Alam mo, never kong naimagine sa sarili ko na sa buhay ko na may formal na manliligaw sa akin. At take note: Pinoy Style pa. Paano ba talaga manligaw 'yung mga lalaki kapag ganitong style?
Katulad ngayon, wala akong kaalam-alam sa mangyayari. Ang sabi sa’kin kase ni Andeng tumayo daw ako dito sa itaas ng terrace at maghintay. Tapos, magsuot daw ako ng mahabang palda saka magpusod ng buhok.
Okay, aaminin ko na mukha akong dalagang pilipina ngayon. Feeling ko tuloy ang hinhin ko at hindi makabasag pinggan. Which is true naman, mahinhin talaga ako. Diba? Diba?
Nasa gilid ko nga din pala ‘yung kambal at mukha silang excited.
“Ate, ate, manliligaw po ba sa’yo si Kuya Hunter?” tanong sa’kin ni Ken-ken.
Humawak ako sa kahoy dito sa terrace. “Hindi ko alam kung seryoso si’ya.”
“Hindi kaya si’ya seryoso.” Singit ni Den-den. “Ako kaya liligawan ni Kuya Hunter!”
Nginitian ko si Den-den. Alam mo, hindi talaga ako mapagpatol sa bata pero kahit ngayon lang, please, pagbigyan niyo ko.
“Den-den, kailangan mo muna mas maging maganda kesa sa’kin bago ka ligawan ni Hunter.” Pang-aasar ko dito.
Natulala ito sa sinabi ko, parang iiyak na ‘yung mata. Okay, I admitted, that’s a bit harsh.
Hinila ko ‘yung kamay niya. “Pero syempre mag kasing ganda na tayo, kaya liligawan ka na niya!”
Agad ko naman ito nakitaan ng ngiti sa labi. Si Ken-ken naman nakasimangot alam niya kasi na binobola ko ‘yung kambal niya.
Napatingin naman kami sa baba ng may narinig kaming string ng gitara. Napahinto ako ng makita ko kung sino may hawak ng gitara.
Si Garreth..
Nasa tabi nito si Joseng na may hawak na manila paper. Sa mukha ni Garreth mukhang hindi ito komportable sa suot nito na barong, pero, aaminin ko bagay sa kanya. Kahit mukha padin si’yang badboy dahil taas-taas padin ang buhok nito at sa ibaba nun kase ripped jeans padin ‘yung suot nito.
Nung umangat ‘yung mukha niya at napatingin sa’kin biglang nawala ang kunot ng noo nito. He smiled a little, parang pinipigilan ‘yung pagtawa.
Bigla naman tumakbo si Joseng parang nagtago. Nang magsalita na si Garreth.
“Ashley Esqueza,” sabi nito. “A-ako si Garreth Lavery Salazar, na laging naazar--- Fuck. Ano ‘yan?” napakunot ang noo ko sa sinabi nito.
Umubo naman si Garreth at tumingin nanaman sa’kin. “G-gusto ko sana ipaalam sa iyo, magandang binibi,” tumingin ulit ito sa baba. “Na ako’y opisyal na manliligaw sa’yo at sisimulan ko ito sa isang munting musika na sana’y magustuhan mo.”
Umangat nanaman ‘yung mukha nito para tingnan ako. “This is going to be fucking awesome, Ashley.” Sabi ni Garreth.
Hindi ko alam pero parang namula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya.
Bigla naman lumabas na si Joseng iba na ‘yung hawak nito; isang beatbox instrument. Inayos na ni Garreth ‘yung gitara na hawak niya.
Then he started stringing his guitar. Sumeryoso nanaman ang mukha nito tumingin sa’kin.
“Uso pa ba ang harana?” umpisa nito.
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Dahil kaya sa pageeffort ni Garreth na kantahan ako, o sa boses niya?
“Marahil ikaw ay nagtataka?
Sino ba ‘tong, mukhang gagong
Nagkandarapa sa pagkanta
BINABASA MO ANG
Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)
HumorPayapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahanap ang lalaking para sa kanya, hindi niya sinasadya na gamitin ang laptop ni Hunter, until she saw a...