Sa totoo lang, napahawak ako sa mukha ko kanina. Pero wala naman kasi akong nakuha na kahit ano. Bwisit talaga 'yan si Hunter! Anong gusto niya ipalabas? Ipahiya ako? Pagkauwi ko tuloy ng bahay hinanap ko si'ya pero wala si'ya sa kwarto namin kahit sa kusina.
Si Josa lang ang nakita ko sa sala.
"Nakita mo si Hunter?" tanong ko dito.
May galit sa mga mata nito na habang nakatingin sa'kin. "Bakit mo si'ya hinahanap? Sino ka ba?"
Tinaasan ko si'ya ng kilay. "Amo niya. Malay mo maging future girlfriend niya din."
Ibinaba nito 'yung librong binabasa. "Future girlfriend nga pero ako padin iniisip niya."
Napatigil ako sa sinabi ni Josa. Seriously? "Eh sino ba nililigawan niya ngayon? Ikaw padin ba? Move on din, girl." Sabi ko at sobrang inis tinalikuran ko si'ya at bumaba.
Naabutan ko si Hunter nasa likod ng bahay nag sisibak. Nakasando ito at pawis na pawis. Halos nakaconcentrate ito sa ginagawa kaya hindi namalayan ang pagdating ko. Pero grabe, nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang galit.
How dare he! Bakit niya ako pinahiya! At dumagdag pa 'yung sinabi ni Josa ngayon! Nakakainis ang sarap manabunot ng ibang buhok!
"Bakit mo ginawa 'yon?" sabi ko.
Napahinto naman si Hunter at tumingin sa'kin. "Ginawa ang alin?"
"Pinahiya mo ako sa maraming tao!"
Itinuloy ni Hunter 'yung pagsisibak niya at hindi nanaman ako tinitignan.
"Sa tingin mo nakakatawa 'yung ginawa mo?"
Nagsibak nanaman si Hunter at hinagis 'yung kahoy tapos kumuha ulit.
"Bakit hindi mo ako sagutin, ha!"
Tumigil ito saglit, medyo may galit sa mga mata. "Sa tingin mo, babae, hindi din ako napahiya kanina? Halos isinigaw mo na nga sa lahat 'yung kwento ng buhay ko."
Yumuko ulit si Hunter at tumawa ako ng mapakla.
I crossed my arms. "Kasi hindi mo tanggap 'yung totoo?"
"Kasi wala kang alam." Napalakas ang pagsibak nito sa kahoy.
Kumuha si Hutner ulit ng panibago.
"Kaya nga. Alam ko. Walang akong alam." Sagot ko.
Biniyak nanaman niya 'yung kahot sa harapan niya. Medyo napapatalon na ako dahil habang tumatagal mas lalong lumalakas 'yung pagbiyak nito. Sobrang pawis na din si Hunter katulad ko, pinagpapawisan na din sa sobrang inis.
Kinagat ko na lahat-lahat ang labi ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko din alam kung paano ilalabas 'yung galit ko. Sa sobrang inis ko nanaman talaga tumalikod ako sa kanya at kung kailan medyo malayo saka ako natigilan. Bakit nga ba ako nag-wawalk out? Hindi ako pinanganak ng magulang ko para talikuran ang dapat hinaharap ko!
Bumalik ako kay Hunter at pasigaw na sinabi ang hinaing ko. Nagsisibak padin si'ya ng walang katapusan na kahoy.
"Wala akong alam!" ulit ko. "Wala akong alam na hindi ka padin nakakamove on sa kanya. Wala akong alam na nakita ko kayo naghahalikan sa kusina bago mo ako ligawan. Wala akong alam na hinihintay na lang niya 'yung sagot mo!"
Napatigil si Hunter sa harap ko. See? I have to spill the truth first para lang makuha ko ang atensyon niya.
"Nagulat ka ba? Tada! Ano, pag hindi ba ikaw pinili ko dederetso ka sa kanya? Ganon ba 'yung usapan niyo?" nanginginig 'yung boses ko.
Nararamdaman ko na din na tutulo 'yung luha ko pero pinigilan ko. What the heck, I'm not going to cry infront of him! Over my dead body!
Hindi ako iyakin at lalong hindi ako iiyak dahil lang sa kanya. He's just my bodyguard afterall.
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...