Alam mo, hindi talaga ako makatulog simula nagtext sa akin si Garreth. Sino ba naman taong makakatulog kung may magtext sa’yo na gusto ko niya kdinappin ‘diba? Hindi ko masabe kase kay Hunter. Natatakot ako baka magalit si’ya sa akin, na simula una palang may communication kami ni Garreth.
Bakit nga ba hindi ko sinabi sa kanya noong una palang? Bakit?! Pero hindi naman niya siguro kami mahahanap ‘diba? Hindi ko naman talaga sinabi kung nasaan kami.
Yeah, right, Ashley! Wag kang kabahan dahil sigurado akong di ka makikita ng Garreth na ‘yan.
“Oh, iha, wala ka pa din bang gana?” puna sa akin ni ‘Nay Marya.
Andito na kasi kami sa mesa kumakain ng hapunan. Sobrang lakas padin ng ulan sa labas. Nakakatakot na nga para liliparin ‘yun bubong.
“Ah, pasensya na. Medyo masama pa po kasi talaga pakiramdam ko.”
Natigil silang lahat sa pagkain. Oo nga pala, andito sila lahat sa bahay. Sila Andeng, Joseng, at ‘yung batang kambal. As in. Lahat.
“Kailangan ka na ba namin dalhin sa hospital?” nag-aalalang tanong ni Hunter sa akin. Napaangat naman ng tingin si Josa.
“Gusto mo ba hilutin kita?” sabi nito sa akin.
Yuck lang! Duh? Anong hilot gagawin niya sa akin? Saka effective ba ‘yon?
“No thanks,” sabe ko. “Medyo okay na pala pakiramdam ko.”
“Ashley-----“ suway ni Hunter sa pagsagot k okay Josa. The hell, he cares?!
“Alak lang kulang dyan! Inom tayo mamaya. Tamang tama ganda ng panahon, malamig.” Suhesyon naman ni Joseng.
Hinamapas naman ito ni Andeng. “Hoy! Ikaw! Magtigil ka nga dyan! Nakita mo may sakit ‘yung tao. Maka B.I ka ha!”
“Nagjojoke lang naman!”
“Hindi nakakatuwa ‘yung biro mo!”
“Hala, magsitigil kayo sa pag-away sa harap ng pagkain.” Suway ni ‘Nay Marya, at sinubuan si den-den sa tabi nito.
Infairness, tahimik lang si den-den nakatingin lang si’ya sa amin ni Hunter.
Biglang nagsalita naman si Ken-ken, “Pwede ba ako matulog sa kwarto niyo Ate Ashley?” nakangiting tanong nito.
Hindi ko alam sasagot ko. Like duh, isang bata tatabi sa akin? Ang sikip na kaya ng kama ko.
“Please..” nagpuppy-eyes pa ito. “Please, hindi ako mangdadagan, promise!”
Tumawa ang lahat.
“Ala eh, apo, baka lalo magkasakit sa’yo si Ate mo.”
“Sa lapag ka na lang, Ken-ken, kung gusto mo tabi tayo.”
“Sige, kuya! Gusto ko ‘yan!”
“Ako din Kuya Hunter!” sabi naman ni Den-den. “Tabi din tayo! Please, please, please… Hindi na ako wiwiwi sa kama. Please….”
Bigla naman kami sabay-sabay nagtawanan. Medyo nakalimutan ko na din ‘yung iniisip ko kanina. Thank God, medyo na release ‘yung stress saka pago-overthink ng utak ko.
**
Nagising ka na ba sa kalagitnaan ng gabi? Ako, oo. Tulad ngayon, pagkatingin ko sa iphone ko 2:00 am pa lang ata bigla ako nagising sa di malaman dahilan. Bumangon na lang ako sa kama dahil nagsisimula nanaman mag-isip ng utak ko sa sinabi sa akin ni Garreth kanina.
Shiat lang, kinakabahan kasi talaga ako. Sinilip ko ‘yung kambal sa lapag natulog. Ang kyotie nila, nakadantay ‘yung paa ni Den-den kay Ken-ken habang nakaawang mga labi nito.
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...