chapter 11

188 3 0
                                    

Raze Pov:

Nang makita ni Xylph na may tumulong luha sa mga mata ko ay lumabas ako para bumili ng mineral bottled water sa cafeteria since wala naman akong choice na pag iistayhan umakyat ako sa rooftop para lumanghap ng simoy ng hangin

Siguro dito walang mang iistorbo sa akin napakasarap pa ng ambiance ng lugar na ito tsaka class hour pa naman wala pa naman sigurong mga estudyante ang aakyat dito

Nakadungaw ako sa baba, nakakalula sa baba pero buti nalang talaga wala akong fear of heights

Kinuha ko yung earphone at cellphone ko para makinig ng music total matagal pa naman ang oras para sa sunod na klase pwede pa sigurong magrelax muna kahit saglit

Habang nakikinig ako ng music bigla nanamang pumasok sa isip ko si zani

Nakakainis miss na miss ko na talaga sya, kung alam ko lang talaga kung nasan sya ngayon edi sana matagal ko na syang pinuntahan edi sana din magkasama na kami ngayon ng masaya

Natigil ako sa pagmuni-muni nung may nag vibrate sa bulsa ko

Shit! Sino nanaman kaya ang tumawag

Pagtingin ko sa cellphone ko unknown number tas hindi taga pilipinas nagmula ang number na ito

Sinagot ko nalang kasi nakapang ilang missed calls na pala sya di ko man lang napansin

"Who's this" sagot ko pero wala man lang sumagot

Prank call ba to?

"I said who's this? Where did you get my number" sabi ko pa pero still wala pa ring imik ang nasa kabilang linya

Pinaglalaruan ba ako nito?

"Just a waste of time" sabi ko at ibababa ko na sana ang cellphone nung magsalita ang nasa kabilang linya

"I miss you" natigilan ako sa narinig ko

This can't be, it's been 3 years since wala syang paramdam sa akin at sa tuwing kino contact ko sya ay out of coverage area sya

"Z-zani" alam kong sya to, boses palang nya ay alam na alam ko

Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses nya kahit tatlong taon ko na iyong hindi nariring

"R-raze" nauutal na sabi nya

"Z-zani b-bumalik ka na p-please


Umiwas ako ng tingin at muling pinagmasdan ang nagagandahang bulaklak. Naramdaman kong tumabi siya sakin pero hindi ko nalang siya pinansin

"Hayysss,miss ko na siya. Kamusta na kaya siya no? May babae na sigurong nagpapasaya sa kanya ngayon? Nakalimutan na niya kaya ako? Sana naman hindi,kasi ako? Hinding-hindi ko siya makakalimutan" biglang sabi niya kaya pinahinaan ko ang volume para makinig sakanya!ewan ko kung bakit nakikinig at nacucurious ako sa ikweninto niya kung pwede namang umalis ako sa tabi niya at iwan lang siya basta-basta. Pero kasi may nagsalita nanaman sa kaloob-looban ko na 'stay put at makinig ka sa kanya'. Hindi ko siya kilala pero sa puso't-isip ko parang kilalang-kilala ko na talaga siya

"Anim na taon na ang nakalipas pero sariwang-sariwa parin sa isip ko yung mga ala-ala namin,kung pano siya nangako nung birthday ko na 'ako lang,ako lang ang tanging babaeng magpapasaya sa kanya at kasama niya sa pagtanda niya' nangako siya na kahit anong mangyari nandito lang siya sa tabi ko,kahit na paglayuin man kami ng tadhana. Nangako siya na 'papakasalan niya ako,na kahit magkahiwa-hiwalay man kami ay hahanapin niya ako at ako lang ang gusto niyang makitang naglalakad sa simbahan papunta sakanya' pero HAHAHAH hindi na siguro mangyari yun,iniwan ko kasi siya ng walang paalam eh,kahit nga ako hindi inaasahan ang biglaang pag-alis namin eh. Mga alas singko na nun at may usapan kami ng lalaking mahal ko na sa bukas na bukas nun ay sasabihin namin sa mga parents namin na 'ipapakasal kami pag naging dise-otso na ako' HAHAHAHA ang bata pa no? Pero kasal na ang iniisip namin? Hahaha imagine? 9 yrs.old pa ako nun tapos siya 10 yrs.old palang? HAHAHAHA ganun siguro, kapag mahal niyo ang isa't-isa wala kayong ibang inisip kundi ang maging kinabukasan niyo. Ewan,pero nagdodoubt na kasi ako sa mga parents ko,balisang-balisa sila at hindi nila alam kung ano ang gagawin nila. Hindi ko nalang sila pinansin dahil wala naman akong kaide-ideya nun HAHAHA. So yun nga? Lalabas na sana ako para sana puntahan siya pero pinigilan ako ni mommy and daddy,sabi nila na magbihis na ako at pupunta kaming U.S sa ayaw at sa gusto ko. Wala akong choice kundi ang sundin sila. Hindi ako nakapagpaalam man lang sa kanya,alas dyes na daw ang flight namin kaya agad kaming pumunta sa airport, Sising-sisi ako nung nasa airport na kami kasi hindi ko man lang naisip na kahit saglit lang ay magpaalam ako sa kanya. Hindi ko alam kung nakahanap na ba siya ng bagong babaeng bubuo sa pagkatao niya. Pero kung sakaling wala pa at naghihintay siya sakin ay buong-puso akong magpapaliwanag sa kanya. Miss na miss ko na siya,namimiss niya rin kaya ako? Gaya ng pagkamiss ko sakanya? Sa anim na taong yun ay wala akong hinahangad kundi ang oras ng aking mga magulang at ang makita ulit ang lalaking mahal ko. At ngayon,bumalik na ako,tatanggapin niya parin kaya ako at makikinig pa kaya siya sa mga explanasyon ko? Hayysss sa palagay mo? Pakikinggan niya ka--- hala! Hala! Bakit ka umiiyak? Sorry ha? Nilabas ko lang kasi ang hinanakit ko sa estranghero. Sorry tala---bwaaacckkkkk" hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit na sa sobrang higpit ay hindi na siya makahinga. Hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap ko sakanya at doon humagulhol ng iyak sa balikat niya.

T_T

'Miss na miss ko na siya,miss na miss na kita zan'

Nung tinapik niya ako ay saka ko niluwagan ang pagyakap ko sakanya at dahan-dahang pinaharap saakin. Nandun parin sa mga mata niya ang naguguluhan at nagtataka kung bakit ko siya niyakap nalang basta-basta

"I miss you zan" lumaki ang mata niya sa sinabi ko at may namumuo na luha agad sa mga mata niya. Hindi siya makapaniwala na yung taong kwinentuhan niya ng saloobin niya tungkol sà lalaking mahal niya ay siya pala yung lalaking mahal niya

"R-raze?" Nauutal niyang tanong sa pangalan ko at agad namang pumatak ang luha niya,pinunasan ko yun gamit ang labi ko saka ko siya hinalikan sa noo at sa ilong. Umayos ako ng upo saka ko hinawakan ang magkabilang pisnge niya at hinalikan siya sa labi.

'Doon ko nararamdaman ang libo't-libong boltaheng bumulatay sa pagkatao ko'

Hinalikan ko siya ng pagkatagal-tagal. Nakasteady lang ang labi namin at hindi namin yun ginalaw

'Hinalikan ko siya habang tumulo ang luha namin pareho'

Nagpapatunay na sobrang miss na miss namin ang isa't-isa

***
#january 13,2018

Wooohhhh,3rd periodical test na namin sa lunes jan.15,2018. Malapit na ang moving up namin

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon