Chapter 4: Trust Him

13.7K 500 62
                                    

Chapter 4: Trust Him

Nicole Jane’s POV

Naalimpungatan ako nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Wala sana akong balak na intindihin ito. Pero tila wala ring planong tumigil kung sino man ang nang-iistorbo sa ‘kin ngayon.

“Sandali!”

Tinatamad na bumangon ako at kinusot ang aking mga mata. Nang makatayo ay agad kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang kung sino man na nasa labas nito.

“Ano ba ang—” I didn’t able to finish my sentence because Mikan suddenly hugs me.

“What the? Lumayo ka nga sa ‘kin!” Mabilis ko siyang naitulak at mabuti na lang ay bumitiw rin siya agad.

“Grabe naman makatulak! Samantalang ikaw na nga ‘tong bagong gising at hindi pa naliligo riyan.” She pouted, then went ahead on her own inside.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang dumiretso sa kama ko at humiga.

Akmang hihilahin ko siya paalis nang mapatingin ako sa bilog na orasan na nakasabit sa dingding. Napasinghap ako nang mapansin na pasado alas syete y medya na pala ng umaga. Alas-otso ang time namin!

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at pumasok sa banyo. I can’t believe that I took a shower for only five minutes!

Pagkatapos kong mag-asikaso ay ako na mismo ang humila kay Mikan palabas. Pero agad rin akong napahinto nang may bigla akong maalala.

Pabalik na sana ako nang mahigpit niya akong hinawakan sa braso.

“Ito ba ang nakalimutan mo?” Inikot-ikot niya sa harap ko ang bracelet na ibinigay ni Butler Lin.

“Akin na nga ‘yan! Paano napunta sa ‘yo ‘to?” nagdududa kong tanong sa kanya. Inilabas ko ito kagabi bago mahiga para hindi ko makalimutan.

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay. “Relax. Nakita ko lang ‘yan kanina sa ibabaw ng mesa mo. Naisip kong kunin para ako na mismo ang magbigay sa ‘yo dahil baka mamaya ay hindi mo na naman isuot,” she explained while I was putting it on.

Hindi na lang ako nakipagtalo pa at dali-dali na kaming tumakbo patungo sa classroom namin. Late na kami kahapon at ayoko ng maulit ‘yon ngayon.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa pagbukas ko ng pinto ay hindi ko pa namataan si Sir Martin. Agad kaming dumiretso sa dulo at naupo. Sakto lang ang dating namin.

Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Martin. Tahimik lamang akong nakinig nang magsimula na siyang magturo.

Ngunit naistorbo ang klase namin nang bigla na lamang kumalabog pabukas ang pinto.

Napatingin kaming lahat sa mga bagong dating. There are four of them. But the one who seems to lead the group is...

Kyle!

I heard Mikan gasped beside me. “Oh, my! He’s really back.”

Tatanungin ko sana siya kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya nang mapansin ko ang biglaang pagyuko ni Sir Martin. Inilibot ko ang tingin at ganoon din ang ginawa ng iba pa naming mga kaklase.

“Welcome back, Prince Kyle.”

Para akong napako sa kinauupuan ko nang dahil sa narinig. Ni hindi ko nga magawa ang kumurap man lang.

Is he really a prince?

The four of them started to walk inside with confidence and authority, as if they’re the ones who rule the world and no one could ever go against them.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon