Chapter 29: Surprise Date
Nicole Jane’s POV
“Saan ba tayo pupunta?” kunot noo kong tanong kay Kyle habang binabaybay namin ang daan palabas sa academy.
“You’ll see once we get there.” He smiled, then reached for my hand and squeezed it.
Magsasalita pa sana ako nang bigla akong napahikab. It’s just 7am in the morning, and I’m still sleepy. Kung bakit naman kasi bigla-bigla na lang siyang pumunta sa kuwarto ko kaninang alas-sais para mambulabog at mag-aya umalis.
Napakusot ako ng mga mata ngunit patuloy na bumibigat ang talukap nito.
“Mas mabuti siguro kung matulog ka na muna. Medyo mahaba rin kasi ang magiging biyahe natin. I’ll just wake you up once we get there.”
Napatango na lang ako. Wala rin kasi ako sa mood para makipagtalo pa. May tiwala naman ako sa kanya kahit saan niya pa ako dalhin.
I leaned the side of my head on the window and fell asleep.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Basta nagising na lang ako sa pakiramdam na may tumatapik sa pisngi ko.
“Wake up already, sleepyhead.”
I blinked to adjust my sight from the ray of sunlight that welcomed me. Pero nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita kung gaano kalapit ang mukha niya sa ‘kin.
“K-Kyle...”
“Hmm? What is it, Babe?”
Napalunok ako. Why does his voice sounds so husky and sexy?
“Nandito na ba tayo?” Pilit ko siyang nginitian.
Napatango naman siya bago dahan-dahang lumayo.
Sa isang iglap ay tuluyang nawala ang antok ko. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at dali-daling tinanggal ang seatbelt ko. Pero nang dahil sa sobrang kaba ay hindi ko ito mabuksan-buksan.
Napuno ng malakas niyang tawa ang loob ng sasakyan. “You’re really cute, Babe. Especially when you’re blushing and nervous.”
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Ako na nga riyan.” Iiling-iling na lumapit ulit siya sa 'kin.
Humalukipkip lang ako at hinayaan siyang tanggalin ‘yon.
“There.” Nginitian niya ako at napanguso na lang ako sa kanya.
Bababa na sana ako nang bigla naman niya akong pinigilan.
“Wait.”
Napamaang na lang ako sa kanya nang mabilis siyang lumabas ng sasakyan at umikot patungo sa puwesto ko.
“Thank you,” I muttered when he opened the door and held my hand to assist me from getting out of the car. Sa totoo lang ay hindi ako sanay sa inaakto niya ngayon.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko lang napagtanto na nasa isang park pala kami. I admit, I didn’t expect that he’s going to bring me to a place like this. Ang buong akala ko kasi ay kakain kami sa isang mamahaling restaurant bago maglilibot sa mall, o kaya ang magmasid sa isang magandang tanawin.
Nagpahila na lang ako sa kanya nang bigla niya akong hinatak patungo sa iba’t ibang stall na nakahilera sa tabi. Nalukot ang mukha ko nang makita ang hindi pamilyar na mga pagkain.
“Ano ang mga ‘yan?” bulong ko kay Kyle habang tinuturo ang isang pagkain na tila nakabalot sa isang wrapper na may kung ano sa loob, maging ang saging na mayroong nakatusok na stick sa gitna.
BINABASA MO ANG
Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓
Vampire• Marrying the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #1 • Wattys2018LongList • Soon To Be Published Under Immac PPH Nicole Jane Parker is an incoming grade twelve student who lives in luxury and enjoys her freedom as much as she can. But ev...