Chapter 24: Chances Are

5.3K 173 3
                                    

Chapter 24: Chances Are

Hiro’s POV

My heart aches upon seeing the two of them that close. Pero wala akong ibang magawa kung hindi pangarapin na sana ay sa ‘kin siya nakangiti, na ako ang kinakausap, sinasamahan at hinahawakan niya sa braso.

Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Pero bago pa man ako makagawa ng isang bagay na alam kong pagsisisihan ko sa bandang huli ay napagdesisyunan ko na lang din na umalis. Ni hindi ko na masyadong inintindi pa si Nicole nang punahin niya ako.

She looked so frustrated. But I don’t have time to explain right now. All I want is to be alone and run away from all of them.

Kaya naman ay dali-dali akong tumakbo paalis. Walang ideya sa kung saan ba ako dapat na pumunta.

Takbo rito, takbo roon. Lakad rito, lakad roon ang ginawa ko. May mga nakakabangga ako pero sila pa ang humihingi ng paumanhin sa ‘kin kahit na ako ang may kasalanan. Ang iba naman ay todo yuko pa habang nahingi ng dispensa.

“Hi, Prince Hiro! Want to have some fun?”

Napahinto lang ako sa paglalakad nang may bigla na lang sumulpot na matangkad na babae sa tabi ko.

I gave her a bored look. Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang kabuuan niya. Pero maganda sana siya kung hindi lang niya ginawang coloring book ang mukha niya.

Ngunit kahit ganoon, kung sa ibang pagkakataon lang sana niya ako tinanong ay baka nasagot ko na siya ng diretsahang oo. Pero ang malas lang niya dahil wala ako sa mood makipaglandian ngayon.

“I’m sorry. But I still have some important things to do.” I didn’t bother to wait for her response and started to walk away again.

I thought I have already accepted it. I thought I can already overcome my emotions.

Because I’m Hiro Collins. The guy who always gets what he wants and can have any girl in just a snap of a finger.

But now the reality was finally slapping me really hard.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa kung paano humantong sa ganito ang lahat. Kung paanong ang isang katulad ko na hindi marunong magseryoso ay nakakaramdam ng ganito. Kung paanong nagkakaganito ako ng dahil lang sa isang babae.

Muli akong napatigil sa paglalakad nang may bigla na lang humawak sa braso ko. I was about to confront who it might be, when I suddenly got stunned the moment I saw Reiri.

“What are you doing here?” walang gana kong tanong sa kanya. Agad ko namang binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ni hindi ko man lang namalayan na nandito na pala ako sa isang bahagi ng kagubatan.

She shook her head. “Sa tingin mo ba ay habang-buhay mong matatakbuhan ang reyalidad?” seryosong tanong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Napakunot noo na lang ako nang dahil sa naging tanong niya. Wala akong ideya sa kung ano ba ang sinasabi niya. “What do you mean?”

Imposible naman kasing tungkol kina Mikan at Kira ang tinutukoy niya. Because I’m confident that no one knows about my true feelings for Nicole’s best friend.

She looked at me in disbelief, as if I was some kind of innocent man who asked a stupid question. “Oh please, Hiro. We both know what I mean. That’s why I’m still wondering on how a playboy like you fell for a girl. A human girl to be exact. I never thought that you’re capable to feel such thing. Pareho kayo ni Kuya.” Napatawa siya nang malakas pero halata namang pilit lang ‘yon.

Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon