Chapter 12: The Revelations

12.9K 408 29
                                    

Chapter 12: The Revelations

Third Person's POV

MARAHANG umiinom ang kanilang pinuno ng isang pulang likido habang nakaupo sa kanyang trono nang biglang bumukas ang malaking pintuan sa harap niya at pumasok ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang alagad. Lumuhod ito at tumungo bilang tanda ng paggalang sa kanya.

"Mayroon po akong magandang balita, Master," magalang na wika ng isang matipunong lalaki.

Sumilay ang malademonyong ngiti ng pinuno. Sa isip-isip niya ay talagang nalalapit na nga ang araw na itinakda upang makamit niya ang inaasam na malakas na kapangyarihan.

"Ano naman 'yon?" Mapanganib ang tono ng kanyang boses pero nababakasan pa rin ito ng pagkasabik.

Tumingala ang kanyang alagad at ngumisi. "Kumpirmado na pong siya ang matagal na nating hinahanap." Mababanaag sa mga mata nito ang kagalakan.

Napatango naman siya at halata ang kasiyahan sa kanyang mukha. "Paano naman niya nasiguro ang tungkol sa bagay na 'yon?" Matiim niyang tinitigan ang alagad. Hindi pa man din ito nagsasalita ay nagawa na niyang mabasa sa isip nito ang sagot.

"Sa mismong araw po na ito ay lumabas na po ang pulang marka sa kanyang leeg. Tanda na siya po ang itinakda."

Tuluyan ng tumayo ang pinuno at marahang tinapik ang balikat ng kanyang alagad. Tunay ngang ito ay kanyang maaasahan at kahit kailan ay hindi pa siya nito binigo. Sadyang hindi siya nagkamali sa pagkupkop dito at sa asawa nito.

Kahit pa na isa silang mga tao. Dahil noong panahon na nasa panganib ang buhay ng mag-asawa ay iniligtas niya ang mga ito kapalit ng paninilbihan at katapatan sa kanya.

Walang pag-aalinlangan na tinanggap ng mag-asawa ang kanyang alok. Sadyang malaki rin ang pakinabang niya sa mga ito dahil dati itong nasa panig ng kabilang kampo.

Marami na siyang impormasyon na nakalap mula sa mga ito. Ngunit ang mas nakakuha ng kanyang interes ay ang tungkol sa propesiya na nabanggit ng mag-asawa. Wala kasi siyang kaalam-alam tungkol sa bagay na 'yon. Na sa loob lamang ng ilang linggo ay magaganap na.

"Magaling kung ganoon. Makakaalis ka na."

Muli itong yumuko bago tuluyang umalis.

Naiwan na namang mag-isa ang pinuno sa loob ng isang malaki at malamig na kuwarto. Napaangat siya ng tingin at pinakatitigan ang malaking litrato ng isang babae na nakasabit sa isang sulok.

"Wala na sana akong balak pa na maghiganti kung ako lang sana ang pinili mo noon." Bakas sa boses niya ang galit at sakit.

"Pero hindi mo 'yon ginawa. Ang mas masakit pa ay nagawa mo akong ipagpalit at sa isa pang kalaban! Kaya ngayon ay ang anak mo ang magbabayad sa lahat ng pasakit at kasalanang ginawa n'yo sa 'kin ng asawa mo."

Napahigpit ang hawak niya sa kanyang kopita hanggang sa tuluyan na itong nabasag. Nanggigigil na siyang maipaghiganti ang kanyang namatay na pamilya at mabawi ang kaisa-isang babae na kanyang minahal.

"Kasabay ng pagkakaroon ko ng malakas na kapangyarihan ay ang pagbawi ko sa yo, Cassandra Clarkson."

***

Kira's POV

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga nakitang imahe at eksena ni Kyle ng biglang sumakit ang ulo niya kanina. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa kanilang dalawa ni Nicole. Ewan ko ba. Pero parang ang daming bagay na ang nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Muli ko na namang naalala ang mga nangyari kanina. Talagang literal na napanganga ako sa ipinakitang lakas ni Nicole. Hindi ko akalain na magagawa niyang patalsikin ng ganoon lang ang isang Pureblood. She's really something.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon