Chapter 25: Student’s Night
Nicole Jane’s POV
I immediately sprawled on my bed and close my eyes the moment I entered my room. I feel so drained and exhausted.
“Hey, Nicole Jane Parker! Don’t sleep yet!”
Mikan pinched both of my cheeks, but I didn’t budge. My bed feels like heaven that I can just stay here forever and sleep the hell out of it.
Nanatili lang akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko ang paggalaw ng kutson. Napangisi ako. Mukhang napagod rin ang babaeng ‘yon sa kakakulit sa ‘kin.
Exam week has just ended. Isang linggo rin akong zombie mode dahil madalas na wala akong tulog nang dahil sa pagre-review. Ni hindi nga rin kami masyadong nakapag-usap at nakapag-bonding ni Kyle at ng iba pang royalties nitong mga nakaraang araw.
Unti-unti na akong nilalamon ng antok nang biglang...
“Gigising ka ba riyan, o mabibingi ka?”
Napabalikwas na lang ako ng bangon nang marinig ko ang malakas at nakakairita niyang boses. Sensitibo pa naman na ang tainga ko sa ingay ngayon.
“What the hell? Where did you find that thing?” I glared at her, then to the microphone that she’s holding. Kaya pala halos mabasag na ang eardrums ko dahil talagang tinutok niya pa ito sa mismong tainga ko.
Bago pa siya makasagot ay bigla na lang sumulpot ang humahangos na si Steph sa pinto.
“Nicole, anong nangyayari rito?” Dali-dali pa siyang lumapit sa ‘kin para suriin kung ayos lang ba ako.
Napansin ko naman ang biglang pangungunot ng noo ni Mikan. Mukhang naguguluhan siya sa ginagawa ni Steph.
With that, I gave Steph a warning look. Mabuti na lang at nakuha niya agad ang gusto kong iparating at natatawa na lumayo sa ‘kin.
“Pasensya na. Nakarinig kasi ako ng mga sigawan dito kaya akala ko ay kung ano na ang nangyayari,” pagdadahilan niya.
“Oh. Okay. No worries. Ganito talaga kami maglambingan ni Nicole.” Mikan smiled at her.
I rolled my eyes and throw myself on the bed again. But I grunted when she continued her rants.
“Nicole, get up! There’s a party at the function hall later, and we need to come.” Niyugyog niya pa ang balikat ko.
“Just leave me alone, Mikan. You can go if you want. Just don’t drag me with you,” I said in tired and sleepy voice.
Ilang minutong katahimikan ang dumaan. Unti-unti na ulit akong nilalamon ng antok nang biglang...
“You’ll go to the party and that’s final.”
Napamulat ako bigla ng mga mata. Then there I saw Kyle and the other royalties standing in front of our door.
Please, I just want to get some sleep! Ano ba ang mahirap intindihin doon? Palibhasa mga hindi sila natutulog!
“No. I won’t go to the party and that’s final.”
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at pumikit. Gusto kong matulog at walang makakapigil sa ‘kin.
Not even them or him.
***
Fine. I know that I won’t win against all of them.
Humihikab na inabot ko ang baso ng cocktail drink ko. I used to go to the parties before, but not when I totally need a sleep.
BINABASA MO ANG
Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓
Vampire• Marrying the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #1 • Wattys2018LongList • Soon To Be Published Under Immac PPH Nicole Jane Parker is an incoming grade twelve student who lives in luxury and enjoys her freedom as much as she can. But ev...