Chapter 7: Missing

11.7K 419 21
                                    

Chapter 7: Missing

Nicole Jane’s POV

“Whose car are we going to use? Yours or mine?”

We have no class in our last two subjects for today. That's why I decided to go into town to buy some supplies and other personal needs too.

Bukod tuwing weekends ay puwede rin naman kaming lumabas ng academy tuwing weekdays. Kailangan nga lang naming makabalik bago mag-alas siyete ng gabi.

Truth be told, for a boarding school, the rules here are not kinda strict.

Now I wonder why.

Kaya ko naman naisipang isama si Mikan ay dahil hindi ko pa kabisado ang mga lugar na malapit dito at maging ang mismong daan. Imagine the shock on her face when I informed her about it.

I was about to answer her question when suddenly, she speaks again.

“Let’s use mine. I’m going to be your tour guide for today!” she said excitedly.

I just shook my head and continued to walk until we reach the parking lot.

“Maybe you can tour me next time. Gusto ko kasing makabalik din agad.” Bakas sa mukha niya ang pagtutol pero tumango na lang din siya.

Halos lahat naman ng mga estudyante rito ay mukhang may sariling kotse. Pero para sa mga wala nito dahil hindi pa marunong magmaneho ay may sarili namang shuttle service ang academy para sa kanila.

I just followed her tracks until we stopped in front of a white Honda Civic. We are about to get in when someone called my name. Napalingon ako sa likod ko at nakita si Kira na nakangiti habang naglalakad palapit sa ‘min.

“Oh, my gosh!” natatarantang tili ni Mikan sa tabi ko habang pinapaypayan ang sarili gamit ang dalawa niyang kamay. It looks like she will pass out anytime soon.

“Where are you going?” Kira asked the moment he came near us, then smiled.

I was about to answer him when he turned his attention to Mikan.

“Hello, Miss Williams,” he greeted her.

Mahina kong siniko si Mikan nang mapansing nakatulala na siya. Napaghahalataan naman masyado ang babaeng ‘to.

“H-hello rin po, Prince K-Kira,” nauutal niyang tugon sabay tungo.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili. Hindi ko akalain na marunong din pala siyang mahiya.

Muli namang nalipat ang atensyon sa ‘kin ni Kira na tila ba naghihintay ng sagot ko.

Nagkibit balikat naman ako. “Mamimili lang kami sa bayan sandali.”

Biglang nawala ang kanyang ngiti at naging mailap ang kanyang mga mata. Parang mayroon siyang gustong sabihin ngunit nag-aalinlangan naman siya. Napakamot pa siya sa batok niya.

“Can I go with you?” he asked hesitantly.

Napaangat ng tingin si Mikan na para bang nakarinig siya ng isang magandang balita.

Saglit akong napaisip. Wala naman sigurong masama kung isasama ko siya.

“Sure. Pero baka mainip ka lang.”

“No worries. I’ll be fine.” He gave me an assuring smile.

Ayan na naman ang matamis niyang ngiti. No wonder that he has a lot of fangirls here. Especially the one beside me.

“Let’s use my car instead. Mahirap na kung kayong dalawa lang ang lalabas. Mas mabuti ng may kasama kayong lalaki.”

Napatango na lang ako dahil may punto naman siya. Mabuti na lang at hindi siya nahawaan ng kasungitan ng matalik niyang kaibigan.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon