Chapter 31: Bothered

3.8K 130 2
                                    

Chapter 31: Bothered

Nicole Jane’s POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit sinalubong naman ako ng walang hanggang kadiliman dahilan para tuluyan akong mapadilat.

Ahhh!

Napaiyak na lang ako nang maramdaman na hirap akong makagalaw. Pawang nakatali kasi ang maliit ko pang mga kamay at paa. Nagpalinga-linga ako sa paligid at lalo akong napuno ng takot nang makita na tila nasa isang hindi pamilyar na lugar ako.

Ang huling naaalala ko lang ay mayroong isang puting van na biglang humarang sa sinasakyan kong kotse. Ang pagtutok ng baril ng mga taong nakamaskara kay Mang Jun na driver namin at ang pagtakip nila ng panyo sa bibig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Where am I? Is somebody there? Please help me! Someone please help me out of here!

Nag-echo sa bawat sulok ng lugar na kinaroroonan ko ngayon ang boses ko. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak. Ano nga ba ang magagawa ng isang batang tulad ko na hindi pa naiintindihan ang nangyayari?

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng papalapit na mga yabag. Hanggang sa tuluyan ng bumukas ang pinto na nasa harap ko pala. Wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko at pilit akong nagsusumiksik sa gilid na tila ba mayroon akong matataguan doon.

Pumasok ang dalawang lalaki na pawang malalaki ang katawan at mayroong tattoo sa braso. Mahaba ang buhok ng isa sa kanila at pareho silang nakangisi sa ‘kin.

Ang ingay-ingay mong bata ka! Kung ako sa ‘yo ay mananahimik na lang ako dahil kahit anong sigaw pa ang gawin mo riyan ay walang makakarinig sa ‘yo rito! Kaya hintayin mo na lang na tubusin ka ng mga magulang mo!

Gusto kong takpan ang magkabila kong tainga dahil para akong nabibingi sa malademonyo nilang mga tawa.

Mom... Dad...” nanginginig at paulit-ulit kong usal hanggang sa maiwan na naman akong mag-isa sa karumal-dumal na lugar na ‘to.

Wag kang mag-alala. Ililigtas kita rito.

Natigilan ako nang may biglang nagsalita. Napaangat ako ng tingin at sa tulong ng kaunting liwanag na pumapasok mula sa siwang ng pinto ay naaninag ko ang isang batang lalaki na kasalukuyang nagkakalas ng pagkakatali ng mga paa at kamay ko. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling dahil basta na lamang siyang sumulpot sa tabi ko.

But he looks familiar.

Help me! Please help me!” pagmamakaawa ko pa sa kanya. I’m just 8 years old and fear was all I can feel right now.

Oo, tutulungan kita. Katulad na lang ng ginawa mong pagtulong sa ‘kin kanina.” His voice was too cold that made me shiver. Tila ba nanggaling pa ito sa kailaliman ng lupa.

Ilang segundo akong napatitig sa kanya. Hindi nagtagal ay may bigla akong naalala.

Ikaw ang bata sa labas ng ice cream parlor kanina. Ang inaaway ng iba pang mga bata!

Tama. Kaya pala pamilyar siya sa ‘kin. Siya ang batang lalaki na ipinagtanggol ko kanina mula sa mga nang-aaway sa kanya.

Ngunit natigil kami sa pag-uusap nang marinig namin ang muling pagpihit ng seradura ng pinto.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon