Chapter 30: Threats

4.2K 125 2
                                    

Chapter 30: Threats

Nicole Jane’s POV

Kanina pa ako nakatitig sa kisame at nag-iisip kung papasok ba ako mamaya o mananatili na lang dito sa loob ng kuwarto ko maghapon.

It’s been four days since Kyle planned the surprise for me to see my parents. Sinamahan din ako ni Kyle na ihatid sina Mom at Dad sa airport noong Lunes. Pagkatapos nito ay dumiretso na kami sa academy.

Maaga akong nagising kanina para magpaalam kina Kyle at sa mga kaibigan namin dahil mayroon silang lakad ngayong araw. Pero magmula noon ay hindi na ako nakatulog pa ulit kahit anong pilit ko.

“Nicole, pupunta pala ako sa palasyo. Pinapatawag kasi ako ng mahal na hari. Nakapagpaalam na rin ako sa mga teachers natin na hindi ako makakapasok ngayon. Ayos ka lang ba rito?”

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si Steph. Ilang linggo ko na rin siyang kasama rito sa kuwarto pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay. Nagugulat pa rin ako sa tuwing bigla na lang siyang susulpot o magsasalita.

“Oo naman. Don’t worry. I’ll just stay here in school, and I’m not going anywhere.” I smiled and winked at her.

Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala at pag-aalinlangan. Kaya naman ay ako na mismo ang tumulak sa kanya palabas ng pinto.

“Go now. Baka hinihintay ka na ng mahal na hari. I’ll be fine here.”

“Pero—”

“Bye!” I waved a goodbye at her, then slammed the door shut.

Napangiti na lang ako. Walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ko dahil napapaligiran ako ng mga tao at bampira na gustong bantayan at protektahan ako.

But seriously, I can manage. They have their own lives and other obligations too. Hindi nila kailangan paikutin sa ‘kin ang buhay at oras nila.

Muli akong bumalik sa pagkakahiga. Tila hinihila talaga ako ng kama ngayon.

Napaangat ang tingin ko sa wall clock. It’s just 6:30 in the morning. Maybe I could still take a nap.

Papikit na sana ako dahil nararamdaman ko na sa wakas ang pagdalaw sa ‘kin ng antok nang may bigla na lang kumatok sa pinto.

Napahinga ako nang malalim. Sino naman kaya ang mambubulabog sa ‘kin ng ganito kaaga?

“Sandali!” Napakusot ako ng mga mata bago tumayo at tumungo sa pinto. “Sino ba—” Niluwangan ko ang pagkakabukas nito pero wala naman akong nakita na kahit sino. Lumabas pa ako at nagpalinga-linga sa paligid pero wala talagang tao o kahit bampira man lang.

“What the hell is that?” Akmang isasara ko na ulit ang pinto nang may nakita akong nakatiklop na papel sa tapat nito.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Naalala ko bigla ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng sulat at hindi maganda ang nilalaman nito.

Dali-dali ko itong kinuha bago tuluyang pumasok at sinara ang pinto. Dumiretso ako sa kama at doon ay nanginginig ang kamay na binuksan at binasa ko ang nilalaman nito.

ENJOY WHILE YOU STILL CAN. BECAUSE ENDLESS SUFFERINGS AND PAIN WILL COME ON YOUR WAY ONCE WE MET SOON.

***

“Mikan! Where are you going?” pasigaw kong tawag kay Mikan nang dali-dali siyang lumabas ng classroom pagkatunog pa lang ng bell.

She took a step backward to the door and shouted back. “I have some important things to do. Won’t make it to the class later. Bye!”

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon