Chapter 35: Vampire Hunters
Nicole Jane’s POV
“Bakit kasi magkahiwalay pa tayo ng sasakyan?”
Pinasadahan ko muna ng tingin sa huling pagkakataon ang sarili ko sa harap ng salamin bago nilingon si Mikan na halos masira na ang unan ko nang dahil sa kakasuntok niya.
“Hayaan mo na. Magkikita rin naman tayo pagkarating doon, eh. Besides, you’re with Steph, Vince, Hiro and Reiri. So, you have nothing to worry about.”
Hindi kasi ako sa seksyon namin napasama. Well, actually ay si Kyle ang may gusto no’n. Nakahiwalay ako kasama sina Miley at Kira. Kasama namin ang kalahati ng section B bago ang buong section C. Naghiwa-hiwalay kami para may kanya-kanyang nakabantay sa dalawang bus. Pwede namang sumama ang mga nasa lower levels. As long as part sila ng student council.
She looked up at me, then pouted. “Sabagay. Pero medyo hindi pa rin kasi kami ganoon kalapit ni Steph, eh. Maging ng iba pa,” she said sadly.
Napataas ako ng kilay. Mabuti na lang at kahit papaano ay nauna ng lumabas si Steph kanina dahil tutulong lang daw siya sa mga kailangan asikasuhin kaya mapag-uusapan namin ang mga ganitong bagay ni Mikan ngayon.
“Sa totoo lang ay pansin ko rin ang tungkol sa bagay na ‘yan. Pati nga sa ibang royalties ay parang may awkwardness ka pa ring nararamdaman kahit matagal na tayong magkakasama. Why is that?”
Hindi ko napigilan ang mabalot ng kuryosidad. Kasi parang sa ‘kin lang talaga nadikit masyado ang babaeng ‘to. Nakakasama lang naman niya ang iba pa kung kasama rin ako. Kung wala ako ay madalas na mag-isa lang siya.
She shrugged. “I don’t know. Siguro kasi mas malapit at magaan lang talaga ang loob ko sa ‘yo kaya ganoon. But promise, I don’t have anything against them.” Itinaas niya pa ang kanang kamay na tila nanunumpa. Natawa na lang ako.
“Alam ko naman ‘yon. Well, it’s better if you take this opportunity to be close to Steph and to the others. Even in a small span of time.”
Napatango naman siya at nag-thumbs up.
Pagkatapos kong mag-ayos at mag-asikaso ng mga dadalhin ay niyaya ko na siya palabas.
Dumiretso kami sa labas ng main building kung saan naghihintay ang iba pang mga estudyante at ang mga bus na sasakyan namin. Medyo inaantok pa nga ako dahil alas-kuwatro pa lang ng umaga. Mahaba-haba rin kasi ang magiging biyahe namin.
The disadvantage of our school being located at the middle of nowhere.
Pero napakunot noo ako nang hindi mahagilap ng mga mata ko si Kyle. Nasaan naman kaya ang lalaking ‘yon?
“Okay. So, I guess everyone is here already. Umakyat na kayo sa mga respective bus n'yo para makaalis na tayo,” Sir Maurer said.
Oo nga pala. Adviser nga pala siya ng seksyon namin.
“Tara na, Mikan. Doon na tayo sa bus natin,” anyaya ni Steph kay Mikan.
I was about to ask Steph where Kyle is, but she quickly grabbed Mikan’s hand and run towards their designated bus.
“Bye, Nicole! See you later!” They both waved their hands before going up. Kasunod na rin nila sina Vince, Hiro at Reiri.
I just smiled to them.
Ang totoo niyan ay gusto ni Steph na sa ‘kin din siya sumama para mabantayan niya raw ako. Pero sinabi ko na wag na lang. Baka kung ano pa kasi ang isipin ng iba pa naming mga kaklase at ni Mikan kung pati siya ay kasama namin.
BINABASA MO ANG
Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓
Vampire• Marrying the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #1 • Wattys2018LongList • Soon To Be Published Under Immac PPH Nicole Jane Parker is an incoming grade twelve student who lives in luxury and enjoys her freedom as much as she can. But ev...