Alam mo, masakit eh. Masakit talaga, as in. Hindi lang masakit sa bangs kundi sa buong buhok ko na din sa katawan. Mas masakit pa ito sa puson ko pagnagkakaroon ako. Mas masakit pa sa pagbubunot ko ng kilay ko. Mas masakit pa pag namumurder ng manicurista ang kuko ko.
Wala nang tatalo dito, dinaig pa ata ang pagsuntok ni Manny Pacquiao sa mga kalaban niya. Kumbaga sa boxing, K.O. Hindi na ako makatayo gusto ko na maghalundusay. Pero hindi pwede, hindi ko gusto makita niya akong umiiyak.
Ayoko makita niya ako na parang isang talunan. Tumakbo ako ng mabilis paakyat ng bahay. Sa kwarto na lang ako magmumukmok. Atleast doon, walang makikinig. Walang makikiusosyo kundi ang mga unan na katabi ko.
"Demonyo ka kasi kaya nagkakagulo na dito! Ang ayos ayos ng lahat noong wala ka pa! Sana idiniretso mo na lang 'yung plano mo. Sana kinidnap mo na lang si'ya at nilayo dito!"
Napahinto ako sa pagkakarinig ng humahagulgol na iyak ni Josa.
"I don't care about your opinion, Josa" Garreth na garreth na sagot ni Garreth.
"Kailan ka nagkaroon ng pake?! Never naman 'diba!" sigaw nanaman nito. "Dahil sa'yo kaya kami nagkaganito! Dahil sa'yo nanaman kung bakit naguguluhan si'ya samin!"
"That's my point, never. Kaya isaksak mo 'yan sa kukorte mo." sagot naman ni Garreth. "At h'wag mo ako sinisisi sa katangahan ng mga desisyon mo sa buhay. Una sa lahat sumama ka sa'kin ng hindi pinipilit. Pangalawa, naguguluhan si Hunter dahil nakakita si'ya ng babae na mas may worth kesa sa'yo."
"Pak you ka, Garreth!"
"I pak you before, no thanks. Napagsawaan ko na 'yan."
Nakarinig ako ng lagabog tila ba may hinahagis si Josa na kung ano anong bagay. Napatalon naman ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko kung anong dal niya, mga damit at gamit niya. Aalis ba si'ya? Susuko na din sa akin?
"Saan ka pupunta?" nagpipigil na iyak na tanong ko kay Garreth.
He shrugged his shoulder. "Narinig ko pinagusapan niyo." sabi nito at tuluyan na bumaba ng hagdan agad ko naman si'ya hinabol.
"No, please. H'wag ngayon.." pakiusap ko habang binubuksan ni Garreth ang sasakyan niya.
"Selfish lang, Ashley Esqueza?" tumawa ito ng mapakla. "Hindi pa nga nagsisimula 'yung laban noon pero may panalo na agad sa'yo. That ain't fair."
Papasok na si Garreth ng sasakyan ng hawakan ko ang braso niya. I don't want him to leave. Feeling ko it's not right. Not the right thing to do.
"Give me one week." sabi ko. "One week, sasabihin ko na 'yung desisyon ko. Basta h'wag ka lang umalis ngayon.."
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. Parang tutulo nanaman ang luha ko sa ginagawa nila sa akin. "Mali tayo, Ashley Esqueza. Hindi ako para sa'yo, at hindi ikaw para sa'kin."
"Bakit niyo ako iniiwan ngayon? Ano bang nagawa ko?" unti unti nang tumutulo ulit ang luha ko.
"Dahil hindi na din ako sigurado sa sarili ko. Ilang araw pa lang pero may nababago na. I don't want to change. I have plans. At kapag pinairal ko ang nararamdaman ko masisira 'yung gusto kong gawin."
"Garreth, I don't care. H'wag mo lang ako iwan ngayon.. Nagagalit ka ba dahil sinukahan ko 'yung jacket mo? Lalabhan ko naman 'diba?"
Umiling si Garreth. "Narinig ko 'yung pagtatalo niyo kanina. I think you love him already. Kapag ako pinili mo, I have to makr sure no one's coming my way. I have to kill him. Kaya mo ba 'yon, Ashley Esqueza?"
"No.." nanghihinang sagot ko.
"Then let me leave."
Dahan-dahan ko tinanggal 'yung pagkakawak ko sa braso niya. Napayuko na lang ako at tinakpan ng maganda kong buhok ang dyosa kong mukha.
Umiiyak nanaman ako. Umiiyak ako na parang bata.
"H'wag mo ako idaan sa iyak mo." naiinis na sabi ni Garreth sakin.
Mas lalo tuloy napalakas ang hagulgol ko. Shiat naman, eh! Hindi ko na mapigilan. Halos buong baryo na ata ang nakakarinig sa pagdadalamhati ng pusong sawi ko.
"Aalis pa din ako kahit anong iyak mo dyan."
Nakita ko nalungkot din ang taga tayo ng banner ko. Isa isa silang tumalon sa malalim na hukay. 'Yung iba naman nagtabon ng lupa at 'yung iba naglagay ng ng R.I.P FEELINGS sa lapida ko.
May mga nagdadalamhati pero naiyak ako sa nakasulat sa banner na ginawa nila. "Goodbye, Long hair. Hindi na si'ya aabot hanggang EDSA. Sad life. RIP LONG HAIR OF ASHLEY ESQUEZA."
Mas lalo tuloy lumakas ang iyak ko. Napatakip na nga ako sa bibig ko. Hindi ko na kaya, parang gusto ko magbigti pero natatakot ako baka hindi ako makahinga.
I can't. It's hurting me. A lot.
Palakas na ng palakas ang iyak ko, dinaig ko na ata ang isang bagong silang na sanggol.
"Fuck naman, Ashley Esqueza. Tumigil ka nga sa pag-iyak."
Mas lalo ako naiyak sa Fuc'k niya.
"Ashley Esqueza, come on. H'wag ka umiyak aalis na 'ko."
Kinagat ko 'yung labi ko, ngayon para akong aso na naipit ang buntot sa gulong ng sasakyan.
"Ashley Esqueza naman!" binuksan ni Garreth 'yung pinto ng sasakyan niya at hinawi ang buhok ko mula sa mukha.
The way he was looking at me, muka talaga siyang awang awa sa pag e-emo ko.
"Don't cry."
Napatitig ako sa kanya pero hindi ko padin mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
"Halika na nga sa taas! Magpahinga ka na, hindi na ako aalis! H'wag ka na umiyak, fuck! Ang lakas mo talaga guluhin ang buong sistema ng katawan ko!" hinawakan ni Garreth ang kamay ko at hinila.
"Ikaw lang ang nakakagawa nito. Ikaw lang, tandaan mo 'yan."
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...