Chapter 16: Eclipse

9.5K 290 11
                                    

Chapter 16: Eclipse

Third Person’s POV

ILANG oras na ang lumipas at kanya-kanya pa rin ng hanap kay Kyle ang iba pang royalties sa loob at labas ng kaharian. Tila aso’t pusa pa rin na nagtatalo ang magkasamang sina Hiro at Reiri na kasalukuyang iniikot ang likod na bahagi ng palasyo. Seryoso naman si Vince na naglalakad at iniisa-isa ang bawat silid na kanyang nadaraanan. Habang sina Kira at Miley naman ay mas piniling sundan ang hari at reyna na kasama pa rin ang dalawang mortal na nagdala kay Nicole sa lugar na ‘yon.

Ngunit sa kanilang pagliko sa dulong bahagi ng mahabang pasilyo ay nagulat na lamang sila nang mapansin na wala na ang kanilang sinusundan.

“Shit! Mukhang naramdaman nila na may sumusunod sa kanila!” Napasabunot si Kira sa kanyang buhok habang napabuntonghininga na lang si Miley.

Sa isip-isip ng dalawa ay bakit nga ba nila nakalimutan na masyadong makapangyarihan ang mga magulang ng huli at imposible talaga na maisahan nila ang mga ito?

“NASAAN po pala ang mahal na prinsipe?” tanong ng lalaking mortal at ama ni Nicole sa hari nang maihiga na niya ang kanyang anak sa isang mahabang mesa na gawa sa bato. Tanging ang kulay pula na tela lang ang sapin nito.

“Nasa isang silid kung saan ay hindi siya magagawang makita ng mga naghahanap sa kanya,” kampante nitong sagot habang malaya nilang pinagmamasdan ng kanyang asawa ang payapang mukha ng dalaga.

Katulad ng kanilang anak ay wala ring nagbago ni katiting sa hitsura nito. Siyang-siya pa rin ang Jade na nakilala nila.

“Matalino talaga ang mga batang ‘yon, Zach. Kaya kampante ako na magagawa nilang gampanan ng maayos ang mga nakaatang na responsibilidad sa kanila sa hinaharap.” Nakangiting nilingon ng reyna ang kanyang asawa.

Sumang-ayon naman ang lahat sa kanyang sinabi. Muli nilang sinulyapan ang natutulog pa ring si Nicole bago nila tuluyang iniwan ito.

SA ISANG luma at madilim na palasyo naman ay naghahanda na ang pinuno ng kalaban na bampira at maging ang mga kawal niya para sa kanilang gagawing pagsugod at pagkuha sa pureblood princess. Ilang oras na lang ang kanilang hihintayin para sa nalalapit na pagdating ng eclipse. Ang panahon kung saan ay manunumbalik ang lakas na nawala rito dahilan para mas madadagdagan pa ang kapangyarihan nito.

“Paano po natin magagawang sumugod roon, Master? Alam naman po natin na hindi tayo makakapasok sa kanilang kaharian,” nakatungong tanong sa kanya ng kanang-kamay na si Rafael.

Kampante lang siyang nakatingin sa labas ng bintana na para bang hindi man lang nangangamba na maaaring pumalpak ang kanilang plano mamayang gabi.

“Sa tingin mo ba ay hindi ko naisip ‘yon? Siyempre hindi tayo papasok sa loob,” nakangisi niyang tugon.

Gulat na napaangat ng tingin sa kanya ang alagad. Hindi nito naintindihan ang ibig sabihin niyang sabihin. “Ano po ang ibig n’yong sabihin, Master Marcus?”

“Hindi tayo puwede pumasok sa loob, ‘di ba? Puwes, gagawa tayo ng paraan para sila mismo ang kusang lumabas at humarap sa ‘tin.”

Unti-unting sumilay ang malademonyong ngiti ng kanyang alagad. Matagal na rin niyang pinaghandaan ang araw na ‘yon kaya naman ay handa na siya sa mga maaaring mangyari.

“Dahil sa pagkakataon na ito ay sila naman ang pababagsakin natin,” paninigurado pa niya bago tuluyang naglaho sa kawalan.

GISING na ang diwa ni Nicole. Pero nananatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata. Kanina pa rin siya may naririnig na iba’t ibang boses at sabay-sabay na bumibigkas ng kakaibang lengguwahe na animo'y isang ritwal.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon