Chapter 23: In Between
Kira’s POV
Nawalan na ako ng gana kumain nang bigla na lang umalis si Vince. Idagdag mo pa ang hindi maipaliwanag na tensyon na namamagitan sa bawat isa sa ‘min dito na hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinagmulan.
Kaya naman ay napagpasyahan ko na ring umalis. Pero mukhang hindi lang sa ‘kin mayroong bumabagabag. Dahil pansin ko rin ang pagkabahala ng iba.
Ngunit hindi ko inaasahan na sasama sa ‘kin si Mikan.
Damn.
Nag-alangan pa ako noong una. Pero dahil ayaw ko namang mahalata ng iba ang nararamdaman kong pagkailang sa kanya ay napatango na lang ako at hinayaan na lang siya.
“What is it this time?” I asked her the moment we go outside the dining hall. Diretso lang ang tingin ko sa harap habang mabilis na naglalakad. I don’t want to be rude, but I just can’t help it right now. Hindi naman ako ganito, eh.
I felt she shrugged with her arm still clinging into mine. Mukhang hindi naman niya iniinda ang halos pagkaladkad ko na sa kanya. Pansin ko rin ang pagpukol ng masamang tingin sa kanya ng bawat makakasalubong namin. Habang ang iba naman ay nagsimula ng magbulungan.
“Ang sabi mo kasi ay may gagawin ka pa, eh. I just wanna help you on whatever it is,” she answered cheerfully.
Napailing na lang ako. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin o gawin sa kanya. Mukhang wala rin namang eepekto, eh. Magmula kasi noong araw na hinalikan niya ako ay madalas na siyang nakadikit sa ‘kin.
Ang tanging pagkakamali ko lang naman ay noong tumugon ako sa halik niya. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko ng mga panahon na ‘yon at nagawa ko ang bagay na ‘yon. All I know was that I’m hurt, and she’s the only one whose there on my side by that time.
Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon ay agad ko namang ipinaliwanag sa kanya na hindi ko ‘yon ginusto at kalimutan na lang namin ang nangyari. Because it was obviously a mistake.
Pero hindi siya pumayag. Hindi raw niya magagawang kalimutan ang nangyari dahil isa raw ‘yon sa pinakamasayang pangyayari sa buhay niya.
She became clingy since then. Madalas na nakabuntot siya sa ‘kin na para bang matagal na niyang ginagawa ang bagay na ‘yon. Which is unusual of her.
That’s why I have decided to talk to her last night. Sa likod mismo ng dormitory building nila.
But our conversation didn’t end up well. Parang ibang Mikan kasi ang nakausap ko kagabi. She’s so possessive and demanding. She’s even acting as if she’s my girlfriend!
Gustong-gusto ko na nga sanang sabihin sa kanya kung sino at ano talaga ako. Dahil baka sa oras na malaman niya ang tunay kong pagkatao ay siya na mismo ang kusang lalayo sa ‘kin.
Pero hindi puwede. It’s too risky.
Yes, she’s our friend. But for some reason, there’s a part of me that is still doubting her.
“Hey! Tara na?”
I get back to my senses the moment she snapped a finger in front of me. This made me sigh and look at her intently. Malawak siyang nakangiti habang nakatunghay sa ‘kin. She looks so happy and hopeful at the same time.
Hinarap ko siya at mariing hinawakan sa magkabila niyang balikat. “Look, Mikan. Alam kong ilang beses ko ng sinabi sa ‘yo ‘to. Pero hindi ako magsasawa na ulitin.” Marahas akong napabuga ng hangin. “Kaibigan lang ang tingin ko sa ‘yo at alam ko sa sarili ko na hanggang doon lang talaga ang kaya kong ibigay sa ‘yo.”
BINABASA MO ANG
Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓
Vampire• Marrying the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #1 • Wattys2018LongList • Soon To Be Published Under Immac PPH Nicole Jane Parker is an incoming grade twelve student who lives in luxury and enjoys her freedom as much as she can. But ev...