Chapter 39: The Other Side Of Story
Miley’s POV
“Aalis na kami, anak. May kailangan pa kasi kaming asikasuhin sa palasyo. Just tell your brother that we already left.”
Napatango ako kay Mom at napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
“Sige po. Ingat kayo ni Dad.”
Mahigpit naman akong niyakap ni Dad. “Magpakabait kayo rito, hah? Saka minsan ay dalaw-dalawin n’yo rin naman kami sa palasyo.” May himig ng pagtatampo sa boses niya.
Natawa naman sina Hiro at Kira. Paano naman kasi ay parang bata na naman ang daddy kong hari at nasisiguro ko na nakanguso na naman siya ngayon.
I saw Mom rolled her eyes. “Hay naku! Nagdadrama na naman ang daddy mo.”
Kumalas na siya sa yakap naming dalawa at nakanguso na nilingon si Mom. “Hindi ba puwedeng naglalambing lang?” Napailing na lang kaming lahat sa tinuran ni Dad.
I smiled widely at him and salute. “Yes, Sir. We will.”
Ginulo niya pa ang buhok ko at sa isang iglap ay wala na sila sa harapan ko.
“I knew it. Kaya pala noong simula pa lang ay hindi na talaga magaan ang loob ko sa Mikan na ‘yon.”
We all looked at Ate Steph when she speaks up. Biglang naging seryoso ang mukha niya.
Kaya pala pansin namin na parang ilag din itong si Ate Steph kay Mikan. Mayroon din pala siyang ibang pakiramdam dito.
“Yeah. Tapos mang— Nevermind!”
Napataas ako ng kilay nang dahil sa naging reaksyon ni Rei. Ano raw?
“Ano ‘yon?”
Umiling naman siya. “Wala. Parang gusto kong pumunta sa ibang lugar. Tipong makapagbakasyon man lang tayo kahit isang linggo lang,” nakahalumbabang turan niya.
Napatango naman ako. Oo nga. Kahit man ako ay gusto ko rin ‘yon. “We should have told that to Mom and Dad a while ago. For sure, there will be no problem with them.”
They all nodded. Pero si Kuya Vince, as usual ay walang pakielam. Nakapikit lang ang mga mata niya habang nakasandal sa pader at nakapamulsa.
“Malapit na rin naman ang summer break. Siguro sa pagkakataong ‘yon ay puwede naman tayong magbakasyon muna. Tipong wala ring ibang iniisip.”
Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Kuya Hiro. Ano kayang problema at parang ang lungkot-lungkot ata niya ngayon?
I saw how Rei’s face softened. Nagkibit balikat na lang ako.
“Ang dami na rin kasing nangyari. Pagkatapos ngayon ay biglang may kapatid pala si Nicole. Kumusta na kaya ang pag-uusap nilang dalawa?” Kira crossed his arms and shook his head.
Natahimik naman kaming lahat. We do hope that she will be okay. That we will all be okay.
***
Nicole Jane’s POV
We would like you to meet your older brother, Gino Parker.
We would like you to meet your older brother, Gino Parker.
We would like you to meet your older brother, Gino Parker.
Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang sinabi ni Mom sa ‘kin kanina. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ipinagtapat nila sa ‘kin.
BINABASA MO ANG
Marrying the Vampire Prince (Soon To Be Published) ✓
Vampire• Marrying the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #1 • Wattys2018LongList • Soon To Be Published Under Immac PPH Nicole Jane Parker is an incoming grade twelve student who lives in luxury and enjoys her freedom as much as she can. But ev...