Chapter 22: His Reason

5.9K 183 3
                                    

Chapter 22: His Reason

Vincent’s POV

I didn’t mean to act that way, but I just can’t help myself from doing so. I know that it’s too risky, but I believe that Kyle can handle what happened back there, and he will understand.

Ang buong akala ko ay magiging isang normal na araw lang ito para sa ‘kin. But the moment I saw her face again, I know too well that starting this day everything will change, and I wouldn’t be able to have that normal day again. Ni hindi man lang sinabi sa ‘kin ni Kira na siya pala ang bagong estudyante.

“Vincent.”

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar niyang boses. Sa sobrang bilis ko maglakad ay hindi ko namalayan na nandito na pala ako banda sa kagubatan.

I closed my eyes, trying to calm my nerves. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa oras na humarap ako sa kanya ngayon.

“What are you doing here?”

Kanina ko pa gustong-gusto na ibato sa kanya ang tanong na ‘yon. Alam ko naman na posibleng magkita pa kami ulit. Lalo pa at iisa lang naman ang mundong ginagalawan namin.

But not this soon because I’m not ready yet.

Ilang taon na rin ang lumipas magmula ng huli kaming magkita. Matagal na panahon na rin kasi siyang nakapirmi sa ibang bansa habang naiwan naman dito ang kanyang ama bilang personal na protektor ni Kyle.

I thought I had already moved on and forgotten what happened. I thought I was already okay.

But I’m wrong. In a snap of a finger, all the pain that she have caused me suddenly came back as if it all just happened yesterday.

Dahil dito ay unti-unti na namang namumuo ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Nang dahil sa isang masakit na pangyayari na ginawa niya sa ‘kin sa nakaraan.

“The king appointed me to become Nicole’s protector. And no matter how much I want to decline it, we both know that I couldn’t say no to an order. Kaya biglaan ang naging pagbalik ko rito,” pormal niyang sagot.

Naikuyom ko ang kamao. Ang dami namang iba na puwedeng ipadala. Pero bakit naman siya pa?

Malalim akong napabuntonghininga. “I know. So, you’re actually here for Nicole. Well, at least that’s clear.”

Pero kahit nandito siya ngayon nang dahil sa utos ng mahal na hari ay hindi ko pa rin ito magawang tanggapin.

“Yes. And—”

“If that’s the case, then just do your job properly. Don’t you dare come near, or talk to me again. Just pretend like you didn’t know me at all. Most especially, I don’t want to talk to a human like you,” I cut her off. I have enough of her reasons as well.

I was about to walk again when suddenly, I felt her hug me from behind. It made me froze on my spot.

Dati ay natutuwa pa ako sa tuwing niyayakap niya ako ng ganito. Sobrang nakakagaan kasi sa pakiramdam.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon.

“Vince naman. Please don’t be like this! Ang tagal kong hinintay na dumating ang pagkakataon na ‘to. I’m sorry. I really do! Hinding-hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa ‘yo hanggang sa mapatawad mo ako. You know that I only did that back then for your own good. Ikaw lang din naman ang iniisip ko dahil—”

Lalo akong nakaramdam ng galit nang dahil sa sinabi niya. Marahas kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa ‘kin at nanlilisik ang aking mga mata nang humarap ako sa kanya.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon