Chapter 17: The Croven's

9K 271 16
                                    

Chapter 17: The Croven’s

Kyle Ethan’s POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Ni hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano.

Lalo na ng malaman ko ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang at angkan namin.

Parang hindi kasi tama. Dahil kami ang unang nawala sa mundong ito. Pero heto kami ngayon. Kaming dalawa na lang ni Nicole ang natira sa angkan namin. Kahit pa iba na ang mga pamilya namin.

But the fact that I was still with Nicole right now somehow made me feel at ease. Ang muling makasama ng mas matagal pa ang nag-iisang babae na minahal ko ang isa sa mga rason kung bakit mas gusto kong lumaban at mamuhay pa ng matagal ngayon.

I was in my deep thoughts when suddenly, I felt Nicole’s hand shaking. I looked up and saw her face that seems so afraid.

I asked her if she’s okay and her parents both stood up, then went near her. But I didn’t expect the response that I get and when she let go of my hand as she took a step back.

She turned her back to us and run away. Reiri suddenly shouted, trying to stop her.

“No! You can’t leave, Ate!”

Pero hindi sila pinakinggan ni Nicole. Hahayaan ko na lang muna sana siya nang bigla naman akong hinila ni Miley.

“Kuya! We need to go after her!”

Napakunot noo ako nang mapansin na ang lahat ay tila natataranta. Kahit ang mismong mga magulang ko na nauna ng lumabas.

“Yeah. But she’s still shocked on everything. Kahit naman ako, eh. I know that she just wants time alone to think over some things right now.”

Umiling naman siya sa ‘kin. “Hindi natin siya puwedeng hayaan na mawala sa paningin natin. She might be more powerful right now compare to us even if she’s still a human. But Rei had a vision. Hindi natin puwedeng balewalain ‘yon.”

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang dahil sa sinabi niya. That statement alone was already alarming. Ngayon ko lang din nalaman na nadiskubre na pala ni Reiri ang espesyal niyang kakayahan.

Napatango ako bago kami dali-daling tumakbo palabas. Habang si Kira naman ay nag-teleport na.

Pero natigilan kami nang makasalubong ang mga kawal na papunta sa ‘min at bakas sa kanilang mga mukha ang pangamba. Kahit ang mga protectors.

“May problema ba?” seryosong tanong sa kanila ni Dad. Tumungo naman sila bago sumagot.

“Ang mga fledglings po, mahal na hari. Nagpapakalat po sila ng apoy sa kagubatan sa labas ng portal. Nangangamba po kami na baka mayroong madamay na mga tao at mapunta pa sila sa siyudad, o ‘di kaya ay may makakita po sa ginagawa nila,” magalang na sagot ng isa sa kanila.

Napatiim bagang ako bago mabilis na tumakbo palabas ng portal. Nagpaiwan naman ang mga magulang ni Nicole pati sina Miley at Reiri para tingnan kung nasa paligid pa ng palasyo si Nicole. Miley will just communicate with me through her mind.

But I didn’t expect what I saw outside. Nicole is hugging her dad! The previous king!

Pero nagulat na lang ako nang makita kung paanong unti-unti itong nagbago ng hitsura.

Damn!

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Miley na nag-aalala dahil hindi nila makita si Nicole. Agad ko naman siyang sinabihan na nandito si Nicole sa labas. Kaya naman ay mabilis silang nakasunod sa ‘min.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon