chapter 15

106 2 0
                                    

Xylph Pov:

Maaga akong nagising hindi dahil excited akong makita si Raze kundi dahil wala akong maisasagot. Ano ba kasing utak to pag si Raze na kasi ang kaharap namemental block

Naligo na ako at nagbihis, naka oversized black plain t-shirt lang ako tas maong shorts pinaresan ko din ng white sneakers. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong humarap sa salamin at chineck ang mukha ko, pagkatapos kong mapagtanto na ayos lang ang itsura ko at need lang ng kunting lip balm.  Isinilid ko naman ang laptop ko at mga importanteng papel na gagamitin namin para sa PR namin

Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa kwarto ni Liam, pagdating ko dun tulog pa sya

Hinalikan ko nalang ang noo nya at nagpaalam kahit na tulog sya, pagkababa ko naman ay sinabihan ko ang yaya ni Liam na umalis na ako at babalik rin ako kaagad, umoo naman sya kaya dumiretso na ako sa kotse namin para magpahatid kay manong Dan sa coffee shop na napagkasunduan namin ni Raze magkita

Time check it's 8:54 am, na late kasi ako ng gising kasi late na rin akong natulog siguro mga 11 na yun. Nagsearch pa kasi ako para sa source namin ni Raze, para naman kahit papanu may ikaambag ako

Pagkababa ko ay sakto ding pagkababa ni Raze sa kotse niya

Shit lang! Ang cool nya pagbaba nya nakashades kasi sya at nagpalinga-linga pa sa paligid nya at nung magtama ang tingin naming dalawa ay nag smirk lang sya

Fuck! Ang cute tangina

Tumingin sya sa akin at sa kotse nya, parang nagpapahiwatig na sumakay ako sa kotse nya

Luminga-linga pa ako kasi baka di ako yung kausap nya, hinubad nya naman yung shades nya at fuck parang nag slow mo sya nung hinubad nya ang shades nya, nawala ang tao sa paligid namin at parang kaming dalawa lang ang tao na nasa labas ng coffee shop

"Para kang tanga" hindi ko tuloy napansin na nakalapit na pala sya sakin

"A-ahh tara na sa loob" tukoy ko sa coffee shop at nagpamaunang pumasok pero tinawag nya ako

"Seriously? Sa coffee shop? Diba sabi ko naman sayo kahapon na sa bahay tss" sabi nya at pumasok ulit sya sa loob ng kotse nya

Naiwan akong nakanganga at di alam ang gagawin kung papasok ba ako sa kotse nya o magtatricycle nalang, nakaalis na kasi si Mang Dan na di ko rin naman pala namalayan tsk

Bumalik ako sa wisyo nung bumosena sya sa harap ko, para tuloy akong nabingi

"Tatayo ka lang ba dyan tsk, sakay" sabi nya at sinara ulit yung bintana ng kotse nya

Pumunta naman ako sa passenger seat at umupo na, ang bango naman pala talaga ng kotse nya.  Nakakainlove

Buong byahe ay walang nagbabalak na magsalita sa amin. Sobrang tahimik na tila ba may boundary sa pagitan namin

Mahina lang sya magpatakbo kaya mga 15 minutes ay tumigil na yung kotseng sinasakyan namin sa harap ng napakalaking gate

Bumosena sya kaya agad naman iyong binuksan ng guard nila. Pagpasok namin ay pinatay na nya ang makina at lumabas na sa kotse nya, akala ko iikot sya para pagbuksan ako pero nagkibit balikat nalang ako nung dire-diretso lang sya na walang lingon-lingon sa akin

Sabi ko nga, gentledog sya tsk

Paglabas ko sa kotse nya ay inikot ko ang paningin ko sa lawak at laki ng bahay nila. Kita agad yung garden nila, ang ganda tingnan owemji ang daming iba't ibang klaseng bulaklak na nakapalibot sa garden nila may mga hanging plants din tapos sa dulo nun ay may malaking swimming pool din, may slides yung pool nila tas may pangbata rin tapos sa gitna ng pool may maliit na bridge uwuuu ang ganda talaga

"Ano ba, tatayo ka lang ba dyan" natauhan nalang ako nung biglang nagsalita si Raze animoy galit na galit

Tumakbo ako sa gawi nya at tumabi sa kanya para sabay na kaming pumasok sa bahay nila. Owemji nahihiya ako, baka nasa loob ang parents nya at baka kung ano pa ang isipin nila

Pagkabukas ng main door nila ay agad bumungad sakin ang napakalaki din nilang hagdan, nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay nila at sheems triple pala talaga ang laki nitong loob ng bahay nila kesa sa labas, kung titingnan mo ay di mo pa agad makikita yung dining area nila kasi may sliding door ka pang dadaan tsaka mo pa marating yung dining area nila, sa kabilang gilid din naman ay may sliding door ka pa ding dadaanan pero di ko na alam kung ano ang nasa loob nun kasi dumiretso na kami papuntang dining area nila.

Alam ko namang dining area iyon dahil makikita naman agad pagkapasok mo sa main door kung ano ang nasa loob ng sliding door kasi glass yung sliding door nila

Napabuntong hininga naman ako kasi hindi ko nakita yung mommy at daddy ni Raze

"Upo ka muna, pababa na sila" muling bumalik ang kaba ko dahil sa sinabi ni Raze, yung puso ko parang lalabas na puta

Anong sasabihin ko? Baka iisipin nila na jowa ako ni Raze putek naloko na talaga

"Kumalma ka nga dyan tsk" nahalata siguro ni Raze na hindi ako mapakali at pinapawisan ng malamig samantalang sya relax na relax na nakapang dekwatro habang nagcecellphone

Pweee! Palibhasa bahay mo to tangina mo ka

"A-ahh Raze, p-pwede bang s-simulan na natin? Nag p-promise kasi ako kay Liam na mamasyal k-kami pagkauwi ko" nung sabihin ko yun agad syang tumingin sa akin na nakataas ang kilay

"Uunahin mo pa yang date nyo kesa sa PR natin, eh alam mo namang pasahan na sa lunes tsk" umirap pa sya nyan pagkatapos nya iyong sabihin sakin! Tangina

"Baka m-magtampo pa yun sa----" di ko na natapos ang sasabihin ko nung itinaas nya ang kamay nya at sumenyas sakin na manahimik na ako

"Pababa na sila mommy ako malalagot nun kung aalis tayo dito" ano? Aalis? San naman kami pupunta? Akala ko ba sa bahay nila kami gagawa?

"Hey Xylph" agad naman akong napatuwid ng upo nung marinig ko yung malambing na boses na yun

Tatayo na sana ako nung dinamba agad ako ng yakap sa magandang babaeng nasa harap ko

"Mom, stop it" awat naman ni Raze pero di nagpatinag ang mommy nya

"I missed you" bulong sakin ng mommy ni Raze na nakapatayo ng balahibo ko, she missed me? Why? Ngayon ko palang sya nakita at sigurado naman akong ngayon nya palang din ako nakita since kakatransfer lang din ni Raze sa school namin

Nang kumalas na sya ay agad naman nyang pinunasan ang luha na pumatak sa mga mata nya. Why is she crying? Nagugulohan ako atsaka panu nya ko nakilala? Ahh siguro sinabi ni Raze na dadating ako

"I'm sorry, na carried away lang ako naaalala ko kasi yung best friend ko at ang anak nya" natatawang sabi nya habang pinupunasan ang mga luha nya

"Okay lang po" pilit akong ngumiti kasi naawkwardan ako sa mga ikinikilos nya

"Hey son, ba't di mo bigyan ng mainumin tung girlfriend mo" lumingon naman ako sa nagsasalita na nasa likod ng mommy ni Raze at sheyt ang gwapo din naman pala talaga ng daddy ni Raze, magkamukha din sila ni Raze pero si Raze masungit at suplado pero itong daddy nya clingy tas mahilig manukso

"Si daddy, di ko nga sya girlfriend tsk" nakakunot na noo na sabi ni Raze

"Ahh w-wag na po sir, may gagawin pa kasi kami eh" sabi ko at hilaw na ngumiti kaya nasa akin nanaman yung atensyon ng mommy at daddy ni Raze at sa paraan ng tingin nila ay para silang nanunukso, agad ko namang narealize yung sinabi ko kaya palihim kong kinurot ang kamay ko dahil sa kahihiyan, pakiramdam ko namumula ang pisngi ko dahil baka namisinterpret nila yung sinabi ko

"Tara na nga Xylph ng matapos na tayo" masungit na sabi ni Raze at nagpamaunang naglakad palabas sa sliding door nila. Magpapaalam na sana ako na sundan ko si Raze nung niyakap ulit ako ng mommy ni Raze

"Pagpasensyahan mo na si Raze ha? Di ko nga alam kung bakit ganyan ang trato nya sayo dati pa" mahina yung pagkasabi nya nung last part kaya di ko nalang pinansin, ngumiti lang ako at sinabing okay lang kahit di naman talaga

Muli akong ngumiti at nagpaalam na ako sa kanya na sundan si Raze, baka maligaw pa ako eh ang laki pa naman nitong bahay nila

***
April 24, 2018

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon