Chapter 46: Captured
Nicole Jane’s POV
“Take my hand,” may riin niyang utos.
Hindi ko maaninag ang mukha niya. Kaya naman ay nag-aalangan pa akong abutin ang kamay niya noong umpisa. Pero nang marinig ko ang pamilyar na boses na nag-uudyok mula sa likod ko ay mabilis kong inabot ang kamay niyang nakalahad sa ‘kin.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko lang ay nasa tabing dagat kami at napapaligiran ng kaliwa’t kanan na labanan.
“We shouldn’t run. We have to face them,” I shout at him.
Napailing naman siya. “No! I won’t let them take you away from me again.” He grimaced. “Don’t worry. I’ll just make sure that you’re safe before I face them.” Mahihimigan ng pagbabanta ang bawat salitang binigkas niya kaya hindi na ako umimik pa. Isa pa ay wala na rin naman akong lakas para tumutol pa.
Pero napatigil ako nang biglang manghina ang tuhod ko. I just can't run any longer.
“Nicole! Shit!” Mabilis niya akong dinaluhan at binuhat.
Gusto kong magsalita pero nanghihina na talaga ako. Pati ang paningin ko ay nanlalabo na at patuloy rin ang pag-agos ng dugo mula sa tagiliran ko.
What the hell is happening to me? Ganito ba ang epekto ng kutsilyong 'yon sa ‘kin? What's with that knife? Ramdam ko na may kung anong kumakalat sa katawan ko magmula ng masasaksak ako kanina.
“Hanggang diyan na lang kayo.”
Ramdam ko ang pagbigat ng hininga ng bumubuhat sa ‘kin nang may biglang sumulpot sa harap namin. Pilit kong inaaninag ang mukha niya. Pero tanging ang malademonyong ngisi lang sa mga labi niya ang nakikita ko.
Napamulat ako nang maramdaman na nahihirapan akong huminga.
It was that dream again. Ilang araw na rin magmula ng mapanaginipan ko ang eksenang ‘yon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang ipinahihiwatig nito.
Iginala ko ang paningin. I smiled the moment I realized where I am. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Napatingin ako sa katabi kong kama kung saan ay mahimbing pa rin na natutulog si Althea. Kaming dalawa na lang ang nandito at mukhang maaga nagising ang iba. Sabagay ay hindi naman talaga malalim ang tulog ng mga kasama naming bampira.
I glanced at the wall clock. My eyes widened in shock when I saw that it’s already 12pm!
Sabagay ay nag-movie marathon na rin kami kagabi at sa pagkakaalala ko ay 4am na kami natapos kanina.
Ano naman ang laban namin sa mga bampira pagdating sa puyatan?
Tumayo na ako para mag-asikaso. May sariling banyo rin naman dito. Mayroon din itong anim na king size bed at entertainment room. May mini-kitchen din sa kabilang dako at nang marinig ko ang biglang pagkalam ng sikmura ko ay pinagtiyagaan ko ng kainin ang cake at sliced bread na nakita ko sa refrigerator.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong nag-ayos at kinuha ko ang nakapatong na DSLR sa bedside table. Napangiti ako nang maalala na graduation gift ni Kyle ito sa ‘kin. Samantalang ako ay wala man lang naibigay sa kanya. Nawala na rin kasi sa isip ko.
Dahan-dahan akong lumabas at tinahak ang daan paakyat sa mansyon. Pagkarating ko sa living room ay mayroon akong mabangong naamoy na nagmumula sa kusina. I started to walk towards its direction, expecting to see all of them there.
BINABASA MO ANG
Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓
Vampire• Marrying the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #1 • Wattys2018LongList • Soon To Be Published Under Immac PPH Nicole Jane Parker is an incoming grade twelve student who lives in luxury and enjoys her freedom as much as she can. But ev...