Chapter 49: Among Us

3.3K 93 2
                                    

Chapter 49: Among Us

Someone’s POV

“Where do you think you’re going?”

Napatigil ako sa paglalakad at halos mabingi ako nang dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya sa ‘kin.

“M-magpapahangin lang po ako,” pagdadahilan ko.

Pinaningkitan naman niya ako ng mga mata. “Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako? Huwag mo ng tangkain na tumakas dahil kapag nagpumilit ka pa ay mapipilitan na akong patayin ka.” Mahihimigan ng pagbabanta ang kanyang boses.

Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ‘yon maaari. Kung mamamatay man ako ay kailangan ko munang masabi sa kanila ang totoo.

Dahan-dahan akong napatungo dahil ayokong salubungin ang mapanuri niyang tingin sa ‘kin.

“Wag po kayong mag-alala. Wala naman po akong balak na tumakas. Saka ano naman po ang laban ko sa inyo, ‘di ba?” Kailangan ko siyang paniwalain na kakampi ako. Ito lang ang tanging paraan para makaligtas ako sa ngayon.

“Sabagay. Bumalik ka na sa kuwarto mo. Hindi ka puwedeng lumabas hanggang sa matapos ang nakatakdang digmaan bukas. Alam mo na ang mangyayari sa ‘yo sa oras na sumuway ka.”

Magpoprotesta pa sana ako pero mas kailangan kong pairalin ang isip ko ngayon.

With that, I nodded and walked back to my room. Kailangan kong makaisip ng paraan sa kung paano ako makakatakas dito.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. I should have listened to him. If I only have.

“Don’t worry. I’ll do everything I can to correct the mistakes I made as long as I still have the chance,” I said as if he can still hear me.

Malalim akong napabuntonghininga. Pero natigilan ako nang may bigla akong maalala.

Dali-dali kong tinungo ang baul na nasa ilalim ng kama ko. Binuksan ko ito at kinuha mula roon ang isang bagay na makakatulong sa ‘kin.

Bakit nga ba ngayon ko lang ito naisip?

Tila muli kong narinig ang mga salitang binitiwan niya noong araw na ibinigay niya sa ‘kin ang bagay na ‘to.

Here. Keep this. Makakatulong ito sa ‘yo ng malaki para maprotektahan mo ang sarili mo. I am not around all the time to look after you, that’s why. But...” He sighed and stared blankly at me. “It will only work if you use it in a good way. Wag mong aasahan na gumana ‘yan kung sa masama mo lang naman gagamitin.

Nagdalawang isip pa akong kunin ang bagay na inaabot niya. Pero sa huli ay naisip kong baka nga kailanganin ko rin ito balang araw.

What’s with this?” I asked out while looking at the bracelet he gave me.

He smirked. “It’s a special weapon of mine. At hindi niya alam ang tungkol diyan.

That made my brow raised. “Weapon? Paano naman ito naging weapon?

Seriously, what can a single bracelet do?

Napailing naman siya bago pinitik ang noo ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Once you wear it, you’ll become invisible.

I smiled bitterly. Sabagay, kung dati ko pa ito naisipang gamitin ay baka nga hindi rin ito gumana.

But now I have finally decided. Gagawin ko ang lahat para hindi mabalewala ang tiwalang ibinigay at sakripisyong ginawa mo...

Kuya Dave.

***

Nicole Jane’s POV

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon