napagtantong may malaking shark sa gilid ko. Parang nakalimutan ko nang huminga sa oras na ito,parang nawala na ako sa ulirat ko at tanging nasa isip ko lang ngayon ay 'baka patayin niya ako' mas lalo akong nagulat nung isubsob niya ang balat niya sa katawan ko,gusto kong tumili sa takot at kaba pero nakalimutan kong once na tumili ako baka makaposan ako ng hininga dahil naka-oxygen ako,tiningnan ko sina lolo at lola pero tulad ko ay may lumapit din sa kanilang butanding,nagulat ako nung napatingin ako sa gawi ni lola,hinimas-himas niya ang ulo ng butanding at para ding nagustuhan ito ng butanding,nagthumbs-up sa akin si lola at tinuro ang butanding sa gilid ko,na para bang sinabi sa mga mata niya na gayahin ko siya
Nanginginig at dahan-dahan na inangat ko ang kamay ko at ginaya ang ginawa ni lola. Nung napanatag ako ay mas lalong isiniksik ng butanding ang sarili niya saakin, di kalaunan ay parang naging kumportable na ako. Nagulat muli ako nung pumunta siya sa ilalim ko at pilit akong pinapasakay sa ibabaw niya,wala akong magawa kundi kumapit sa katawan niya nung maisakay na niya ako,ang sarap sa feeling na para bang nakahinga na ako ng maluwag,tumatalon-talon siya at syempre damay ako kasi nakasakay ako sa kanya,lumangoy siya papalayo sa dalampasigan at enjoy na enjoy naman akong nakasakay sa ibabaw niya
Nakakapagod ang araw na ito pero worth it kasi ang saya ko,ang dami kung ngiti at tawa sa araw na ito,nang matapos kasi kami sa whale shark watching kanina ay bumalik kami sa resort na chineck inan namin at nag impake. Plano nanaman kasi ni lola na pupunta kaming city at mag sshopping
Sumakay na kami sa kotse at habang nasa byahe ay nakaidlip ako
Nagising nalang ako nang maramdaman kong huminto ang kotse na sinasakyan namin. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nandito pala kami sa SM seaside
![](https://img.wattpad.com/cover/114096136-144-k881734.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Teen Fictionnaranasan mo na bang maging ONE-SIDED LOVE? Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman gusto? Ang gulo no? Yung taong gustong-gusto mo may gusto na iba at yung nagustuhan naman ng taong gusto mo may gusto din sa taong nagkagusto...