Chapter 1: Clarkson Academy

22.7K 610 173
                                    

Chapter 1: Clarkson Academy

Nicole Jane’s POV

“You behave there, okay? Don’t worry, we’ll always call you,” Mom said.

I just rolled my eyes and plugged in my earphones. Rinding-rindi na kasi ako sa mga paalala nila.

Magmula noong araw na sabihin nila sa ‘kin ang tungkol sa fiancé ko raw ay wala naman na silang nabanggit pa ulit tungkol doon. Ni hindi na nila ako binigyan ng pagkakataon para makapagsalita ulit dahil bigla na lang silang umalis noong panahon na ‘yon.

Ilang beses ko rin silang kinulit sa tuwing nakakahanap ako ng tiyempo dahil hindi talaga matahimik ang kalooban ko. Pero wala na talaga silang ipinaliwanag pa. Kaya hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na hindi totoo ang tungkol sa bagay na ‘yon.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng mga magulang ko para ilagay ako sa isang alanganin na sitwasyon. Ni wala pa nga akong naging karelasyon o kahit kaisa-isang lalaki na hinangaan man lang sa buong buhay ko. Pagkatapos ay ipakakasal nila ako sa kung sino man?

Then out of the blue, they broke another news to me. That I’m going to transfer to who knows where. Hindi man lang nila binanggit sa ‘kin kung saan bang lupalop ang eskuwelahan na ‘yon at kung ano ba ang pangalan nito. Kung kailan naman huling taon ko na sa senior high school ay saka pa talaga nila naisipan na ilipat ako.

Just great.

I looked outside the window. Puro nagtataasang building ang bumungad sa paningin ko. Habang ang mga nagkalat na tao naman sa paligid ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa.

My lips thinned. The fact that I don’t have any idea on where are we going made me feel anxious.

Truth be told, I refused to leave at first. But the moment they told me that they’re going to cut my allowances and left me with nothing, I shut up.

Though I didn’t believe in them at first. The thing is that they left me in our house for a week without any extra money on my hand!

They can be on any part of the world for all I care. But as long as I have my allowance with me. What will gonna happen to my adventurous life if I don't have that much money I need, right?

That reason alone leads me to end up with this kind of situation right now. It's all thanks to my loving parents.

Ilang oras na rin kaming nagbibiyahe. Hindi ko na nga nagawa pang kabisaduhin ang mga dinaanan namin dahil masyadong maraming pasikot-sikot.

Hanggang sa biglang napalitan ng mga nagtataasang puno ang dinaraanan namin. Halos kulay berde na ang buong paligid at wala man lang akong matanaw ni isang bahay na nakatayo rito.

I don’t really know this place. Malayo-layo na rin ang huling siyudad na nadaanan namin mula rito. Maybe it will take an hour or more if you will just walk.

“Don’t tell me that the school where I’m going to transfer was somewhere in the middle of forest?” I unplugged my earphones and asked them in disbelief.

Hindi naman ata bagay sa ‘kin na mag-aral sa kung saan lang. Prestihiyoso na nga ang school na pinapasukan ko rati. Kung saan ang karamihan sa mga estudyante ay anak ng negosyante o kaya ng pulitiko. Tapos bigla-bigla na lang nila akong ililipat sa hindi naman kilalang eskuwelahan?

Nagkatinginan naman silang dalawa. Pero bago pa man ako makapagtanong ulit ay natigilan ako nang matanaw mula sa hindi kalayuan ang dalawang nagtataasan at kulay ginto na gate.

“Wow,” I whispered in amusement as we get nearer.

Pero hindi ko masyadong ipinahalata sa mga magulang ko ang pagkamangha at baka kung ano pa ang isipin at sabihin nila.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon